S1 - Chapter 33: Biboy & Lim-lim

270 21 0
                                    

LEEYAM
°•°•°•🌟•°•°•°

Hingal na hingal ako sa ginawang paghila sa akin ng isang lalaki. Ang bilis kasi niyang maglakad. Ang haba rin ng paghakbang niya.

"Kuya, saan mo ba ako dadalhin?" Naguguluhang tanong ko.

"Wait kalang malapit na tayo," Napabuntong hininga nalang ako at saka nagpadala nalang.

"Wow, ang ganda." Namangha ako sa aking nakita. Ang ganda ng ilog, maganda ang formations ng mga bato at napakalinaw ng tubig.

"Sabi ko sayo diba," pagmamalaki niya sa akin saka umakbay.

"Teka anong ginagawa mo? Ibaba mo nga ako." Nagulat nalang ako nang buhatin niya ako nang pa-bridal style nang walang pasabi-sabi. Sinubukan kong magpumiglas kaso wala talaga akong laban. Ang lakas niya, eh.

"Hala kuya, hindi ako marunong lumangoy," sita ko sa kanya.

"Kumapit kalang sa akin, tuturuan kita." Sinunod ko nalang siya dahil wala na talaga akong magagawa pa.

"Teka, ano ba ang pangalan mo kuya?" Na-curios kasi ako, sa pangalan ng lalaki na ito.

"Ako si Biboy, ikaw?"

"Ahhhm Limlim." Mahinahong sagot ko naman.

"Cute, nice to meet you Limlim." Namula ako sa sinabi niya at hindi ko na magawang tumugon.

Pagkatapos niyon ay agad nalang siyang tumalon sa ilog nang walang pasabi-sabi.

Sobrang nagulat ako, dama ko ang lamig kaya napakapit nalang ako nang mahigpit sa kanya. Randam ko ring niyakap niya ako nang mahigpit pabalik.

"Yam?"

"Yam? Gising," napamulat agad ako sa aking mata. Nakatulog pala ako sa balikat ni ate Jessie. Napabilkwas naman ako saka umayos ng upo.

"Pasensiya na ate, inaantok kasi ako." Mahinang sagot ko kay ate saka humikab.

Hindi ko man lang namalayan na nakaidlip na pala ako.

Napaginipan ko naman ulit si Bitu o Biboy. Bata pa ako noong panahon na iyon, ten years old pa ako tas siya ay eleven years old. Iyon ang pagtatagpo matapos ang kaganapan noong hinabol ako ng aso niyang chihuahua hanggang na punta ako sa puno ng bayabas.

Doon ang una naming pagkikita. Hanggang nahulog kami roon at hindi nagkamabutihan pero kalaunan naman ay nagkasundo kami kung kaya dinala niya ako doon sa ilog na espesyal sa kanya.

Paborito rin niyang lugar iyon. Doon ko rin nalaman ang pangalan niya na Biboy.

Lim-lim talaga ang palayaw ko noong bata pa ako, hindi pa Yam.

Nandito ako ngayon sa hardin namin at kasama ko si ate Jessie. Sinamahan niya akong tumitingin sa kalangitan na puno ng mga bituin. Siguro noong nakaidlip ako sa kakatitig sa itaas ay pumasok sa aking panigip ang kaganapan sa nakaraan.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Yam?"

"Sa totoo lang ate, hindi pa masyado pero medyo okay na ng kaunti dahil napagmasadan ko na ang mga bituin. Salamat talaga sinamahan mo ako rito." Ani ko at niyakap ko siya kaagad.

"Walang anu man Yam. Tara na sa loob dahil malamig na rito sa labas." Tumango ako sa sinabi niya.

Ang sabi ng doctor about sa pagkawala ng malay ko ay dahil sa matinding emosyon na aking nararamdaman at sa dehydration.

Isang buong araw akong nawalan ng malay at noong nagising ako ay nanghihina talaga ako.

Noong masilayan ko sila ate ay nahiya talaga ako. Wala akong nakitang galit sa mga mata nila kundi matinding pag-alala sa kalagayan ko. Mga ilang araw din kami roon sa ospital bago kami pinayagan ng doctor na pwede na akong makauwi.

Ikaw Ang Aking Bituin (BxB) (MPREG)Where stories live. Discover now