CHAPTER 11: Happy Birthday, Boyfriend.

528 8 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 11

“Wear something nice.”

Sabi ni Tita habang nag babasa ako ng libro sa living room.

“Para san Tita? Anong meron?”

“May pupuntahan tayo.”

“As in now na?” tumango lang sya.

San naman kaya kami pupunta? Nag bihis nalang rin ako. Naka black & white ako na body fit tapos heels at accesories. Si Tita naman, naka black na cocktail dress. Ang elegante nyang tignan.

Nag leave yung driver namin kaya nag decide si Tita na sya nalang yung mag drive instead na mag taxi kami.

“Wanna drive?”

Umiling ako, “Nah, ikaw na po. Hindi ko din alam kung san tayo pupunta eh.”

Siguro nag drive kami ng about 30-40 minutes. Pag tingin ko, nasa harap na kami ng isang seaside restaurant. Bumaba na kami ni Tita ng kotse at ibinigay nya yung susi dun sa valet attendant saka kami sabay na pumasok sa loob ng restaurant.

“Good Evening Ma’am. Welcome to Catharsis.”

Pag pasok namin sa restaurant, ibang-iba yung set-up kesa sa isang usual na restaurant set-up. Naka set yung mga table sa gilid paikot ng room.

May malaking space sa gitna na kung titignan, pwedeng maging dance floor. Nakakalat sa gitna yung rose petals na pink at bawat table may jasmine flower. Pagkaupong pagkaupo pa lang namin ni Tita, namatay yung ilaw kaya medyo nagkaron ng commotion dun sa loob ng restaurant.

Hindi din nagtagal, biglang na-focus yung spotlight dun sa may piano at may lalakeng ding nakaupo dun at nag sisimula ng mag piano at di lang nag piano… kumanta pa.

‘Cause I love her with all that I am
and my voice shakes along with my hands

‘Cause she’s all that I see and she’s all that I need
and I’m out of my league once again.

Yes she’s all that I see and she’s all that I need
and I’m out of my league once again.

At first, di ko agad nakilala ang boses nya pero unti-unti pa’y nag register bigla sa utak ko— Si Dustin! Di nga nag tagal ay sinindihan na yung ilaw at di nga ako nagkakamali, sya nga. Pero teka, bakit andito sya? At saka, ako lang ba o ang pogi nya talagang tignan ngayon?

After nyang kumanta ng Out of my league, sinindihan na ulit yung ilaw at nag simula na syang nag lakad papunta sa akin.

Nag reach out sya ng kamay sa akin, “May I?”

Tumayo naman ako at ayun, dinala nya ako dun sa gitna. Seryoso syang tumingin sa akin habang sumasayaw kami.

“In this life, there’s one person you’ll always love no matter how much pain they put you through. At gusto ko, ikaw ang taong yun Gia. Handa akong masaktan, handa akong harapin ang lahat basta ikaw ang kasama ko.”

Ngumiti sya.

“Today, saktong 100 days na simula nung makilala kita. Sinabi ko sa sarili ko na itatanong ko lang to sayo pag dating ng araw na ‘to.” hingang malalim, “Gia, will you be my girlfriend?”

Tinignan ko lang din sya ng seryoso. BEYAAAN! Kinikilig ako!

“I hate you Dustin!” naasar ako sayo, kasi madami akong kaagaw sayo. I know hindi mo kasalanan na magka gusto sila sayo, pero kahit na. Gusto ko kasi akin ka lang rin!

Woah! Ngayon ko lang din napag-tanto sa sarili ko na may kadamutan din pala akong taglay. I never knew that I also have that greed within me. Nung sinabi ko yun, narinig ko yung mga tao na parang nag bubulungan.

This Moment is InfiniteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora