Kabanata 15

19 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa hardin ng palasyo ng Vlademort. Nakaupo ngayon sa upuang kahoy, mabuti na lang at hindi ako pinagbawalan ng mga Domenico na lumabas ng kwarto. Hindi ko man naitanong ang rason kung bakit todo bantay sila sa bawat kilos ko kahit nandito naman ako sa palasyo. Siguro wala silang tiwala sa akin at ganun din ako sa kanila.

Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko ba talaga sila.
Hindi na umuulan ng yelo ngayon dito sa Vlademort pero walang akong nakikitang araw. Siguro ay hindi gaanong lumalabas ang araw dito sa mundo nila. Iba nga pala ang mundo na ito kumpara sa mundo ng mga tao.

Bigla ko na namang naalala ang sulat ni Bucky, ngayong gabi na pala ang kabilugan ng buwan. At ang mga tagapagsilbi dito sa palasyo ay sobrang abala para sa preparasyon ng kasal. Hindi ko alam kung anong klaseng kasal ba, bakit sa mismong kalagitnaan pa ng gabi at kabilugan ng buwan.

Pero hindi parin ako nakapagdesisyon kung ano at sino dapat ang susundin at paniniwalaan ko.

Dahil naiinip na ako sa pagkakaupo ay agad na akong tumayo at pinagmasdan ang mga halaman sa hardin. Sari-sari ang mga halaman at bulaklak ang nandito sa hardin. Halos mga bulaklak o halaman dito ay hindi pamilyar sa akin o hindi ko pa talaga nakita sa mundo ng mga tao.

Ang mga bulaklak at halaman nila ay tanging dito lang siguro nabubuhay at makikita.

Naalala ko naman bigla 'yong itim na rosas na nakuha ko sa mismong bintana ng aming bahay sa mundo ng mga tao. Ang alam ko walang itim na rosas sa mundo ng mga tao. Nagresearch kasi ako sa internet nun sa school namin about black roses pero walang nag eexist na ganun.

Kung nag eexist man, ngunit hindi talaga itim ang kulay. Maybe dark colors like purple, maroon or burgundy blue.
Nalibot ko na ata ang nila. Kahit malawak iyon ay wala talaga akong nakitang itim na rosas. I sighed.  Hindi naman mukhang tuyo na rosas 'yong nakuha ko sa bintana namin.

"Good morning, Zahra!" Napalingon ako sa aking likuran ng may masiglang tinig ang bumati sa akin.

"Magandang umaga. " Bati ko pabalik kay Henry.

"Mukhang may hinahanap ka." Hindi iyon tanong.

"Ito lang ba ang hardin niyo sa palasyo?" Tanong ko rito.

Napanguso ito at tumango sa akin. "May mga hardin din naman sa labas ng palasyo ngunit sa mga mamayan na iyon. Ito lang ang tanging hardin sa palasyo. Bakit? Gusto mo pa bang mamasyal sa ibang hardin? Malawak itong hardin, nakakapagtaka lang at nakarating ka dito sa pinakadulo. Ano ba ang iyong hinahanap?"

"May itim na rosas ba rito sa hardin niyo?" Binaling ko ulit ang sarili ko sa mga bulaklak sa aming paligid.

"Wala kang makikitang itim na rosas dito." Seryoso ang pagkakasabi nito.
Napatango naman ako. Siguro kinulayan lang 'yon ng itim. Pero imposible naman ata.

"May nakita ka na bang itim na rosas?" May kuryosidad sa tanong nito.

"Noong nasa mundo pa ako ng mga tao. Simula nong may napanaginipan akong tumatawag sa pangalan ko. Tapos pag gising ko kinaumagahan may itim na rosas na sa bintana ko. Siguro baka dinadala nahulog lang ng ibon o kung ano. Tinantapon ko lang ang mga iyon pero hindi ko alam bakit parating may itim na rosas sa bintana ko. " Napakibit-balikat lang ako.

Napatango ito sa akin pero nakunot ang nuo nito na para bang may iniisip. "When was the last time you saw a black rose left on your window?"

"Noong bago kami bumisita ng lola ko sa sementeryo. Sa mismong araw din na iyon nawala ang lola ko at dumating kayo. Ngunit nakakapagtaka lang kasi paisa-isa lang kasi na bulaklak ang nakikita ko sa bintana ko mag umaga. Pero nung araw na iyon ay dumami. Hindi ko na kinuha iyon." Kwento ko rito.
Sa inaasahan ay bigla nitong pinalis ang aking nakalugay na buhok sa aking balikat. May tinignan ito sa aking leeg na nagpataka sa akin.

Biglang humangin ng malakas kaya napapikit ako saglit at pagdilat ko ay wala na si Henry sa aking harapan.

"I already warned you." Malamig na saad ni Sebastian sa kapatid na nasa damuhan. Nagulat ako nang makita ko si Sebastian sa aking harapad. Pinagbabawalan kami ng reyna at hari na magsama o magkita man lang ngayon dahil tradisyon iyon sa kanila kapag ikakasal ang babae at lalaki sa gabi ng kabilugan ng buwan ay dapat hindi ito magkita at magsama bago ang kabilugan ng buwan.  I saw Henry smirked.

"Chill, brother! She's not my type. Tsk!" Inis itong napatayo.

Hinila naman ako bigla ni Sebastian palabas ng Hardin. "I'm sorry." Paunmahin ko kay Henry sa mahinang boses, ngunit umiling lang ito.

"Sebastian, bitawan mo ako. Hindi mo dapat akong makita ngayon." Ngunit hindi ito sumagot at nagoatuloy lamang sa paglalakad.

Nang tuluyan na kaming makalayo sa hardin ay agad ako hinarap ni Sebastian at bigla akong yinakap. Napatigil ako sa ginawa nito. Sobrang higpit ng yakap nito kaya pinilit ko ang sariling itulak siya. Ngunit sobrang higpit talaga ng yakap nito na parang ayaw akong bitawan.

"Hindi ako makahinga." Saad ko rito.
Lumuwag naman ang pagkakayakap nito pero hindi parin bumibitaw. Bigla nitong isiniksik ang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa aking leeg.

"Are you alright?" Hindi ito sumagot. Mga ilang minutong nanatili lamang kami sa ganoong pwesto at hinarap ako.
Hinimas ng mga palad nito ang aking pisngi at hinalikan ang aking nuo.

"Ayos ka lang?" Ulit na tanong ko rito.
Tumango ito sa akin at ngumiti, ngunit ang mga mata nito ay kabaliktaran ang pinapahiwatid.

"Until you are here next to me I am fine. I am happy that you came into my life. Rose, please promise me..." Huminga ito ng malalim.

No, don't ask me that, because I'm not sure I can promise-

"Promise me you will not leave me. You just trust me. I will do everything for you. "He held my hands tightly.

"I-I can't promise you anything, but I will try to trust you. You know I do not know anything in this world, in your world. My only wish is to be with my Grandmother. She is my only family and she is the only one close to my heart. "

"I can be your family."

"Yes you can be. But my Grandmother is different. She is my family and her blood is on me. That's why I agreed to come here and get married because I know you are one of the powerful here and I know you can help me."

"You were just forced." it says coldly in a low voice.

Hindi ako sumagot sa tanong nito. "Diba makapangyarihan ang mga dyosa? Wala ba silang kapangyarihan na makuha ang Lola ko sa Orpheus?" Pang-iiba ko ng topic.

"The goddesses cannot use their power against Orpheus. Nor can the power of the goddesses enter because the kingdom of Orpheus is filled with darkness. Let us go inside." He turned his back on me and walked away

The Evil's BiteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora