Chapter 22

63 7 0
                                    

Stellar Calaia Anne's

"High ka ba?!" Sigaw ko pero nginisihan lang nya ako at hinigit palapit sa kanya.

"Bitaw, Nico! Sasapakin kita!" Angil ko sa kanya pero parang wala syang naririnig. Pabagsak syang humiga at dahil hawak nya ako ay napasama na rin ako sa paghiga. Ipinalibot nya ang braso nya sa bewang ko at hindi pa sya nakontento, sinubsob pa nya ang mukha nya sa leeg ko.

"Wag kang malikot, Cala. Inaantok na ako" Bulong nya sakin na nakapagpataas ng mga balahibo ko sa batok. Tumatama kasi ang mainit nyang hininga sa balat ko.

"Kung ayaw mo ng malikot, diyan ka na! Ako nalang ang lilipat ng ibang kwarto" pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap nya pero hinigpitan pa nya lalo yun. Dinantay pa nya ang isang hita nya sakin kaya lalo akong naipit. Napabuga nalang ako ng hangin.

"Nico, bitaw! Basa yung t-shirt mo" isinuot nya ulit kasi yun kanina nung inutusan ko syang magcheck in. Wala naman syang dalang ibang damit.

"Gusto mong maghubad ako?"

"Tarantado!" Natawa lang sya at nanlaki ang mga mata ko nung naramdaman kong dumampi ang labi nya sa leeg ko.

"A-ano ba?!" Sigaw dapat yun pero parang naging daing. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko.

Bumangon sya kaya nakahinga ako ng maluwag. Umupo ako sa kama at tinaasan sya ng kilay.

"Bahala kana dito, lilipat nalang ako sa ibang kwarto"

"Wala na ngang ibang kwarto dahil maraming nag-check in"

"Tigilan mo nga ako!" Akmang tatayo ako pero pinigilan nya ako.

"Pag tumayo ka dyan, itatali talaga kita" sinamaan ko sya ng tingin pero hindi sya natinag. Nakahalukipkip lang sya sa harap ko at matamang nakatingin.

"Maliligo lang ako dahil baka magkasakit ako. Wag na wag kang aalis dito, Cala"

"Sino ka para utusan ako?!" Nginisihan lang nya ako at lumuhod sa harapan ko. Nakaupo ako sa edge ng kama at sya naman ay nasa may sahig.

"Sige, isasama nalang kita sa cr habang naliligo ako. Baka takasan mo pa ako e"

"Gago!" Sa gulat ko ay bigla nya akong hinalikan. Mabilis lang yun pero halik pa rin yun at may pagkagat pa talaga sya sa ibabang labi ko.

"Natututo ka nang magmura. Di ka naman ganyan dati a" umismid ako at humalukipkip.

"Tatlong taon kang nawala, diba? Anong alam mo sa mga pagbabago ko?" Bumuntong hininga sya at tumayo.

"Wag kang aalis, Cala. Totoong wala nang ibang available na kwarto dito. Pagtiisan mo na lang na kasama ako ngayon gabi" yun lang ang sinabi nya bago pumasok ng cr.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Harsh ba ako? How ironic, umiiwas ako sa kanya pero ang ending, sya pa rin ang kasama ko ngayon.

Lord mabait naman ako, diba? Bakit Mo po ako pinarurusahan ng ganito?

Napanguso nalang ako at kinuha ang phone ko sa bag. Kailangan ko nga palang magtext kina Mommy dahil baka nagpapasearch and rescue na ang mga yun dahil wala pa ako sa bahay. Habang tumatanda kasi ang parents ko, pa-OA sila nang pa-OA. Lumalawak na rin ang imagination nila but nonetheless, love na love ko pa din sila.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa pinto. Kung walang ibang available na kwarto dito, maghahanap nalang ako ng ibang hotel, inn or whatever. Kailangan kong i-save ang puso at kaluluwa ko dahil konti nalang, alam kong bibigay na ako kay Nico.

Nakarating ako sa may pinto at akmang hahawakan ang door knob nung bigla na namang kumulog at kumidlat. Napapikit at napatakip ako sa tenga ko dahil sa sobrang kaba.

When The Stars AlignTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon