chapter 5:

84 9 0
                                    

Luna pov:

"anak bumaba kana!nandito na yung sundo mo." sigaw ni inay sa labas.

Atat lang na paalisin ako nay?!tss.

"opo!pababa na." sigaw ko pabalik tsaka binitbit na ang dalawang maliliit na maleta.

Bumaba na ako at nadatna ko sina itay at inay na nag uusap.

"luna anak,may tatlong maliliit na ginto doon sa isa mong maleta gamitin mo pag may kailangan ka."

⊙_⊙

Gulat akong napatingin sakanila.

"a-ano?pero nay...diba libre naman po lahat ng pagkain don?atsaka mas kailangan nyo yan lalo na't wala na kami ni kael." nag aalala kung sambit.

"atsaka saan naman po galing ang mga gintong iyan?.".nagtataka kung tanong.napatingin naman si inay kay itay saka ito nagsalita.

"nakita yan ng itay mo sa sakahan nung nakaraang araw atsaka wag kang mag alala meron pa naman kaming natitirang pera."

"pero inay---."

"sige na anak...kanina pa nag aantay ang sundo mo." putol nya sa sasabihin ko sana .napabuntong hininga na lamang ako at niyakap sila.

Hinatid nila ko sa labas at niyakap sa pangalawang pagkakataon.

"mag iingat nalang po kayo ina,tay." sabi ko.

"sige mag iingat ka din ha,ikumusta mo nalang kami kay kael pag nagkita kayo don."

"opo,maaasahan nyo po."

"sige na luna at baka ma huli ka sa byahe." itay.

"opo!mamimiss ko po kayo." sabi ko at pumasok na sa sasakyan habang kumakaway.

"mamimiss ka din namin luna." sabi nila habang nakangiti.

Nag umpisa nang umandar ang sasakyan kaya napatingin ako sa gawi nila inay at itay.kumaway sila kaya gumanti rin ako ng kaway.

****

"Young lady!narito napo tayo." unti unting namulat ang mata ko

"YOUNG LADY!!."

"AYKABAYONGUTOT!" nagising ang diwa ko dahil sa malakas na sigaw.

"nandito na po tayo." napatingin ako sa nagsalita.

Unti unting nanlaki ang mata ko ng mapagtantong papunta pala este NANDITO na pala kami sa akademya.omg!vampires here i comeeeeee!!

Teka.teka!young lady?.

"ahm manong sino po si young lady."tanong ko. yaman ng pangalan ah.

"kayo po..young lady po ang tawag namin sa mga studyante sa DLA." ahh kaya pala.

Bumaba na ako at pagkababa ng pagkababa ng ko tumambad sa akin ang isang silver na gate na kumikinang.

Woahh.ang sarap nakawin HAHA

"halina po kayo young lady." sabi ni manong driver bitbit ang dalawa kung maleta.

Lumapit ako sakanya para kunin ang isang maleta. "tulungan ko na po kayo manong."

"hindi maaari young lady,kaya ko na."

"manong pumayag kana.sige ka pag dika pumayag di tayo aalis dito." sabi ko at naupo sa bato.

Bumuntong hininga si manong at tumango kaya agad kong kinuha ang isang maleta.

Nangungunang pumasok si manong sa silver na gate habang ako ay nakasunod sa kanya.

Pagkapasok ko ay halos kuminang ang mata ko sa ganda at lawak nito. Woah para akong nasa disney land.

walang ring estudyante dahil mag gagabi na.

Derederetsong naglalakad si manong hanggang sa umabot kami sa dalawang magkahiwalay na building.

Pumasok kami sa unang building na may nakaukit na GIRLS DORMITORY sa itaas.

binuksan ni manong ang pinto na may naka ukit na ROOM 128.

ito na siguro yong dorm ko.

Pinasok na ni manong ang maleta bago nagpaalam.

Pansin nyo guys kanina pako manong ng manong.

Masyado yata akong nagiging madaldal ah.

Nilibot ko ang kabuoan ng silid at di ako makapaniwala sa laki nito.halos kompleto na ang gamit.

Ang yaman siguro ng may ari nito.

kailan kaya kami makakatira ng ganito?.hindi naman sa nag rereklamo pero syempre may pangarap naman ako para sa mga magulang ko no.

Inayos ko na ang gamit ko bago naglinis at natulog

Black~

****

Kaela/kael pov:

"Mga baklaaa!." tawag ko sa mga kaibigab ko.

HINDI SILA BAKLA ha pero bakla lang talaga ang tawag ko sakanila.

"ano na naman ha kael?."iritang tanong sakin ni baklang shane.

"my name is KAELA,not kael." diin kong sabi.aba di bagay ang kael sa beauty ko noh.

"ewan ko sayo!.ano ba kasi yun?."

"Well,nandito na daw si baklang luna." nanlaki naman ang mata nilang dalawa.parati ko kasi kinukwento sakanila ang little sissy kong si buwan i mean luna.

"TALAGA?!." sabay nilang sigaw ni baklang mica.

Nagulat naman ang lola nyo sa pag sigaw ni mica,mahinhin kasi yan kaya nakakagulat.

"wow naman makasigaw kayo ah."

"saan sya?,tara puntahan natin."

"hoy baklang shane huwag masyadong excited ha bukas pa tayo pupunta doon." sabi ko.

"bakit bukas pa?." tanong neto.

"mag gagabi na at uuwi na ako sa dorm ko katakot kaya sa labas atsaka pagod yun." kahit bakla ako sa boys dormitory parin ako.

"oki,hmmp."

"bye mga baklaaa!." sigaw ni kyutt na si ako.

"bye rin KAEL,ingat." ayan na naman sa kaka kael nila che.

DARK LIGHT ACADEMY:SCHOOL FOR MAGICIANWhere stories live. Discover now