chapter 7:

69 9 0
                                    

Continuation~

Luna pov:

Pumasok uli kami sa cafeteria at halos lahat ng tao ay nagsisisigaw na halos maputol na ang leeg.

"prince jason be mine!"

"princess shaki ang kyutt mow!"

" how to be you po Princess tara"

"prince jace ang hot mo!"

"prince kaizer anakan moko"

Sigawan ng tao sa loob.anakan agad?grabe naman ata yun.

"bakit tayo bumalik?." tanong ko kay shin.

"basta makisama ka nalang."

"sino ba sila?." tukoy ko sa grupong naka salubong namin kanina.

"luna sis,mag iilang araw kana dito di mo pa sila kilala?like duh.sila ang royalties or should i say prince's and princesses." irap na sabi ni bakla habang nakatingin sa counter kung saan ang royalties daw.kaya naman pala mukhang big time.lol.

Naglalakad na pabalik ang royalties at umupo sila sa isang mahabang table malapit samin.napatingin ako sa kasamahan kung halos mag hugis puso ang mata kakasunod sa royalties.

"ano na?!." tanong ko sakanila.

"anong ano na?." tanong sakin ni shin na nakatingin parin sa pwesto nung royalties.napailing nalang ako at binalik uli ang tingin sa royalties.habang inoobserbahan ko sila nagtagpo ang mata namin ng isa sakanila.malamig ang tingin nito na animo'y nanghahalungkat ng katauhan.lumaban ako sa titig nya.ngumisi ito kaya napaiwas ako ng tingin

"HOY ano yan ha?!." halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagtanong sakin ni kael.gago talaga toh.

"ano?." pasigaw kung tanong?

"nakita ko yun." hano daw?.

"ang alin?."

"wag ka nang mag deny luna sis,may titigan competition pa kayo eh." wat da?nakita pa nya yun?.

"eh sino ba yun?."

"sya ang princepe ng fire kingdom si prince kaizer ace ferell." sa pagkakataong ito si shin na ang sumagot.naintindihan ata ang pinag uusapan namin ni bakla.

Kaizer ace ferell?kay gandang pangalan.

'i'll take that as compliment'. Muntik ko nang maibuga ang ininom kung tubig ng may nag salita sa utak ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa cafeteria."sinong hinahanap mo." napahawak ako sa dib dib ng magsalita si mica sa sa gilid ko. Maaga akong tatanda nito.

"wala hehe." pilit ngiting sabi ko nalang habang umiiling.

Baka imahinasyun ko lang yun.

****

"tok! Tok!". agad akong lumapit sa pinto ng may kumatok.binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang mukha ng tatlo.

Nakanganga silang tumingin saakin.problema nila?.

"hoy?." sabi ko at niwagayway ang kamay sa harapan nila.

"hello?." ulit ko.agad naman silang nabalik sa huwisyo.

"anyare senyo?." takang tanong ko.

"woah!diko akalain na may ikagaganda kapa sa uniform na yan." manghang sabi ni shin.

"thank you,kayo rin bagay sainyo yung uniform." tukoy ko kay mica na nakatingin lang sa mata ko.ok..ay?

"ang ganda talaga ng mata mo luna,parang buwan." sabi ni mica.wow ngayun lang ito nagsalita ng mahaba ah.

"wow bakla!sana tuloy tuloy na yan HAHAHA."   sabi ni bakla.

"tara na at malelate na tayo." tawag samin ni shin at nauna nang lumabas ng dorm.

"luna!? sa anong class ka pala?." tanong ni shin habang naglalakad kami.

"class A."

"yeeey! pare pareho pala tayo eh.". Parang bata nyang sabi at niyakap ako.

Habang naglalakad kami papuntang room diko maiwasang mailang dahil sa tingin ng estudyante samin.diko alam kong sakin ba or samin.

Weird.

Nakarating kami sa isang pinto na may nakaukit na class A sa taas.

Kumatok si bakla kaya bigla nalang bumukas ang pinto at bumungad samin ng mukha ng isang babaeng may katandaan na.

Sya na ata ang prof namin.pero bat ang aga yata?

"masanay kana,ganyan talaga yan.minsan 7:00 nandito nayan ehh." bulong ni shin sakin kaya napatango ako.

7:30 palang at 8:00 pa mag uumpisa ang klase.di ba sya tinatamad bumangon?tss

"pasok." sabi nito.mukhang strikto ata to.

Pumasok na kami at lahat ng mata ay nasa amin or sa akin lang?.nagbubulong bulongan pa sila

"ganda ng mata nya."

"oonga parang buwan."

"bagay sakanya yung uniform"

"sya na ba yung transfree?."

"siguro."

"new slut"

"bitch."

"attention seeker."

Bulungan nila.at ako? kailan pako naging attention seeker?at ako slut huh.nahiya naman ako sa uniform nya na halos mapunit na dahil sa ikli.diko nalang sila pinansin

"intoduce yourself in the infront." sabi ni prof kaya pumunta ako sa gitna para mag introduce thingy.

"hi my name is luna mercedez and my magic is still unidentified." pagpapakilala ko.marunong akong mag english si otor lang ang hindi.

"weak"

"maganda sana lampa naman."

"kapatid nya yung bakla?.

"obyos naman diba?."

"basta crush ko parin sya."

"ffth dude."

Bulungan nila na diko panagtuosan ng pansin.

"you may now seat." sabi nung prof kaya dumeretso akong naglakad palapit sa isang upuan sa tabi ni bakla.may nagtangka pang tisudin ako pero agad kung napansin yun at umupo nalang


****

🙂

DARK LIGHT ACADEMY:SCHOOL FOR MAGICIANWhere stories live. Discover now