Kabanata 9

49 30 0
                                    

Leondale’s POV

Hindi ko maintindihan ang kinilos ni Inno kahapon, may binulong siya bago umalis sa bahay. Nabagot yata ‘yon sa bahay dahil ang halos kausap ko ay si Greysen. Hapon na nang nakarating kami sa bahay. Umuwi rin pagkagabi si Greysen, dahil ay may pasok pa siya.

Kanina ko pa napapansin na halos iritado si Inno, natatawa ako sa itsura niya ngayon dahil halos hindi ko maintindihan ang mukha niya. Nilingon niya ako, dahilan na mapatikom ang bibig ko.

"Wala na tayong pasok, simula bukas. All we do is practice for the graduation."

Ilang linggo nalang at bakasyon na. Malapit na rin ang kaarawan ko. Wala pang plano si mom sa 18 birthday ko, busy siya ngayon, ganoon din si dad. Nang umalis ako sa Davao, hindi na ako nahatid ni dad sa airport dahil sa sobrang dami niyang ginagawa.

I don’t want to have a ostentatious celebration, tho’ i know mom will not let me what i wanted. Simula pa noon, twing kaarawan ko, she always prepared a party. Hindi ko alam ngayon kung magagawa niya pa rin iyon, dahil hectic na ngayon ang schedule niya lalo pa at lumalago ang negosyo namin.

Niyaya ko si Hunter na pumuntang canteen pagkatapos ng klase namin. Wala akong balak na umuwi dahil ay kasali ako sa isa sa mga kailangan magbigay ng speech sa darating na araw ng pagtatapos namin. I didn’t expect, dahil ay pasaway naman ako sa klase.

"Nag-yaya si Aziel na sumama raw tayo sa kanila pumunta roon sa abandoned house,"

"Tapos na ba ‘yon?" I asked.

"Hindi pa. Kaya nga tutulong tayo, para matapos agad." Umirap ako.

Panigurado naroon si Inno.

"Kayo nalang. May gagawin ako. Kailangan kong gumawa ng speech," binuksan ko ang soft drink.

"Nandito na pala sila," lumingon ako sa pintuan at papalapit sila sa amin.

Nakita ko pang tumawa si Inno sa sinabi sa kanya ni Finlay. Nasa kanan ni Inno si Trinity, at ang kaibigan nitong si Chin at Vinnie ay nasa likuran. Binaba ko ang tingin ko sa kamay niya na nakapulupot sa braso ni Inno ngayon.

"Wala na kayong gagawin?" Aziel asked.

Tumayo si Hunter at hinila ang kamay ko. I didn’t yet said yes! Hindi na ako makahindi dahil kapag ginawa ko iyon, parang hindi maganda pakinggan. Kaya i let myself go with them.

Nakita ko pang tinaasan ako ng kilay ni Trinity. Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha ng babaeng ’to, dahil sa t’wing nakikita ko siya nag-iiba ang timpla ng sikmura ko.

I fond her so plastic. Sobrang arte at matapobre. Hindi ko nga alam kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Inno. Isa rin’ ungas, ni hindi man lang bumabase sa ugali.

Well, bagay nga talaga sila.

"Hey, are you okay?" Napalingon ako kay Dylan.

Tumango lang ako sa kanya. Kanina pa ako naiinis sa sobrang ingay ng mga babaeng nasa likuran ko. Halos hindi maubusan ng chismis. Naiinis din ako kina Kenji and Aziel dahil ini-entertain nila, kaya mas lalong nag-iingay.

If it is Hunter want, i won’t go with them.

Bumaba kami sasakyan at tumambad sa harapan ko ang isang abandoned na bahay. Malaki ito at gawa sa kahoy ang gate, may malaking puno sa harapan nito at may isang duyan na nakasabit. Binuksan ni Inno at isang malaking living room. Ang loob ay sobrang makaluma at sinaunang modernong pamamaraan ng bahay.

"This will be nice when it’s done." Isang maarteng sabi ni Trinity.

I tsked. Kanina pa na nakapulupot ang kamay niya sa braso ni Inno. At si Inno namam hindi man lang uminda. Napairap ako sa kawalan.

"Mayroon ba ritong pool?"

"It’s abandoned house Vinnie, what do you expect that this kind of place would have a pool?" Sarkastiko kong tanong.

Fool girl. Hindi nag-iisip.

Siniko ako ni Hunter, dahilan na mapalingon ako sa kanya. Umirap ako. Kita niya naman na isang lumang bahay na ito tapos naghahanap pa siya ng pool. Doon niya sa kanal ipalandakan ang katawan niya at huwag dito. 

"I thought it’s done, Inno. Hindi pa pala. Is there have a room to chill? It’s so maalikabok here."

"Hindi ka nalang sana sumama, Trinity. It’s abandoned house nga di ba, so it’s means it’s maalikabok here." I leered.

Bakit ba kasi sumama pa ng maarte?! Dapat sana ay hindi nalang sinama.

"She’s not used this kind of place." I leered to Inno, "My room is upstairs, doon muna kayo."

"Spoiled." I whispered.

Bini-baby kaya ganyan kaarte.

Narinig yata ni Inno ang bulong ko, kaya ngayon ay mariin niya akong tinitigan. Tinalikuran ko sila at lumabas. Bakit ba kasi nandito ako sa lugar na ‘to?! Dapat ay hindi nalang ako sumama.

"You’re so rude with Trinity." Napaharap ako sa kanya.

"I don’t find that i’m so rude with here. Sinabi ko lang kung ano ba dapat ang kailangan sabihin."

Pagtanggol mo ang maarte babaeng iyon.

It’s so maalikabok here ang arte! Arte! Sarap buhusan ng pintura kanina. Hindi nalang dapat siya sumama. At ungas din na lalaking ‘to, sige kampihan mo pa.

"Hindi kailanman binastos kita sa harapan t’wing may kasama kang iba. Sana ay ganoon ka rin sa akin." Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.

"I don’t know what you’re talking about. And that was not bastos, i just said what is the accurate response with her kaartehan." Sige ipagtanggol mo pa!

Tinalikuran ko siya. Wala akong panahon na makipag-usap sa mga taong walang kwentang kausap. Umupo ako sa duyan. Siguro naman ay umalis na ang ungas na ‘yon.

"It’s always your attitude. Kinakausap pa, tumatalikod na agad."

Hindi niya pa rin ako tinatantanan! Gusto mo talagang magbungangaan tayo rito ha?! Well hindi kita tatantanan Inno.

"I don’t have time to waste my spit just to argue with nonsense people." I leered.

Umigting ang panga niya at umawang ang bibig niya. Bwisit, ang pogi niya roon ah. No. Ang pangit niya sa look na ‘yon.

"Can you just let me alone now? Hindi ka ba naririndi na sa tuwing magkaharap tayo lagi nalang tayong nagbubungangaan."

"I’m not. Because i love the way i teased you." Napaawang bibig ko sa sinabi niya.

Halos hindi ko maigalaw ang paa ko. I felt that my body slowly melting with his words. Damn. Kumurba ang labi niya at tumalikod. Iniwan niya akong nakatayo at tulala pa rin sa sinabi niya.

TEEN SERIES 1: LTWHTM (COMPLETED)Where stories live. Discover now