Chapter 20

2.3K 53 1
                                    

Enjoy Reading!

~0~

Pagkatapos ng ilang minutong pagkakaupo, bumalik na si Hydrus pagkatapos kausapin ang CEO ng Prima Modele.

"Babe, the CEO said that you can go to clinic first. " sabi ni Hydrus.

Tumango naman ako at dahan-dahang tumayo, inalalayan naman ako ni Hydrus, halos buhatin pa niya ako kaya mahina akong napatawa.

"Hindi naman ako baldado." natatawang sabi ko sa kanya.

"But I still need to guide you." seryosong saad niya at humawak sa baywang ko.

Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makapunta kami sa clinic. 

Sinalubong kami ng isang babaeng nurse. She assisted us into the small bed.

Naupo na ako sa kama at ipinahinga ang aking paa, kasama ko pa rin si Hydrus na siyang inaayos ang pagkain na ibinigay sa akin ni Maxine kanina.

Bumili si Maxine ng cheese burgers, spagetti, and fried chicken sa McDonalds. Tinanggal ni Hydrus ang balot ng burger at iniabot ito sa akin.

"It looks like Maxine forgot to buy drinks. I'll just call my driver." sabi ni Hydrus. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at binuksan ito.

My lips formed into a smile after I saw his wallpaper. It's me. I'm wearing a red dress there, and I think it is one of my photoshoot before.

"You got your wallpaper on google?" tanong ko sa kanya.

"Hmm...We still don't have our picture together, so I decided to make your picture as my wallpaper." sabi niya at tinawagan na ang kanyang driver.

"Leo, Please buy us drink sa starbucks, anything, buy for yourself too. Pakihatid dito sa clinic, magpasama ka na lang sa guard sa ibaba. Call me." sabi ni Hydrus habang kausap ang kanyang driver. Ibinaba niya rin ito kaagad.

"Let's just wait for him, babe" sabi niya sa akin at ibinalik sa kanyang bulsa ang cellphone niya.

"Thank you." pasasalamat ko sa kanya at ngumiti.

Pinagbuksan ko rin siya ng isang burger at ako mismo ang nagtapat nito sa kanyang bibig. He look so surprised but I just smiled and told him to take a bite.

"Thanks, babe." sabi niya at kumagat na sa burger.

"You don't have work today?" tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na parang maaga siyang nakapunta ngayon dito. I know he's a CEO, so probably he's a busy person.

"I cancelled some unimportant meetings and let my friend accomplish important ones." sagot niya sa akin.

"Hydrus, don't do it again next time okay? Don't let our time together disturb your work. Maiintindihan ko naman." sabi ko sa kanya.

"I'm sorry, bella. I just really wanted to see you. Para akong mababaliw kapag hindi kita nakikita. It sounds damn crazy but yeah, that's true." sabi niya na ikinapula ng mukha ko.

"I understand that you miss me, but ayokong maging sagabal man sa mga trabaho mo, You still need to work. Hindi mo naman maaaring isawalang bahala at isantabi iyon." sabi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"I know babe, I'm sorry, I won't do it again." sabi niya kaya napangiti ako. I carefully caress his cheeks. 

"It's fine, I understand." sabi ko sa kanya.

"I love you, so much." sabi niya sa akin kaya ang puso ko ay parang kakawala sa sobrang lakas ng tibok nito.

"I love you too, so much." nakangiting tugon ko sa kanya.

Ride With Me [Acquisitive Billionaires Series #3 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon