Favor
Thana and I had gotten closer by the day dahil siya ang araw – araw kong nakakasama. Bukod sa magkatabi ang upuan namin, sabay din kaming nag-lulunch palagi.
Last time we were joined by some guys from the web development team at sa ngayon naman ay ang mga taga special project team na ka-close ni Thana.
Sa araw na ito, nauna akong matapos bumili kaya habang hinihintay ang iba ay pinagmasdan ko ang mga tao sa loob ng cafeteria. Some employees are easy to be spotted because of the uniform they are wearing. Sa amin kasi basta business casual ang attire ay pwede na.
It's a new week and surprisingly, I'm looking forward to coming to the office. Akala ko mababawasan ang enthusiasm ko dahil sa dami ng task ko last week pero hindi naman.
"Hi Aly." Jesse greeted when she came back with her food. "We're planning for a night out later after work. Sama ka?"
Napaisip ako sa offer niya. Monday na Monday talaga? I have been to bars with my cousins but I'm not fond of it. Sumagi rin sa isip ko na kakayanin ko ba? Eh may trabaho pa bukas.
"Hoy Jess, inaapi mo ba si Aly?"
Sa tagal ng pagiisip ko ay nakabalik na rin si Thana.
"Baliw, inaaya ko lang sa night out. Ikaw, G ka?"
"Pass. Kaya nga ako nag 8am shift dahil kailangan kong umuwi ng maaga." Sagot ni Thana. "Ikaw, Aly? Kung gusto mo sumama sa kanila go lang. Walang mang-aapi sayo lalo na dahil itong si Jesse ang kasama niyo. The queen of taekwondo."
Umirap si Jesse at pareho silang napatingin sa akin.
"U-Uh... pass muna rin ako. Sa susunod siguro." Maingat kong sabi.
"Okay. Hindi kami namimilit dito kaya wag kang mahihiyang tumanggi." Si Jesse.
"Barkada rule namin yan, cool ba?" Dagdag ni Thana.
Nag-simula na kaming kumain nang dumating din si Myles, Carl at Jay. Nasa iisang table kaming apat na girls at ang dalawang guys naman ay nasa katabi lang na table.
"Alam niyo kailan balik ni Caden?" Tanong ni Jay na nilakasan ang bosses para marinig namin.
Simula nang nagtabaho ako sa Nexus, isang beses ko palang nakikita si Caden, noong first day ko. He was always out of the office at naging busy naman ako sa training kaya ngayon ko nalang ulit naalala na i-bribring up ko pa yung sa hackathon.
"This week yata. Baka bukas. Why?" Sagot ni Myles sa kanya.
"I have something to consult with him or kay Shelly."
At katulad ng hindi ko makausap si Caden ay ganun din kay Shelly. Her office is always busy at madalas rin ay wala siya sa office niya.
When I asked Thana about it, she said that these past few weeks are really hectic for the executives because of the new deals and offers that are coming in.
"I heard may bagong deal nanaman eh." Si Jesse.
"Well, I'm not surprised." Thana shrugged. "After the deal with Helios Tech, mas dumami na ang interested na big companies sa atin."
"Parang months ago lang walang pumapansin sa proposal natin?" Jesse said bitterly.
"Ganyan talaga. They will only be interested in you after you've proven yourself."
"Ang galing ni Caden! How did he do it?" Manghang sabi ni Myles.
She rested her elbows on the table and both of her hands are supporting her chin, acting daydreaming. "Hay... may girlfriend na kaya iyon?"

YOU ARE READING
Light Up The Spark
General FictionThis story revolves around the technology industry with programmers as the characters. Aly Hernandez comes from a family that owns a conglomerate in the Philippines however, she never enjoyed the spotlight that comes with it and wants to make her ow...