CHAPTER 10: The confession & the courting stage.

542 9 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 10

GIA’s POV:

“No, we’re not dating, but she’s still mine.”

Napatingin nalang ako kay Dustin nun. Pag ikaw napaaway wala akong kasalanan, hindi ko hiningi ang tulong mo.

“Get lost. Baka mag bago ang isip ko at mabugbog kita.”

Umalis na rin agad yung lalake, natakot yata sa bakulaw na to.

“Hindi kita pasasalamatan. Hindi ko hiningi yung tulong mo.”

“Alam ko.”

At umalis na rin sya nun.

**

Ang sabi ni Miki, ihahatid nya daw ako sa bahay kaya hindi na ako nagpasundo sa driver namin. Nakaupo ako sa may bench malapit sa parking lot ng may huminto namang kotse sa harap ko.

“Get in.”

Inirapan ko lang sya.

“I said get in.”

“Inaantay ko si Miki.”

Nag kunot-noo lang sya sa akin at para bang iritado sya.

“Nakiusap sa akin si Miki na ihatid ka, may meeting sila kaya late na syang makakauwi. Kaya sumakay ka na.”

Tsk! Kesa mamuti na ang mata ko kakaantay kay Miki dun, sumabay na ako kay Dustin. Ang awkward, wala kasing nagsasalita sa aming dalawa.

“Cute bracelet.”

Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin nalang din ako sa bracelet ko.

“Bigay ni Miki.” napangiti ako nun, nung isang araw lang ‘to ibinigay saken ni Miki.

Friendship bracelet kuno, meron din kasi syang tulad nung sa akin. Pag tingin ko kay Dustin, ayun nanaman yung expression nyang yun. Hindi ko maintindihan ang lalakeng to.

“Miki ka ng Miki. Are you two dating or something?”

“No.”

Ihininto nya yung kotse sa tabi ng daan at lumabas sya. Binuksan nya din yung pintuan at ibinaba ako. Jusko, baka iiwan nya ako, wag naman. Ano bang nangyayari sa lalakeng ‘to? Isinandal nya ako sa gilid ng kotse nya at ikinulong ako gamit ang kanyang mga braso. Diretso nya akong tinignan sa mata.

“Napipikon ako sa tuwing mag kasama kayo ni Miki. Ayokong nakikitang masaya ka sa piling nya, gusto ko sa akin ka lang masaya, gusto ko ako lang yung tanging nagpapasaya sayo. Gusto ko ako lang!”

Nagulat ako dun sa sinabi nya kaya hindi agad ako nakasagot.

“You’re really selfish, aren’t you?”

“Oo. I’m selfish ‘cos I've realized that I don't want to fall in love with someone, I want someone to fall madly in love with me.”

Tumalikod na sya sa akin nun.

“Sa pagiging manhid mo, nasasaktan na ako.”

Ano daw? Ano bang pinagsasasabi ng lalakeng to?

“What?”

“I like you and I fell for you, so hard! Get it already! There’s a limit to how slow a person can be. I’m afraid that if somebody catches your attention, you’ll ignore me. Kaya naiinis ako kapag kasama mo si Miki, naaasar ako kapag may naririnig akong issue tungkol sa inyong dalawa.”

Huminga sya ng malalim this time.

“Binalewa ko yung mga issues tungkol sa inyong dalawa. Lagi kong naririnig na lagi kayong nakikita ng mga tao na kumakain kayo sa labas, pero nung nakita ko na talaga kayo, hindi ko alam yung naramdaman ko. Natatakot akong ma-in love ulit kaya pinilit kong iwasan ka, pero wala pa rin. Just seeing you laugh kasama ang ibang lalake hurts me. I've really fallen for you and that's why everything hurts 100 times more.”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya, nakakabigla naman kasi sya. Wala man lang pasabi, or cue man lang na nag sasabing, ‘Uy Gia, maiinlove sayo si Dustin so get ready girl’. Pero syempre, parang tanga nanaman ako dito kasi napakawalang kwenta nanaman ng mga sinasabi ko sa sarili ko.

“Dustin, joke ba to? Kung oo, itigil mo na. Hindi nakakatawa eh.”

“Bakit ba ayaw mong paniwalaan?”

Nilingon nya ako at seryoso syang tumingin sa akin. Mukhang di nga joke ‘to.

“Sino bang maniniwala sa isang playboy na tulad mo? Ganyan mo ba nakukuha ang mga babae mo? Sa mga salitang yan?”

Humarap sya bigla sa akin at hinawakan ang mukha ko then he kissed me. I stood there dumbfounded after that. Parang yung dugo ko na-stuck lahat sa ulo ko at ang init ng mukha ko. Parang hindi ako makapag salita. Shit! That was my first kiss.

“Can you hear my heart? It beats for you Gia. Ngayon, naniniwala ka na ba sa akin?” sabi nya habang nakayakap sa akin.

Yuuuuck! Ba’t may ganong peg? Parang ang corny pakinggan. Nakakainis lang yung ganon. Your heart beat because you’re alive, moron. It doesn’t beat because of me. Ano ako, si Lord?

“Kung gusto mong patunayan sa akin yan. Ligawan mo ako.” okay, bakit sinabi ko yun? Jusmiyo, ano ba tong pinasok ko?

Yakap yakap nya pa din ako hanggang ngayon. Ang bango ng mokong na to ah.

“Stupid. Kahit di mo man sabihin yan gagawin ko talaga yun.”

My heart beats like crazy. Ganito pala yun?

**

Nililigawan na ako ni Dustin ngayon at alam na rin ng buong school yun. Paano ba naman kasi, nag lagay yan ng malaking banner pag pasok pa lang ng school entrance.

“GIA CLAUDELLE RIVERA, LOVE ME NOW AND I WILL COURT YOU FOREVER!” – Dane Austin Adams”

Hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa school after nun. Tapos the day after that, may teddy bear, chocolates at roses sa upuan ko. And the next day, hinarana nya ako nung break time namin.

Day after day, kung anu-anong ka ek-ekan ang ginagawa ni Dustin. Halos 4 weeks na rin nya akong nililigawan and he never fails to make me smile every day. Sabi nga ng mga kaklase ko, ang swerte ko daw kasi nag bago daw para sa akin si Dustin. Aba, sya ang maswerte sa akin no. Sa ganda kong to? Wit na sya mahahanap na iba friend. Hahaha.

Ngayon naman, may nakalagay na letter sa locker ko na kasama ang isang jasmine flower. Nakalagay sa sulat:

Wag mong pakakawalan yung mga taong katulad ko. Kasi di ka makakahanap ng tulad ko kahit saan mang sulok ng mundo. Dahil bukod sa nagiisa ang ako eh walanamang sulok ang mundo. :)))) –Dustin

“Stupid!”

Natawa nalang ako dun. He can be really corny at times tapos minsan naman sobrang yabang at sobrang sweet. I guess, that’s what makes him one of a kind.

Pero habang nakasakay ako ng kotse, nakita ko si Dustin sa may isang flower shop at may kausap na babae. Parang kilig na kilig pa ang babae. Tapos may pahawak hawak pa sa buhok ng babae! That bastard! Ganyan ka pala kapag hindi ako nakatingin ha!

To: Stupid Dustin

I HATE YOU! >:l

Tingin ako ng tingin sa cellphone ko pero walang reply. Tignan mo nga naman tong taong to! Hindi man lang magawang mag reply. Talagang wala kang pakealam ah, wala din akong pakelam sayo!

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon