chapter 16

19.5K 361 4
                                    

***

Hindi alam ni Nammie kung nasaan na siya basta patuloy lang ang lakad niya. Bahala na kung saan siya dalhin ng mga paa. Parang wala siya sa sarili na naglalakad at patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Ang gusto niya lang muna ay malayo sa lugar na iyon, malayo kay Zeke.

Pagkatapos ng mga narinig niya kanina ay umalis agad siya sa party na iyon. Pakiramadam niya kung mananatili pa siya doon ay mauubusan siya ng hangin. The place is just too suffocating for her.

Ganito pala pakiramdam ng niloloko. masakit, walang kasing sakit lalo na ang gumawa ang taong mahal niy. Kabayaran niya na ba ito para sa mga nagawa niya kay Zeke?

Ayos na sa kanya na saktan siya nito eh kasi alam niya sa kanya pa rin ito kahit anong gawin nito. pero yung malawan na balak pala siya nitong iwan kapag nasira na siya ay ang di niya kakayanin na mangyari. Galit siya kay zeke pero mahal niya pa rin ito. mahal na mahal. Naguguluhan na siya! hindi niya na alam kung anong gagawin. Wala siyang matakbuhan na kahit sino.

Napahinto siya ng mapansin madilim na sa lugar kung nasaan siya 'ramdam niya na rin ang sakit ng paa dahil sa paglalakad. She removed her shoes and started walking again. wala na siyang pakialam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya sa ora na ito. She just wanted to breath, Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang gusto niyang ipahinga ang nararamdamang sakit. Baka sakaling mawala rin ito.

Biglang may humarang sa daraanan niya na lalaki pero parang wala siya sa sariling nilampasan iyon.

"Miss, mag-isa ka lang ba? gusto mo ng kasama?" Sabi ng lalake na sumunod sa kanya.

Hindi niya ito pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Her mind is too occupied to think clearly. Para siyang lutang na naglalakad. She felt dead.

"Miss, mukhang malungkot ka. sumama ka sa akin papaligayahin kita." Hinablot nito ang braso niya dahilan para mapaharap siya rito.

"Remove your filthy hand off me." She said sternly.

"Aba. Inglisera. Halatang mayaman at masarap." Humalakhak ang lalake ng nakakaloko.

Binawi niya ang kamay at naglakad ulit. "ANO BA?!" napasigaw na siya ng hilain siya nito at yakapin. amoy na amoy niya ang baho nito na hinaluan ng alak. She tried to push him but he won't budge.

"Wag ka nang pumalag 'masasarapan ka rin naman sa gagawin natin." Naramdaman niya ang kamay nito na nasa pang-upo niya na kaya nag panic na siya. Tinulak niya ulit ito at pinagsusuntok ang dibdib para makawala.

"PUT*NG INA! WAG KA NANG PUMALAG SABI!" bigla siya nitong sinikmurahan dahilan para manghina siya. Napa-ubo siya sa lakas ng pagsuntok nito sa kanya. Sinabunutan pa siya nito at kinaladkad sa madilim na parte ng lugar. Walang katao tao sa daan at nasa di kalayuan pa ang bahay na nakikita niya.

"STOP! BITIWAN MO AKO! TULONG!" sigaw niya dahilan para magalit ito sa kanya lalo. Tinulak siya nito dahilan para mapasubsob siya sa daan.

Ramdam na ramdam niya ang hapdi ng balat dahil sa pagkakasubsob. "P-please maawa ka. Don't do this. Kung kailangan mo ng p-pera madami ako nun 'matutulungan kita."

Narinig niya ang pagtawa nito na parang is demonyo. "Jackpot pala ako neto. Pagsasawaan muna kita bago kunin ang pera mo." Kitang kita niya ang ngisi sa mukha nito kahit madilim ang lugar.

Bago ito makalapit ay sinipa niya ito gitna ng hita dahilan para mamilipit ang lalake sa sakit.

"P*TANG INA KA! H-HUMANDA KA SA AKIN!" "

She grabbed the chance to run. Iika-ika ang pagtakbo niya dahil sa mga sugat niya na natamo kanina. Wala na siyang pakealam kahit nakapaa pa siya habang tumatakbo. Akala niya ay nakalayo na siya rito ng tuluyan pero nagkamali siya ng hablutin siya nito ng malakas sa buhok. She yelp in pain. Bumagsak siya ulit sa cemento ng itulak siya nito.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now