Chapter 13

2.1K 57 3
                                    

Enjoy Reading!

~0~

"I like you. I like you so much, Hydrus Libra."

Finally. I said it.

Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Kaya napalingon ako sa bintana. Nasa isang mamahaling hotel na naman kami.

"W-What?" nauutal niyang tanong sa akin. I look at his face. Kitang-kita ko ang bakas ng pagkagulat sa mukha niya.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" balik na tanong ko sa kanya. Pulang-pula na ang mukha ko, dahil sa hiya. 

"God! My bella likes me huh? I like you too, damn much." sabi niya at kinuha ang kamay ko bago ito hinalikan ng malambot niyang labi.

Binitawan niya muna ang kamay ko at lumabas ng kanyang sasakyan, sinundan ko naman siya ng tingin. He opened his car door for me. Inalalayan niya ako sa pagbaba.

Nakita ko namang tinanggal niya ang coat niya at isinuot sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya at nagtataka.

"You're outfit kind of revealing. Some boys will drool over you." sabi niya at ngumiti sa akin.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko bago kami pumasok sa isang mamahaling hotel. Hindi ko alam kung bakit ba palagi niya akong dinadala sa mga mamahaling hotel para kumain. We can just go in a simple restaurant. I don't mind. I'm not comfortable when he's spending a lot of money just to date me. I just want to be with him.

"Hydrus, Bakit nasa isang hotel na naman tayo? You're spending too much of your money." sabi ko sa kanya.

"Don't worry, bella. I love having special dates with you." sabi niya at ngumiti.

"Fine." sabi ko sa kanya.

Iginiya naman niya ako sa isang restaurant. It looks very expensive. As usual.

"This way, Sir, Madame" sabi ng crew at itinuro sa amin ang naka-reserve na puwesto para sa amin.

Pagkalapit namin sa isang lamesa na naka-ayos ng napakaganda, ay inalalayan akong umupo ni Hydrus. Matapos ay naupo na rin siya sa harapan ko at bumalik na naman ang kamay niya sa aking kamay. Para bang nakadepende ang buhay niya sa kamay ko. This guy never fail to amaze me.

Ilang minuto na lang ay may nag-serve na sa amin ng pagkain. It smells good. 

May isang bote din ng wine na inilapag ang isang waiter, pagkatapos ay nakita ko ang isang lalaki na may hawak na violin, na tila ba tutugtog sa isa sa mga kumakain dito.

"Thank you for this." pasasalamat ko sa kanya at ngumiti.

"No worries, bella." sabi niya at binuksan ang bote ng wine bago nilagyan ang aming mga wine glass. I was about to slice my steak when I heard a violin sound behind me.

I stared at Hydrus with confused face. What the?

The violinist play a song Just The Two Of Us by Bill Withers, Grover Washington Jr.

I love the song, It fits the ambiance of this luxurious and elegant restaurant.

"Thank you." I thanked him again and hold his hand.

"Bella, Stop saying thank you. I love doing this with you. I love to be with you on a dates like this." sabi niya sa akin at ngumiti. His smile is the most wonderful thing I've seen.

Kinuha niya muna ang pinggan ko at siya na ang naghiwa ng steak ko, maging ang ilang side dish. He's the sweetest. Palagi siyang ganito sa mga nagiging dates namin. He never failed to make our date very special and memorable.

Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon