11 - Kwentong Convention

341 50 14
                                    

Kinabukasan, maaga akong nakatanggap ng tawag mula kay Joseph. Ang sabi nya maagang syang nagreport sa munisipyo. Sa ilang araw na nasa convention sila alam nyang tambak ang trabaho nya. Ngunit hindi ang dami ng trabaho ang dahilan ng pagpasok nya ng maaga. Balak nyang pumunta sa shelter upang ibalita sa akin ang muli nilang pagkikita ni Claire kaya kailangang tapusin nya ang mga naiwang trabaho nung mga araw na wala sya sa munisipyo. Ngunit sa sobrang dami ng trabaho, hindi nya nagawang makabisita sa shelter nang araw na iyon.

Isang araw, si Claire naman ang tumawag sa akin para ibalitang may nakilala syang isang lalaki sa convention at sinabing dating silang nagkasama dito sa shelter, Joseph daw ang pangalan. Marami daw naikwento ang lalaki sa kanya at meron syang ibang naaalala ngunit mas marami ang hindi. At ang isa pa raw na ipinagtataka nya ay ang sobrang gaang ng pakiramdam nya sa lalaking kahit bago lang nya nakilala. Lubos daw agad ang tiwala nya kay Joseph kahit ilang araw pa lang silang nagkakasama kaya't inisip nyang tutoo ang mga sinabi nito sa kanya.

Sinabi ko kay Claire na tutoo ang mga sinabi ni Joseph at inamin ko rin sa kanya na matagal na syang hinahanap ni Joseph. "Bakit hindi mo sya binabanggit sa akin, Mama Len?" ang tanong ni Claire sa akin matapos kong sabihin ang tungkol sa paghahanap ni Joseph sa kanya.

"Hiniling kasi ng Mommy mo sa akin na wag na akong magbabangit sa iyo ng tungkol sa pagtigil mo dito sa shelter. Baka daw kasi maguluhan ka pa dahil marami na silang binuong kwento sa iyo tungkol sa shelter nung bata ka pa," sagot ko kay Claire.

"Bakit mo sinasabi ngayon yan sa akin?" tanong ni Claire

"Dahil tadhana na mismo ang naglapit sa inyong dalawa," sagot ko kay Claire

"Mabait ba si Joseph, Mama Len?" tanong ni Claire sa akin.

"Napakabait na bata ni Joseph, at maalaga pa. Sya ang madalas mong kasama noon at sya ang matyagang nag-aalaga sa iyo nung nandito ka pa sa Balay Aruga," sagot ko

"Tutoo pala yung sinasabi nya na sya ang madalas mag-asikaso sa akin kasi busy ka sa ibang bata dito sa shelter," sabi ni Claire.

"Tutoo yun, bakit hindi ka ba naniniwala?" patanong kong sagot kay Claire

"Yun nga ang ipinagtataka ko, Mama Len, wala pang isang araw ko syang kilalasambit ni pero naniniwala na ako sa lahat ng sinasabi nya," sagot ni Claire.

"Nakalimot man ang isip mo, siguradong hindi ang puso mo kasi kasi nakilala nya si Seph eh," sagot ko

"Yan din, Mama Len, mas komportable akong tawagin syan Seph kesa Joseph," sambit ni Claire.

"Yan ang tawag mo sa kanya noon,"sagot ko.

"Nakakatuwa naman na meron pa pala akong isang Kuya noon," sabi ni Claire na kahit sa telepono lang naramdaman ko ang saya nya.

Marami pang naikwento si Claire sa aking tungkol sa muli nilang pagkikita ni Joseph. Lahat ng tinanong nya sinagot ko nang may katotohanan. Hindi naman ako sumira sa ipinangako ko sa mommy nyam dahil sya na mismo ang nakatuklas ng katotohanan tungkol sa pagtira nya dito sa shelter. At habang sinasagot ko ang mga tanong nya, mas nararamdaman ko ang excitement sa kanya.

Hindi kasi close si Claire sa kaisa-isa nyang kapatid na lalaki. Kahit na magkakasama silang naninirahan sa California, naging busy ang Kuya nya sa maraming bagay kaya't hinid sila nagkaroon ng pagkakataong maging malapit sa isa't-isa.

Wala pang kalahating oras matapos ang pag-uusap namin ni Claire, nakarinig ako ng ingay sa labas ng opisina ko. Tila excited at tuwang-tuwa ang mga bata, at isa lang ang ibig sabihin nun, may bisita kaming kilalang-kilala ng mga bata dito sa shelter.

Mabili ako lumabas upang salubungin ang aming bisita. Isang malaking ngiti ang isinalubong ko sa bagong dating, si Mayor Joseph biglang dumating sa shelter nang walang pasabi.

When I See You AgainWhere stories live. Discover now