chapter 37

24.4K 405 21
                                    

***

"Hi babe."

Nakahalukipkip na hinarap niya si keith na malaki ang ngisi sa mukha. She raised her eyebrow. "Keith, didn't I tell you to stop calling me babe?"

Asar na pinunasan niya ang pisngi niya. Madalas talaga siyang asarin ni keith sa pagtawag sa kanya ng 'babe' dahil sa lakas niyang kumaen noon, nagiging baboy daw siya.

"Oops. Sorry babe, I mean Nam." nag peace sign pa ito. "Bakit ang bilis ng uwi mo? Tapos na ang trabaho sa office?"

"Alam mo na kung bakit agad akong umuwi. Tumawag ang katulong, nagrereklamo... nasaan nga pala sila?" Tanong niya dito at inilibot ang paningin. "Kier nasaan sila?"

Sasagot na sana si kier ng may marinig silang sigaw sa ikalawang palapag. Nagmamadaling umakyat siya at sinundan naman siya ni keith.

Binuksan niya ang pinto kung saan nanggaling ang sigaw. Halos madapa pa siya ng may nakaharang sa pagpasok niya na mga laruan mabuti nalang ay na-hawakan agad siya ni keith.

"MOM!" Gulat na sigaw ni June na huli sa aktong tatalon sana sa mataas na lamesa at may mga foam sa lapag na sasalo dito. May nakatali pa sa leeg nito na tela na animo ay si superman.

"June!" Sigaw niya. "What are you doing?!"

"I'm superman." Sigaw nito at wala na siyang nagawa ng tumalon ang anak niya. Rinig pa niya ang pagtawa ni keith sa likuran niya.

Napahawak nalang siya sa sentido. "June!" Akmang lalapitan niya ito nang may sumulpot na isa pa na kanina pa pala nagtatago sa ilalim ng kama.

"Yah!" Sigaw nito na akmang susugurin si June na nag-tatatakbo sa sa kwarto. Kung si june ay superman ito naman naka-costume ng joker.

"July!" Sigaw niya at pinigilan ang anak. Binuhat niya agad ito para hindi na maglikot. "Tignan mo ang pawis mo oh!"

"Mom, put me down. I need to defeat superman." Pilit itong kumakawala.

"I didn't know that superman's enemy is joker." Natatawang komento ni keith na hinuli naman ang anak niyang si June. Binuhat nito agad si June at kiniliti kaya nagtititili ang anak niya.

"June, July may kasalanan na naman kayo sa akin." Binaba niya ito at kinuha ang pamunas para punasan ang pawis sa likuran nito. Inabutan niya rin ng pamunas si keith. "Look at the mess you all created. diba sabi ko pag wala ako mag behave kayo?"

"Tatay keith said it's ok to make a mess as long as we clean it afterwards." Sagot ng anak niyang si june.

"Keith." tinignan niya ng masama si keith na abala sa pagpupunas ng pawis ng anak niya.

"What? They are kids. Hayaan mong mag-enjoy ang mga bata. Ang kj mo talaga mommy... diba baby?"

Tumango ang anak niyang si june tanda ng pagsang-ayon. Napailing nalang siya. Kapag nagkampihan na talaga ang mga ito ay wala na siyang magagawa. Siya na ang talo sa huli, sasakit pa ang ulo niya.

Napatingin siya sa pinto ng pumasok si kier kasama si August.

"Mom." Tawag sa kanya ni August at agad na lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Hindi katulad ng dalawa na madungis dahil sa paglalaro itong bunso niyang si August ay matino pa.

"Kids, kailangan nating mag-usap. May kasalanan na naman kayo sa akin." Tumayo siya at tinignan ang triplets niya.

"But mom---"

"No buts. Now tell me, ano na naman ang ginawa niyong tatlo sa bagong yaya niyo?" She crossed her arms.

Bleeding Love [QS#1] COMPLETEDWhere stories live. Discover now