Huling Pahina - Continuation

7 1 0
                                    


Leonardo's POV 

Kasama ko ang aking mga kaibigan patungo sa bahay ng aking iniibig na si Claudia. Bitbit bitbit ko ang gitara kong gagamitin sa pang haharana mamaya, habang ang aking dalawang kasama'y nag eensayo sa pagkanta na animo'y sila ang aakyat ng ligaw sa isang Binibini. Kabado akong binabagtas ang daang ito, pagkat sa unang subok ko pa lamang na manligaw kay Claudia, ay sadyang mainit ang dugo sa akin ng kanyang mga magulang. Hindi nila hinahayaang ako'y makalapit sa kanilang anak dahil para sa kanila'y madumi ako at mabaho. Isa lamang akong magbubukid, ang aking pamilya nama'y nag alalaga ng mga hayop. Hindi ko mabatid kung bakit ang turing ng pamilya ni Claudia ay ganoon na lamang. Wala namang akong nagawang kamalian sa kanila, talagang mahal ko lamang si Claudia.

Habang naglalakad, binasa kong muli ang liham na ipinadala ni Claudia sa akin. Mabuti na lamang at mabilis itong nakarating dahil kaibigan ko ang mensahero.

Leonardo,

            Magandang Araw sa iyo Leonardo. Una sa lahat ay humihingi ako ng tawad sa nangyari noong nakaraan pang linggo. Hindi ko alam na nandoon rin ang aking Ama't Ina. Huwag mo sanang isipin na pinapunta kita roon upang makita ka ng aking mga magulang na magkasama tayo at pahiyain ka sa maraming tao. Mapatawad mo sana ang aking mga magulang, alam kong 'di ka karapat dapat ganunin 'pagkat alam ko at sigurado ako na mabuti kang tao, Leonardo. Umaasa akong nauunawaan mo ako. Palagi kang mag iingat at magpakatatag. Hanggang sa muling sulatan natin, Leonardo. Paalam.

                                                                      Nagmamahal,
                                                                                        Claudia

Matapos kong basahin muli ang kanyang liham, ay hindi ko namalayang nandito na kami sa tapat ng kanyang tahanan. Nagbuga muna ako ng hininga at pagkatapos ay huminga ng malalim. Haharanahin ko siyang muli, sana'y mapaibig ko siya gamit ang gitara at aking boses.

"Claudia!" Sigaw ko upang malaman niyang narito ako sa kanila.

"Maaari mo ba akong pagbuksan ng bintana upang makita mo ako't masilayan din kita?" Muli kong saad. Hindi rin nagtagal at dumungaw siya sa kanilang capis. Napakaganda niya talaga. Sa bawat araw na makikita ko siya, parang lalo akong nahahalina't napapamahal sa kanya. Maganda ang kanyang mukha,maganda rin ang kanyang pag uugali.

Sinimulan kong haranahin siya sa pamamagitan ng paborito niyang kanta. Kita ko ang kanyang pagngiti sa gitna ng aking pag awit. Nang matapos ko ang awitin, lumabas siya ng kanilang bahay at ako'y lumapit sa kanya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagngingitian, ng biglang dumating ang kaniyang mga magulang. Binalot ako ng kaba sa isiping ipapahiya na naman ako. Ngunit narito na. Hindi na ako uurong pa. Ang pagibig ko para kay Claudia ang mahalaga. Kung laitin man ako at ipahiya ng kaniyang mga magulang ay tatanggapin ko.

-----------------------------------

"Hindi ka talaga natututo! Hindi! Ako! Makakapayag! Na maging iyo ang anak ko!! Ilang beses ko bang pauulit ulitin iyon?!"

Bawat sigaw at panlalait ay sinabayan pa ng maraming suntok at bugbog. Sobrang sakit na ng aking katawan. Sobra na itong ginagawa nila sa akin. Nais ko mang lumaban, ngunit hindi ko na kayang makatayo sa aking pwesto. Kahit na patuloy akong sinisipa palayo ng Ama ni Claudia, nakayakap pa rin ako sa kanyang hita at binti. Nagmamakaawa sa kanyang ipagpatuloy ko lamang ang panliligaw sa kanyang anak. Mahal na mahal ko si Claudia, kaya kahit ano pang hirap at dagok ang harapin ko, kakayanin at kakayanin ko.

