019

47 2 0
                                    


Nagising na lang ako nang makarinig ako ng isang malakas na kulog at parang nakita ko din ang kidlat, pag dilat ko ng mata ko ay may nakapatong na sa akin na kumot.

"Oy nagising ka, mag u-turn tayo dahil mastuck tayo dito, dun ka muna sa bahay ko matulog, natawagan ko na mama mo" sabi niya sa akin although medyo wala pa ako sa sarili ko nakita ko naman na unti unti nang lumulubog yung daan sa baha, mababa kasi yung daan papunta sa bahay namin, tumango na lang ako sa kaniya. At unti unti nang napabalik sa tulog dahil sa lamig...

"Where did i put that?" Rinig kong sabi ni James, kagigising ko lang kasi at mga 2 am na, pero sobrang lakas ng ulan, pagka gising ko kasi agad kong napansin na nasa kama ako ni james, tapos kanina ko lang din naalala yung mga sinabi niya sa akin sa kotse, muntikan na ako mag panic dahil akala ko di pa nasabihan sila mama. Andito ko ngayon sa baba dahil hindi ko nakita sa kwarto si james kaya napababa ako. Nandito lang ako sa hagdan at nakatingin kay james na parang may hinahanap na kung ano

"Eto pala" ng sabihin niya yan ay sakto naman na namatay ang kuryente at kumidlat at kumlog pa ng malakas, kaya eto ako napatili at napakapit sa pader

"Daniel!? Asan ka?" Gulat na sabi niya at nagulat na lang ako ng matutukan ako ng pagka liwaliwanag na flashlight, di ko nga alam kung flashkight kang ba yun or bumbilya eh, sobrang liwanag, spotlight ka ghourl?

"Bakit ka bumaba? Dapat nag stay ka na lang sa taas" sabi niya sa akin at lumapit sa akin, nakalimutan at nitong naka tututok sa akin ang flashlight niya, kaya agad akong tumalikod

"Ay nakakasilaw ba? Sorry. Tara na at bumalik na tayo sa kwarto" sabi niya sa akin at naramdaman ko na lang ang kamay niya sa bewang ko, at inakay niya na ako pabalik sa kwarto niya

"Nagugutom ka ba?" Sabi niya habang nakahiga kami parehas dito sa kama niya. Oo, magkatabi kami, pero di ko na inintindi yun dahil ang lamig talaga, ang lakas ng hangin at ang lamig pa, tinutok niya yung flashlight sa kisame kaya medyo lumiwanag dito sa kwarto, di pala medyo, maliwanag talaga.

"Medyo" sagot ko na lang sa tanong niya. Nagugutom talaga ako, jusqo yung tulog ko halos 8 hours na ata or lagpas, umalis kami galing mall mga 6:30 na, tapos nakatulog ako sa kotse tapos nagising ako sa kama ni james mga 2 am... wait sa kotse ako natulog pero sa kama ako nagising?

"Binuhat mo ko???" Gukat na tanong ko sa kaniya, napatingin naman siya sa akin at tumango lang siya, andun kasi siya sa cabinet niya at nag kukuha ng kung ano ano. Nag init talaga katawan ko, feeling ko may lumabas na usok sa tenga ko at ilong ko sa sobrang hiya sa nangyare

"Sana ginising mo na lang ako , ang bigat bigat ko eh" sabi ko sa kaniya at ngumisi lang siya at nag talukbong ako ng kumot at lumapit siya sa akin at tinaggala ang kumit at saka inabit ang nga pagkain na kinuha niya... mcdo?

"Kelan ka nagkatime mag mcdo?" Takang tanong ko sa kaniya kasi, kung hindi ako mali, edi tama ako, charot! Kung hindi ako nag kakamali mga 8 yung time na nagising ako sa kotse, kasi nga sobrang trapik dahil sa biglaang pag baha sa mababang kalsada.

"Pag uwi natin, kala ko magigising ka agad kaya umorder na lang ako, para di na matagalan, kasi ang lalim pala ng tulog mo, halos buong biyahe tulog ka tapos ngayon ka lang nagising, ano pang maitutulog mo?" Sabi niya sa akin at bigla na lang napunta sa panenermon natawa naman ako ng bahagya, naalala ko yung mga ganyang linyahan eh, si mama laging sinasabi sa akin yang tuwing magigising ako

"Magugulat ka na lang pagka kain ko, ilang minuto lang tulog uli ako" sabi ko sa kaniya at parang proud na proud ako, well proud naman talaga ako eh, never ata kasi akong nahirapan matulog, laging in time tulog ko, gising ko lang hindi on time lagi overtime, except pag mga importanteng bagay, actually depende talaga sa katawan ko, pero never ako nagising ng maaga for no reason. Pero bakit medyo warm yung mcdo, tumingin naman ako sa kaniya ng confused at dinikit sa kaniya yung pagkain na nasa paperbag

My "Oh,so not" Simple storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon