Chapter 8: Whats happening?

151 11 2
                                    

 Umuwi ako ng mga 7pm na rin. Pagpasok ko sa bahay nagmano agad ako kay Mama saka pumasok sa kwarto ko. Dumapa ako sa higaan. Di ko na nagawang umiyak pa kahit gusto ko!. kasi sobrang napagod ako, kakahanap sa kanya. kakahintay sa kanya. at kaka-asa sa kanya. NANG WALA LANG!. kaya di ko na namalayan .Shutdown na ko.ZZzzzzzzzzz(d~_~b)

-Umaga na-

   Pag gising ko kaagad eh, ang sakit ng katawan ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko magkakalagnat ata ako? o meron na?.Pero bumangon pa rin ako. Pumasok naman si mama bigla sa kwarto na may dalang manko na may lugaw ata?.?_?

"anak, may lagnat ka pa ah? magpahinga ka na lang muna, tinawagan ko na adviser mo na di ka makakapunta kasi nagkasakit ka. San ka ba galing kagabi? at nilagnat ka?"sabi ni mama pagkapasok pa lang sa loob ng kwarto ko. Iba na nga rin yung damit ko na suot, ang pagka alala ko kasi nakauniform akong natulog.

"opo ma!" bumalik na rin ako sa pagkakahiga, nilagay naman ni mama yung dala nyang lugaw sa may mesa, katabi ng bed ko. ang bango-bango pa nga eh. sarap kainin kaso panigurado walang lasa yan!.hayst, may lagnat ba naman..Asar kasi talaga ang ugok na yun eh. magpaasa daw ba? ako naman si tanga nagpauto!.tsk.

   Buong araw eh nasa bahay lang ako, kung hindi ako matutulog eh kakain lang ako, naglalaro sa phone ko(kahit ayaw ni mama). pasaway ako eh. kesa naman wala akong magawa. mas mahirap yun, maraming possibilities na pumasok sa utak ko at magdaydream naman ako ng hindi dapat.

   After nung day na yun magaling na ulit ako. Wala man lang ako natanggap na text galing sa kanya. kaya ayun hinyaan ko na lang. baka kasi umasa na naman ako mahirap ng magkasakit.hayst..

-school-

   Pagpasok ko sa room eh, bumungad agad sakin sina, -Princess Jessa Bravo, SM Cervantes, MG Guasis, Chai Azedna,and Shey Bunque.hala ano meron? isang araw lang ako nawala? may chika agad? ano kaya yun?:) excited na ako na kinakabahan.feeling ko masama ang ibabalita nila sakin,pero smile pa rin ako.

"o? ano bagong chika? mga mukha nyo, umagang-umaga eh." yung mga mukha kasi di mo malaman kung ano, may galit, may gigil, may sad,may ewan, may nagpapacute.hayst mas laalo akong naiintriga eh..tsk."oy, ano na kasi yun--?".

   Di ko na natapos yung sasabihin ko nung mmay biglang pumasok sa room na sobra atang masilaw sa mata.(silaw na magpapaluha sa mga mata ko.) dumating si Shaigne with Jesan na nakapulupot pa yung kamay sa braso ni jesan. naramdaman kung hinwakan ako ni MG yung braso ko. alam ko iniisip nila.

   Pwes wala akong pakialam. umalis ako sa kanila at lumapit kay Shaigne."hi shaigne, good morning. musta na? di mo lang ba ako kakamustahin? nagkasakit ako diba?" saka ko tiningnan yung expression ni jesan, medyo nagtaka sya nun, pero napalitan din kaagad ng walang emosyon yung mukha.

" yeah my dear, Pumunta nga ako dito kasi ,i want you to congratualate kasi buhay ka pa. Sana nga natuluyan kana lang! ops Sorry, mean ba? sensya na ha!, " ang plastic talaga. tapos mas lalo nya pang nilapit sa kanya si jesan.w-wait ba't ba sila magkasama ?.."ow, before i forgot, i just want you to know my HONEY. jesan, ito nga pala si edrain, and edrian kilala mo naman si jesan diba?" tapos nag grin sya ng nakakaloko/

I LOVE YOU TOO CRUSH (ej and je)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora