KABANATA 8

304 5 0
                                    

"No! I want our mommy!"

"Pero ma'am Dei---"

"MOMMY!!!!"

Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng mansyon ay rinig na rinig ko na kaagad ang iyak ng dalawang kambal. Pinatatag ko ang loob ko bago ako pumasok.

"I'm back." Sabi ko ng makatapak sa salas ng mansyon. Narinig ko ang saglit na pagtigil ng kambal sa pag-iyak bago nila takbuhin ang pagitan namin.

"Mommy!"

"Mommy! Where did you go?! Do you already hate us?!"

"It was not our intention mommy!"

"We did not mean to secretly eat your chocolate chip cookies!!"

"Please don't be mad at us!"

Palitan na sagot ng dalawang kambal. Ang akala ko ay magagalit sila saakin dahil hindi ako umuwi ng dalawang araw. But it seems like gumawa ng kalokohan ang dalawa habang wala ako.

"It's okay, you can eat my chocolates whenever you want." Sabi ko at hinaplos ang buhok nila. Niyakap nila ako at paulit ulit na nag sorry.

I look up and saw Azazel right on top of the stairs, wearing a serious face while looking at us. Nag iwas siya ng tingin at saka umalis. Palihim na umirap ako at pinagtuunan ng pansin ang kambal.

Habang nag-uusap kami, doon ko lang napansin ang kumakalam kong sikmura, kung hindi pa narinig ni Deiton ang tiyan ko, siguro ay hindi ako kakain ng tanghalian.

Hindi bumaba si Carina para kumain, tanging ang kambal at si Callisto lang ang nakasama ko. Si Azazel ay hindi rin bumaba, sinabi nito na may ginagawa pa siya kaya hindi siya makakasama sa hapag. Hindi ako doon kumontra at hinayaan siya.

May ngiti sa labing nakamasid ako sa dalawang kambal na nag susubuan ng kutsara. "Kainin mo carrots ko, kakainin ko naman yung bell pepper mo." Sabi ni Deiton sa kapatid dahilan ng pagka samid ko.

"Are you okay?" Tanong ni Callisto at mukhang nag-aalala, tumango ako at pinakinggan ang dalawa.

"I don't want to eat your carrots! It's yucky and it's big! Look how Madel cut it!"

"Then I won't eat your smelly bell pepper."

Napahilot ako sa sentido at saka humarap sa dalawa, kakaiba talaga sila mag salita, yung tipong ma g-green minded ka.

"Anak, eat your vegetables, It's not a poison. Sige kayo, iiyak yan." Since bata pa sila, siguro ay maidadaan ko sila sa ganitong paraan. Dati kasi ay sa pag papaawa dinadaan ang mga batang ayaw kumain ng gulay, kaya sana ay madaan ko rin sila sa ganon. Magiging 7 pa lang naman sila this month.

"Mom, we're not a kid. Vegetables don't cry..." Walang emosyon na sabi saakin ni Deity habang tinatabi ang bell pepper niya sa plato.

Kung hindi ko sila madadaan sa ganoong paraan, dadaanin ko na lang sila sa luho nila.

"Kapag naubos niyo yang mga nasa plato niyo. I promise, I will buy anything you want today."

"Shopping?" Nag niningning ang mata na tanong ni Deity. I'm free today, iiwasan ko munang ma stress, at makikipag bonding muna ako sa dalawang ito.

"Yes, shopping!" Nakangiting sabi ko.

"We? Di nga?" sagot naman ni Deiton, natawa ako at saka siya kinarga.

"Oo nga! Come one! Eat up and we'll go out!"

Nakita ko kung paano napaluha ang dalawa habang kinakain ang pinaka ayaw nilang gulay ng kalabitin ako ni Callisto.

Young and WidowedWhere stories live. Discover now