"G-ginoo..." Nanghihina ngunit lumalaban na sambit ko.

"Hayaan mong patunayan kong kaya kong buhayin ang iyong anak. Hayaan mong patunayan kong mayroon akong maibubuga. Nagmamakaawa ako sa iyo. 'Di ko kayang mawala ang inyong anak sa akin. Siya ang aking mundo. Siya lamang ang nagmamay ari ng puso ko. Mahal na mahal ko ho si Claudia.."

"Mahal? Hindi mo mapapakain ng pagmamahal ang aking anak! Isa kang hangal! Ubod ng hirap ang iyong pamilya, kaya paano mong mapapatunayan na may maibibigay ka sa amin at kay Claudia?! At tsaka, huwag ka ng mag ambisyong papayagan kong mapasaiyo ang anak ko! Hindi siya dapat sa tulad mong walang binatbat! Walang kwenta! Walang mapapala sa buhay! Ikaw at ang pamilya mo,ay salot lamang sa lipunan!"

Napaiyak na lamang ako sa lahat ng sakit na aking nararamdaman. Hanggang kailan ko kayang tiisin ang gantong pagtrato nila sa akin. Tao rin ako at hindi hayop o alipin! Hirap na hirap na ako. Ngunit hindi ko rin naman kayang isuko si Claudia. Humihikbi ako nang makita ko si Claudia na nais lumabas ng kanyang tahanan. Punong puno ng pag aalala ang mababasa mo sa kanyang hitsura. Ngumiti ako ng malapad at pinakatitigan siya. Patawad, Mahal ko. Hindi man lang kita mapaglaban laban. Patawad kung ganito lamang ako. Patawad kung hindi ako mayaman tulad ng ibang Ginoo. Patawad sapagkat, nakikita mo akong naghihirap. Subalit pakatandaan mo sanang kahit na ano pa mang mangyari ay mahal na mah--

Gulat.

Sakit.

Hapdi.

Ilang segundo akong natulala dahil sa aking naramdaman. Nadama ko ang pag agos ng mainit kong dugo sa aking kasuotan. Nabaril ako. Ang balang iyon ay tumagos sa aking likod hanggang sa aking harapan. Sa lakas ng pagkakatama nito sa akin ay tuluyan na akong napabitaw sa Ginoo. Maya maya pa'y nakita ko na lamang na nagsusuka ako ng dugo. Nang mapansin kong muli si Claudia ay nakatitig lamang siya sa akin. Marahang tumulo ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na makikita kong umiyak siya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko siyang makasama. Kahit sa nalalabi ko na lamang na sandali. Ramdam kong papikit na ang aking mga mata. Tanging iyak ni Claudia ang naririnig ko sa gitna ng katahimikan.

Muli kong inalala ang mga taong nagmamahal sa akin. Ang aking pamilya,mga kaibigan,mga kapitbahay, at si Claudia. Patawarin sana ako ng aking pamilya dahil hindi ko na matutupad pa ang aking pangako. Hindi ko na sila mabibigyan ng marangyang buhay. Hindi ko na maipararanas iyon. Sa aking mga kaibigan naman, mabuti't pagkatapos ng aming paghaharana ay lumisan na sila. Ayokong madamay sila sa ganitong kalagayan. Sa mga kapitbahay naming naging mabuti ang pakikitungo, salamat sa kanila. At para sa pinakmamahal kong Binibini, Claudia. 'Di ko alam kung masasabi ko pa ito pagkat sa mga sandaling iyon, tuluyan na akong napapikit.

"Mahal kita...Maraming salamat sa pagmamahal na ginawad mo sa akin...hindi kita malilimutan, Leonardo."

Kumukupas man na ang aking pandinig, narinig ko parin ang sinambit ni Claudia. Sa mga oras na iyon, masaya na akong malaman na mahal niya rin ako. Mahal rin kita Claudia. Nagsisimula pa nga  lamang ako sa pagbuo ng aming kwento, humantong naman kaagad kami sa aming huling pahina.

Huling Pahina(COMPLETED)Where stories live. Discover now