S1 - Chapter 26: Patawad

308 29 9
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°


"Yam, una na ako." Paalam ni Gerald na ikinatango ko.

"Sige Rald, ingat ka." Sabi ko sabay wagayway ng ang aking kamay.

Nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan ni Rald ay itinuon ko ang tingin kina ate at Jeremy. Nandoon na sila malapit sa sasakyan ni Jeremy. Tahimik lang silang nagtitinginan. Nakasandal naman si Jeremy sa sasakyan niya. Si ate naman ay nakatingin kay Jeremy nang seryoso.

Ikalawang punta na ni Jeremy ngayon para suyuin si ate simula noong humingi siya ng tulong sa akin para makipagbalikan siya kay ate. Siyempre tumulong naman, kagaya lamang ng tagalagay ng mga flowers, chocolates, at stuff toys sa kwarto ni ate without noticing me na ako ang naglagay.

Kasamaang palad nakita ko naman ang mga ito na nakalagay sa lagayan ng basura namin. Tsk, sayang ang stuff toy kaya kinuha ko nalang iyon saka nilinis. Pagkatapos ay inilagay sa kwarto ko.

Kinuha ko rin ang chocolates dahil nasayangan ako. Ang mahal kaya nun. Hindi naman iyon madumi dahil naka-cover ng plastic kaya ang ending ako ang busog sa mga chocolates na ipinabibigay niya kay ate.

So parang ako lang ang naka-benefit. Natawa nalang ako habang naglalakad papasok sa tarangkahan. Hindi ko na rin tinuonan ang mapanuri kong tingin sa kanila.

Sarado na ang karinderya namin dahil alas otso na pala ng gabi noong tiningnan ko ang phone ko. Nag-vibrate kasi ito dahil may message akong natanggap.

"Can't wait to see you tommorow, Yam." Ang laman ng text galing kay Rald na ikinangiti ko.

Owh, bilib din ako sa lalaking ito. Nagawa pang mag-text habang nagmamaneho.

Napalitan naman ang ngiti ko nang nakita ko ang isang message galing sa taong palaging nangaasar sa akin.

"Pansinin mo naman ang text ko Yam. Ang tagal ko nang nagme-message sa iyo ngunit hindi mo pa magawang makareply sa akin." Mensahesa sa akin ni Rick. Nangunot talaga ang noo ko at nagsalubong ang kilay.

"Wala akong load," reply ko, bahala siya. Nagvibrate ulit ang phone ko, minabuti kong hindi na iyon pansinin dahil may kumuha ng atensiyon ko noong nakapasok na ako. Napagdesisyunan kong huminto muna.

"Umalis ka na. Huwag ka naring bumalik ulit dito. Tapos na tayo, Jeremy. Hindi mo ba naintindihan. TAPOS NA TAYO!" Narinig kong diin na sigaw ni ate.

Ganito rin ang sabi ni ate kay Jeremy noong una siyang pumunta rito sa bahay para makipagbalikan kay ate. Ang kaibahan lang ay nasa loob sila ng bahay nun. Together with kuya Francis at ate Jessie.

Sa araw din na iyon nalaman na nila ang nagawa kong paghalik. They're so disappointed sa akin pero agad naman nilang napatawad ako dahil ang sabi ng kapatid ko'y wala pa ako sa tamang edad kaya naintindihan nila ako. I'm still seventeen years old. Walang bahid rin ng ano mang galit dahil nauunawaan nila ako maliban nalang kay ate Jessie.

Gayon pa man, bilib ako kay Jeremy dahil desidido parin siya na makipagbalikan.

Mabilis akong pumunta sa madilim na parte sa likod ng tarangkahan namin. Nagtago ako doon. Hindi ko kasi mapigilang mangialam at makinig sa kanila.

"Babe, I won't give up kahit ipagtabuyan mo pa ako ng maraming beses. Babalik ulit ako rito sa ayaw at sa gusto mo."

"Ang tigas talaga ng ulo mo noh." I think nairita na si ate dahil hindi makaintindi si Jeremy.

"Huwag mo nang itulak ang sarili mo sa akin. Alam mo namang buo na ang desisyon ko, diba. Hindi na tayo maaring magkakabalikan ulit. Hindi pa ba iyan malinaw sa iyo," medyo malakas na ang tono ng pananalita ni ate at randam kong hinihinaan niya ito dahil baka kumuha ito ng maraming atensiyon.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Where stories live. Discover now