CHAPTER 29

13 1 0
                                    

Hindi ako masyado maka pag update kasi nagsimula na ang 2nd sem. Busy na ako ngayon sa online class yung dating 2am lang naging 3am na tulog ko.
Anyway thank you to my silent reader for staying ilove you so much❤️

Tatlong lingo na ang lumipas simula nung dumating si Dymma nag-iba ang lahat yung dating maingay ngayon ang tahimik na at may kasamang mainit na ihip ng hangin. kailan ba ito matatapos? Si Zaren hindi na rin pumapasok ngayon ewan ko iba yung nararamdaman ko parang ma kulang sa pagkatao ko simula nung hindi ko na sya makita parang dala dala nya ang future ko tsaarrrr hahahah.

"Hoy kell, anong ginagawa mo jan sa ilalim ng puno? Time na" tawag sakin ni Glaze kasama si Ariezel.

"Ahh?" Tumayo na ako at tumakbo papalapit sakanila saka naglakad na papunta sa room, sa may 2nd floor ang Class B kaya aakyat pa kami.

Pagpasok namin sa roon tila ang tahimik ng paligid at masama ang singhap ng hangin na sumagi sa balat ko.

Pagka pasok ko nakita ko si Zaren.. si Zaren pumasok ngayon? Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko pero mas lalong bumilis ito ng makita ko si Dymma nakaupo sa tabi ni Zaren sa mismong upuan ko.

Naglakad na ako diretso sa direksyon nila "Excuse me" agad akong tiningala ni Dymma na parang sakanya ang upuan na inuupuan nya.

"Who you?" Sarkastikong tanong nya.

"Ako lang naman ang may-ari ng bangkong inuupuan mo" madiin ko ding sabi.

"What?" saglit niyang nilingon si Zaren na Kasalukuyang Naka sandal lang sa upuan nya na nakayakap ang dalawang kamay sa dibdib habang nagbabasa ng book sa table nya.

"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong ni Dymma.

"Sino ka ba para kilalanin ko? Dyos ka ba? Anak ka ba ng presidente ng Pilipinas?"

"What? Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo"

"Umalis ka dyan upuan ko yan"

"No"

Ayshh sarap sabunutan eih ehrr nakakairita na tong babaeng to.

Agad na lumapit si Tob "Ah Kelly dun ka nalang sa tabi ko may bakante don" anito.

"Dito ang upuan ko, firts of all kararating lang nito sya dapat ang lumipat" sabay turo ko kay Dymma.

"Sa tingin mo? Gusto kang katabi ni Zaren? Huh kagaya ka lang ng mga babae na naghahabol sakanya na assumera"

Nandilim paningin ko sa mga sinabi nya.

"Ano? Bakit? Ano sa tingin mo yang ginagawa mo? Babae ka rin assumera ka rin gusto ka ba nya?"

"Yes I'm his girlfri-----" biglang nagsalita si Zaren "Enough" tumingin sya saakin.

"Leave" sambit nya na ikinagulat ko.

What? Ako? Bakit nasasaktan ako sa sinabi nya? Bat nya ako pinapaalis? Ako naman nauna sakanya ahh.

"Wala ka bang tainga? Alis" dagdag pa ni Dymma.

Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang.

How to tell if my shy boyfriend is deeply falling in love with me 💘(COMPLETED)Where stories live. Discover now