CHAPTER 24

7 4 0
                                    



Daila Crono Maximoff POV


Sa pagkakataong ito ay hindi ako pumayag na sumama saakin si Leonard o alinman sa mga tauhan ni Draken sa gagawin kong pagsundo kay Princess Dallas.


Pinagtigasan ko sa mga ito na tanging ako lamang at ang magmamaneho ng sasakyan ang susundo dito at wala ng iba pa.


Kaya naman wala ng nagawa sila Draken kundi ang hayaan na lang ako, tutal ay ako naman ang nakausap ni Princess Dallas.


"Your Highness." Yumukod ako ng makaharap ko na ulit sa wakas si Princess Dallas.


"I guess wala na talagang atrasan pa ito, right?" Tanong nito saakin na kahit nakangiti pa ito ay alam ko na malungkot na malungkot ito ngayon.


Kaya hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng awa dito.


Himbes kase na masaya ito ngayon lalo na't magkakaanak na silang dalawa ni Prince Dirk ay hindi nito magagawa ang bagay na iyon hangga't hindi natatapos ang lahat ng ito!


"Halika kana, Kamahalan." Yun na lang ang sinabi ko dito.


Kahit na sa totoo lang ay marami pa sana akong gustong sabihin dito, ang kaso ay kailangan naming mag ingat lalo na't may kasama kami dito ngayon.


Mamaya ko na lang siguro kakausapin si Princess Dallas ng masinsinan kapag kami nalang dalawa ang magkasama.


Parehas kaming tahimik nito ng sumakay na kaming dalawa sa loob ng sasakyan.


At dahil mas mataas parin ang antas nito kung ikukumpara saakin ay doon ako umupo sa may tabi ng driver's seat.


Kung pwede ko lang sigurong magic-in ang lahat ay baka ginawa ko na para matapos na ang problemang ito!


Frustrated na sabi ko sa isip.


Pagkuwan ay tinignan ko si Princess Dallas sa may salamin para tignan ito.


Muli akong nahabag dito ng makita ko na malungkot na malungkot parin ang maganda nitong mukha. Alangan namang magsaya siya di ba?! Gaga ka ba, Daila?!


Tuloy ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at katulad ni Princess Dallas ay pinagmamasdan ko rin ang daan na tinatahak ng sasakyan na ito pabalik sa palasyo ng mga Fleuzet.


Baka ibig mong sabihin pabalik sa hawla mo! And take note! May isa ka pang kasama na makukulong na rin sa hawla ng Draken na iyon!


Mariin ko tuloy naikuyom ang mga kamao ko sa gigil kay Draken at siyempre pati na rin kay Lady Diana na siyang nag utos kay Draken na gawin ang bagay na iyon kay Princess Dallas!

The Exiled PrinceWhere stories live. Discover now