Huling Pahina

17 2 1
                                    

Ilang milya pa ba ang dapat lakbayin?...

Gaano pa ba kalayo ang daang tatahakin?

Nais ko ng kaagad tumungo sa iyong paroroonan,

Upang masilayan ang mga matang, tila bituin na nagkikislapan..

Malalim na ang gabi, pero hayan siya at nasa labas ng aming tahanan, pinakiusapan akong dumungaw sa capis. Kanina lamang ay inalayan niya ako ng orihinal niyang tula, ngayon nama'y hinaharana na niya ako sa pamamagitan ng paborito kong awitin. Kay sarap pakinggan ang boses niyang para kang hinihele sa sobrang lambing. Madadama mo sa bawat bigkas ng kaniyang sinasambit ang tamis ng pagmamahal. Hindi ko batid na ang panliligaw na kanyang tinutukoy ay sa ganitong paraan. 'Di ko alam na uso padin sa kanya ang panghaharana. Napapangiti na lamang ako sa katotohanang, ginagawa niya ito para makuha ang aking oo.

Kung ako ang tatanugin ay nais ko na siyang sagutin. Gusto ko siya sa pagiging matibay ang loob at walang sinusukuang problema. Ngunit lubos akong nababahala, na baka saktan siya ni Ama 'pag nalamang may namamagitan sa aming dalawa. Wala akong ideya kung bakit napakainit ng dugo ng aking pamilya sa pamilya ng ng aking nagugustuhan.


"Nagustuhan mo ba ang aking tula at kanta para sa'yo Binibini Claudia?" Ani niya. Sabay halik sa likod ng aking palad.

"Oo naman Leonardo. Sa palagay ko nga'y magiging kampeon ka sa darating na tagisan ng bosesan sa atin, dahil sa ganda ng iyong pagkanta."

Kapwa kami nakangiti noon sa isa't isa ng may malakas at nakakagulat na boses ang pumagitna sa amin. Malaking gulo na naman ito. Doble doble ang kabang nararamdaman ko sa paglapit ng aking Ama at ni Ina sa aming dalawa.

"Claudia! Hindi bat pinaralangan na kita dito. Bakit hindi ka ba makinig sa aming mga magulang mo na iyang lalaking yan ay hindi para sayo" Dinuro niya ang pagmumukha ni Leonardo, dahilan upang mapaatras ng bahagya ang Ginoo. Kitang kita sa mukha nila Ama, ang labis na galit dahil sa 'di ko pagsunod sa kanila.

"Binalaan na kita na kung hindi mo lalayuan ang aking anak ay pahihirapan ko pang lalo ang iyong pamilya! Talagang matigas ang iyong ulo at hindi mo nga ako pinakinggan!" Si Leonardo naman ang kanyang sinigawan. Pareho kaming natahimik bago kami magtitigan ng ilang segundo at tuluyang magsalita.

"Paumanhin ho Ginoo. Ngunit hindi ko kayang iwasan at iwanan ang inyong babaeng anak. Mahal ko po siya. At kahit pagkagusto pa lamang ang kanyang nadarama para sakin, ay hihintayin ko pong ako'y kanyang ibigin din. Kaya ko pong maghintay, kahit ilang buwan o taon pa ang aking ilaan. Pakiusap ko po sa inyo,hayaan mo akong gawin lahat upang maging karapat dapat ako kay Claudia."

Naroon kay Leonardo ang aking paningin. Nag aalala ako na baka saktan na naman siya ni Ama. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang determinasyon at pakikiusap. Nais niya talagang ipagpatuloy ang panliligaw kahit na ano pa mang mangyari.

"Kahit ano pang gawin mo ay hindi padin ako makakapayag na maging kayo ni Claudia! Ako ba'y niloloko mo?! Alam ko at alam mo na ang mag anak mo, ay mahirap. Ni alagang baboy ninyo nga ay mas nakakakain pa ng pagkain kaysa sa inyo. Kung bibigyan kita ng panahon, mababago mo ba ang inyong antas at aangat ang iyong lebel sa buhay?!"

Tuluyan na akong naiyak sa pangyayaring iyon. Napayuko na lamang si Leonardo pagkat totoo naman ang mga sinasabi ni Ama sa kanya. Para sa akin ay wala akong pakialam sa kung anong katayuan niya. Ang mahalaga'y may pag ibig kayong nararamdaman sa isa't isa, masasalba nito ang kahit ano mang pagsubok sa buhay. Hinila ako papasok ni Ina, at hinahayaan niya lamang na ipagpatuloy ni Ama ang panlalait kay Leonardo.

Huling Pahina(COMPLETED)Where stories live. Discover now