La Esmeralda

12 9 0
                                    

CHAPTER 20

Nakarating na kami sa sinasabing lost city of La Esmeralda. Ngunit hindi pa kami bumababa ni Leo sa kotse si tatang palang ang nasa labas.

"Ito na ba yon?"- curios kong tanong sa kanya.

Kanina habang nasa byahe hanggang sa makarating kami dito ay wala siya sa kanyang sarili, panay tingin lang siya sa bintana at minsa'y i-iyak ng palihim..

Hindi niya parin ako sinagot at tumingin lang sa labas. Namumugto ang kanyang mga mata at pulang pula na ang mga ito. Parang biniyak ang aking puso dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko ine-expect na makita siyang ganito all I see is a strong Leo at ngayon nakita ko ang kabaliktaran niyon.

"Lalabas ako"- malumanay niyang saad at dahang- dahang binuksan ang pinto ng sasakyan.

Ng makalabas na siya ay sumunod agad ako sa kanya..

"Ah iho, iha ito na pala ang lost city of La Esmeralda"- may ngiti sa kanyang mga labi ngunit may paghihinayang na sabi ni tatang saamin.

Inilinga ko ang aking paningin sa buong paligid.

"Lost city?"- bigla kong tanong.

"hmm.. oo lost city iha"- nakangiti paring sagot ni tatang.

Nasa kanan siya ni Leo at ako naman ay nasa kaliwa ni Leo bale nasa gitna si Leo nakapwesto. Tahimik parin siya at walang imik ngunit para na naman siyang maiiyak ng makita ang buong paligid.

"Eh tatang asan po ba ang city?"- tanong ko ulit sa kanya.

"Nawala iha"- maikli nitong sagot na may ngiti parin sa mga labi.

Asan na ang utak mo Shen! Kaya nga tinawag na lost city kasi nawala nga diba!.. tsk..

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya dahil naisip kong ang engot ng tanong ko hahaha..

Pero may napapansin ako kay tatang palagi lang siyang nakangiti at kanina habang sa kotse ay tahimik rin siya para ngang wala kaming kasama kanina eh..

Ibinalik ko ulit ang tingin sa buong paligid. Actually nasa mataas kaming parte at ang nasa baba namin ay tubig. Yung tinatayuan namin ay para siyang crater na napakalawak talaga (as in kahit na ata ipagsama ang bayan niyo at bayan ko hindi parin mapapantayan ang laki nito.. charot✌🏻😂hahahaha.. pero parang ganon na nga) at  ang paligid ay puro puno at mga matataas na damo na.

Biglang tumingin si Leo sa baba at biglang napaluhod sa lupa. Hindi ko alam bat parang may mabigat na bakal ang tumama sa puso ko noong nakita ko siyang nagkaganon.
Ang sumunod ay humagulgol na siya ng iyak. Mas nakaramdam ako ng awa at mas biniyak nito ang puso ko. Honestly, I didn't know why I feel this and this is my first time feeling this kind of emotion. Noon kasi ay parang wala akong maramdamang awa o sakit sa ibang tao, kahit na magmakaawa pa sila saakin. Yeah, I know, hindi ako mabuting tao eh sa ganon ako pinalaki ni madam black eh..

But now seeing him makes my heart broken and I'm pity him.

Nilapitan ko siya at pinatahan. Yung mahina niyang iyak kanina ay naging malakas na ngayon.

"Shiii, tama na, nandito lang ako"- sabi ko sa kanya habang hinihimas ang likod niya.

Nakadapa parin siya sa lupa at nakatikom ang mga kamao sa lupa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko upang mabawasan ang pighating naramdaman niya ngayon kaya hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakatikom parin sa lupa. Hindi parin siya tumatahan at mas lalo kong naramdaman ang lungkot at sakit. Biglang may pumasok na memorya sa isip ko kung paano ako patahanin ng isang tao noon kapag nasasaktan ako. Kaya nigawa ko iyon, inilagay ko ang kanyang ulo sa balikat ko.

Our Apocalypse (On-going)Where stories live. Discover now