CHAPTER 5

16 7 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Bigla akong nagising mula sa kalagitnaan ng pagtulog ko ng mayroon akong marinig na malalakas na sigawan ng pagtatalo mula sa labas ng kuwarto ko.


Kinakabahang nagmamadali tuloy akong bumangon mula sa may higaan ko para alamin kung ano ba ang nangyayari sa may labas at bakit parang nagkakagulo at nagkakasigawan doon ngayon?


Hindi naman kaya sila Prince Dirk na iyan?!


Bulalas na tanong ko sa isip.


Imposible! Hindi naman siguro basta-basta susugod dito sila Prince Dirk di ba?! At saka kapadadala ko pa lang naman sa sulat ko kay King Niros!


At para masagot ko na ang mga katanungan sa isip ko ay nagmamadali na akong lumabas mula sa loob ng kuwarto ko para alamin kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.


Paglabas ko ay hinanap ko kung saan bang direksyon nagmumula ang malalakas na sigawan at ingay sa palasyong ito.


At ng makarating ako doon ay ganoon na lamang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakatutok na ang dulo ng espada ni Draken sa leeg ng kapatid nitong si Dathor na halos namumutla na yata ang kulay ng mukha nito ngayon dala ng takot sa kapatid nito.


Sa paligid nila ay nagkalat ang mga kapanalig na noble lords ni Draken na hindi rin malaman kung papaano aawatin ang magkapatid na ito ngayon.


Maski na si Leonard ay parang natataranta rin ang maamo at ang mala anghel nitong mukha sa nangyayari.


Lalo na ng tila ibabaon na sana ni Draken ang dulo ng espada nito sa kapatid niya!


"ENOUGH!" Malakas na sigaw ko para pigilan ito.


Nakita ko kung papaano matigilan ang mabangis na anyo nito ngayon ng marinig nito ang malakas na sigaw ko.


Pagkuwan ay dahan dahan itong tumingin sa may direksyon ko.


"Ano nanamang drama ito ha?!" Tanong ko bagama't mayroon ng ideya ang pumapasok sa isip ko ngayon kung bakit nagkakaganito si Draken. "Bakit mo sinasaktan ang kapatid mo?! Ganyan kana ba talaga ngayon? Hah!" Asik na dugtong ko pagkuwan ay tinignan ko saglit si Dathor na hindi magawang makatingin saakin ngayon.


Tignan mo ang isang ito! Wala naman pala talagang laban sa Kuya niya! Pero ang lakas ng loob na bastusin ako! Pasalamat ka at hindi ko thing ang magpahamak ng ibang nilalang!


Mocked na sabi ko sa isip.


Pagkuwan ay tinignan ko ulit si Draken at nakita ko na parang natigilan ito sa mga sinabi ko.


Mukhang tinamaan yata ang damuho!


The Exiled PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon