One Burning Summer

167 4 1
                                    


It was a summer afternoon in March, and I am inside our classroom filled with chitchats. Some talk about how they will celebrate the feast of their patron saint, some also talk about where they will spend their vacation, and here I am fascinated by the light that the sun brings every day. Honestly, I'm a night person, ngunit hindi matanggal tanggal sa akin ang pagkahumaling sa araw. Siguro gano'n na lang palagi ang reaksiyon ko kasi alam ko sa sarili ko na ang araw ang dahilan kung bakit patuloy akong umaasa, ito ang nagbibigay sa'kin ng pag-asa. I began thinking about how life would be if there were no sun to give light every day. Are we still able to hope for a better future if there is no sun to light up our way? Magiging katulad kaya ito ng mga normal na araw na kung saan sisikat ang araw sa silangan at lulubog naman ito sa kanluran? Paano na kaya ang mga panagarap ng milyon milyong tao kung walang magbibigay liwanag para makamit ito? Patuloy parin kayang a-asa ang mga tao na pagdating ng panahon magkakaroon din ng liwanag ang sanlibutan? As I start to search for some answers, Leila sat beside me.

"Ang lalim na niyan ah."

"Ha?" I replied nonchalantly.

"Lagi kong napapansin ang pagkatulala mo nitong mga nagdaang araw. Ayos ka lang ba?"

I stopped and began thinking for an answer. "Ayos ka lang?" Isang katanungan na para sa akin ay tila kay hirap sagutin. Isang tanong na kailangan dapat tama at sakto ang isasagot ngunit hirap na hirap akong halukayin ang kasagutan sa loob ng aking isispan. So, instead of giving her the exact answer, I answered her with another question.

"Masasabi mo bang ayos ka kung umaasa ka lang sa palaisipan na balang araw magiging maayos ka rin?"

"Ay, problemado ka ah. Tara ih inom na lang natin."

I just gave Leila a small smile despite of the disappointment that I am feeling right now. Gano'n na lang ba palagi ang mga tao? Magtatanong kung ayos ka lang pero hanggang doon lang sila sa katanungan na 'yon. Tila ba na tinanong ka lang nila para guluhin at pagwalain ang nananahimik mong puso at ang nagpapahinga mong isip? Hindi ba nila alam na sa isang tanong na iyon na kay simple para sa kanilang sambitin ay gano'n kahirap sagutin para sa ilan? Umasa ako na ang kasunod ng "Ayos ka lang "ay ang salitang "Kung gusto mong iyang pag-usapan ay nandito lang ako handang making sa'yo." Ngunit ano pa ba ang bago? Ano pa ba ang dapat gawin maliban sa umasa na sana may tao rin na handang sambitin ang mga katagang iyon na makakapagpagaan sa loob mo?

Habang patuloy ako sa pagmuni muni ay nakarinig ako ng ingay sa labas ng silid. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa mga nagkukumpulang tao. I let out a heavy sigh after seeing my classmates fighting again just for a boy. This is their fifth time fighting because of him and it's kind of tiring. Araw-araw sa tuwing nagkakasalubong ang kanilang paningin ay mag-i-irapan sila at pagkatapos ay tititig ulit sa isa't isa na tila ba laging handa sa giyera. I don't know if they only attend our classes just for the sake of them being labeled as students. I never imagined myself doing that kind of thing, attending classes to have a catfight with my classmates after it. Bakit hindi nalang sila tumigil sa pag-a-aral kaysa hayaan pa nilang kumayod ang kanilang mga magulang sa pag asang may mag-a-ahon din sa kanila sa kahirapan balang araw. Bago ko pa man isa-isahin sa aking daliri ang paghihirap ng kanilang mga magulang ay biglang may tumayong lalaki sa aking harapan.

"A-ahhhhh, i-ikaw ba si Miss Heloconia?"

"Yes, ako nga," sagot ko sa mababang boses.

"Ah, pinapatawag ka sa office ng Dean."

"Ngayon na raw ba? May klase na rin kasi kami mamaya eh"

"Hindi ko alam, ngunit tila nagmamadali kasi si ma'am na ipatawag ka kanina."

"Ah, sige, susunod ako."

"Hindi. Hintayin nalang kita. Baka sabihin pa ni ma'am na hindi ako ang tumawag sa'yo."

"I'll tell her na lang na pumunta ka rito sa room."

"No. I really insist, miss. I'll wait for you here."

Walang sabi-sabing tumango na lang ako sa kanya. I'm uncomfortable of having strangers beside me but I was left with no choice. Lumapit ako sa aking bag at kinuha mula rito ang aking wallet at payong at dali daling lumapit sa naghihintay na lalaki. Tahimik lang naming binabagtas ang daan papuntang opisina ng aming dean. Nang makarating kami sa harap ng opisina, hinarap ko ang lalaki at binigyan ng tipid na ngiti bago nagpasalamat. Bago pa ako nakatalikod sa kaya ay hinawakan niya ang aking braso na siyang dahilan ng pagliko ko at nahihiyang kumamot sa kanyang ulo.

"Bakit?," mahinang usal ko sa kanya.

"Ah, a-ano nga uit yung complete name mo?"

"Para saan?"

"Para in case na ipatawag ka ulit ni ma'am hindi ko makalimutan?"

"O-okay. I'm Heloconia Amarillis Del Prado."

" Ah, I'm....." sasabihin niya palang sana ang kanyang panagalan nang biglang lumitaw si Mrs. Domingo sa pintuan. Nginitian ako ng guro at bilang tanda ng paggalang ay nginitian ko rin to pabalik. Itatanong ko palang sana ang pangalan ng lalaki ngunit paglingon ko sa aking gilid ay siya namang pagtalikod niya sa banda namin. Hindi ko alam kung bakit may nagtutulak sa akin na malaman ang kaniyang pangalan. Susundan ko palang sana ito ngunit biglaang lumabas ang dean at pinapasok niya ako sa loob ng kaniyang silid. 

HIGH HOPES, HELORILLISWhere stories live. Discover now