Chapter 192_Pagbalik sa Bayan

168 14 1
                                        


Pagkatapos ng ilang araw na byahe papunta doon ay narating din ni Loo ang dating bayan nila.

Pinagmasdan niya ang mga sira-sirang bahay na tinutubuan na ng mga damu. Kung ang itsura ng mga bahay nong umalis siya ay ganoon pa rin ngayon. Bagamma't unti-unti ng kinakain ulit ng kalikasan ang paligid.

Sa mundo ng mga halimaw siya dumaan papunta sa bayan niya. Ayaw niyang maglakbay sa mundo ng mga tao dahil dilikado yun para sa kaniya.

Isa pa, yun naman ang sadya niya eh.

Nagsimula siyang maglakad habang patingin-tingin sa paligid. Wala siyang nakikitang ibang nilalang na kumikilos maliban sa kaniya. Tinuntun niya ang dating bahay nila. Ng marating yun ay huminto siya saka yun tiningala. Nilulumot na ang mga dingding na gawa sa kahoy at may ilang mga halamang ugat na rin ang nagsisimulang kumain doon.

May malaking puno na rin ang nakatayo sa gitna non.

Pumasok siya at sinilip ang paligid. Nilibot niya ang paligid pero wala siyang makitang kakaiba. Pumasok siya sa mga kwarto-kwarto hanggang sa mapadpad siya sa dating silid niya.

Naroon pa rin ang ilang mga gamit. Ang mga mesa, ang mga maliiit ng cabinet ay naroroon din. Kung saan yun nakapwesto sa naalala niya ay naroon pa rin.

Nilapitan niya ang kabinet at binuksan yun.

Bahagya pa siyang napaatras dahil may mga insekto ang naglabasan doon. Ng mawala na yun ay saka niya nakita ang mga dating damit niya na sira-sira na rin.

Isang kumikintab na bagay ang napansin niya sa sulok ng cabinet.

Kaagad niya yung kinuha. Isa yung uri ng bato na kumikinang kapag natatamaan ng araw. Itinaas niya ang bato at itinapat sa butas na bubong at lumiliwanag yun ng iba't-ibang kulay.

May naalala siyang kahawig na batong tulad non.

Ang naging simula ng lahat ng yun.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nilalayuan ng matinding bangungut dahil kasalanan niya kaya nangyari sa bayan yun. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa kaniya ang takot ng taboo.

Trauma siguro ang dapat itawag doon.

Nasaksihan niya kung ano ang masamang dulot ng taboo.



~~~~~~~~


"Ito o, regalo ko sayo."

"Wow," manghang bulalas ng maliit na si Loo ng ibigay sa kaniya ng dalagitang kaibigan ang isang bato.

"Kumikintab yan kapag itinapat mo sa araw."

Na ginawa naman agad niya dahilan para lalong mamangha si Loo. "Talaga? Ibibigay mo ito sa akin?"

Ngumiti ang babae. Tuwid ang mataas at itim nitong buhok. Bilog ang mukha at kahit singkit ay bilog naman ang mata nito. "Oo naman, regalo ko yan sayo, Ru."

Ru, iyon ang pagkakabigkas ng pangalan niya sa salitang hapon.

Nalito si Loo na agad kumuha ng dahon para sana may ipanregalo rin dito pero natigilan siya na agad hinawakan ang ulo.

Hindi nga pala nito alam na isa siyang Alamid na halimaw. Anyong tao siya ng makilala niya ito. Wala rin siyang planong sabihin dito kung ano siya.

Inakala lang nitong isa siyang labin-dalawang taong gulang na batang napadpad lang sa kagubatan. Napadpad ito sa kagubatan dahil may tinatakasan ito. Kinailangna nito ng makakasama kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan ito.

Vermillion Academy Book 1 [ C o m p l e t e ]Место, где живут истории. Откройте их для себя