15 - Inip

290 49 16
                                    

Halos lahat ng bisita ay dumating na maliban sa isang espesyal na tao na ninanais kong makitang muli at mayakap. At hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ko ang hindi mapakaling si Joseph habang hinihintay dumating ang babaing ilang linggo na rin nyang inaasam na makitang muli. Kahit si Barbara at binibiro sya dahil halos hindi maialis ni Joseph ang tingin nya sa gate at kitang-kita ko ang excite sa mukha ni Mayor kapag mayroon dumarating at biglang malulungkot kapag hindi ang inaasahan nyang bisita ang dumating.

"Meron ka namang number ni Claire, bakit hindi mo i-text at itanong kung aattend ba sya ng birthday party ni Mama Len or hindi," ang natatawang tanong ni Barbara kay Joseph habang magkakasama kaming kumakain sa isang mesa.

"Nag-text na ako, bago mo pa sinabi," ang medyo naiiritang sagot ni Joseph kay Barbara.

"Hulaan ko ... wala ka pang nakukuhang reply kaya nagsusungit ka na," patuloy na pangangatyaw ni Barbara kay Joseph.

"Ano ang nakukuha mo sa pang-aasar mo sa akin?" masungit ng tanong ni Joseph kay Barbara ngunit tinawanan lang sya ng asawa nya.

"Will you please relax, Mayor Apostol. Para kang high school student na naghihintay sa pagdating ng prom date mo eh," komento ni Barbara.

"She is not my date," patuloy na pagsusungit ni Joseph.

"I know that, and the more that you should relax. May I remind you Mayor Apostol, hindi ikaw ang may birthday. Therefore, wala kang karapatang ma-upset kung hindi darating ngayong gabi ang mayor ng Santa Maria, Bulacan," patuloy na pang-aasar ni Barbara kay Joseph

"Darating si Claire, nangako sya sa akin na pupunta sya at kahit kelan hindi pa sya sumira sa pangako nya," ang sabi ko upang kahit paano ay mabawasan ang inip ni Joseph sa paghihintay kay Claire.

"Ayun naman pala eh, kumapit tayo sa pangako ni Claire kay Mama Len," sagot ni Barbara.

"Palagi na lang nya akong pinaghihintay," pagmamaktol na sambit ni Joseph at wala kaming nagawa ni Barbara kundi ang matawa sa parang bata na inasal ng Mayor ng Sta. Rosa.

"Mabuti na lang tayong tatlo lang ang nandito sa mesa. Nakakahiya sa mga makakakita sa pagmamaktol mo, Mayor," paninitang sambit ni Barbara.

"Ang mabuti pa ay ayusin mo na ang sarili mo Mayor. Eto at nagtext na si Claire, nandito na raw sya in less than five minutes," Nakangiti kong sinabi kay Joseph. At ganon na lang ang gulat naming ni Barbara nang biglang tumayo si Joseph.

"Wag masyadong atat, Mayor. Five minutes pa ang ipaghihintay mo," komento ni Barbara.

"Magpapalit lang ako ng damit, nadumihan nung nakisali ako sa parlor games nung mga bata," sagot ni Joseph.

"Hindi naman halata yung dumi, Mayor," sagot ni Barbara.

"Ano bang hindi halata eh, kitang-kita nga. Sandali lang ako, hindi pa ako aabutin ng five minutes," daglian sagot ni Joseph bago tuluyang lumakad papunta sa loob ng shelter.

"Alam mo, Mama Len, hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinis sa asal ni Joseph eh. Parang high school student na makikipagkita sa crush nya," naiiling na komento ni Barbara. "Pero masaya ako na makitang umaabot na sa mga mata nya ang mga ngiti nya," dagdag na sambit ni Barbara.

"Napansin ko rin yan, Barbara. Simula nung magkitang muli si Joseph at Claire, kakaiba na ang sigla ni Joseph,"sabi ko.

Hindi nagtagal nakita kong papasok na ng bahay aruga ang isang pamilya na kotse. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ako nagkamali and umasang darating ang isa sa mga paborito kong alaga. Lahat ng pangako nya, siguradong tinutupad nya.

"Donna Claire," ang sambit ko habang pinapanood ko syang naglalakad papunta sa akin na may napalaking ngiti sa kanyang mga labi.

"Happy birthday, Mama Len," ang masayang bati ni Claire sa akin.

"Thank you, Donna Claire. Natutuwa ako at nakarating ka kahit alam kong sobra kang busy," ang sabi ko.

"I will not miss this for the world, Mama Len. Pasensya ka na at late na akong nakarating, hindi ako agad nakaalis sa munisipyo eh," sagot sa akin ni Claire bago nya ako halikan at iabot ang kanyang regalo sa akin.

"Salamat sa pagpunta mo, Donna Claire. Natutuwa ako na nakarating ka. Ang importante dumating ka, kahit pa late ka," sabi ko.

"Nangako ako sa iyo na darating ako, hindi ko sisirain ang pangako na iyo, Mama Len. Isa pa gusto kong kasama mo ako in person kapag nagcelebrate ka ng birthday mo, hindi yung puro video call lang tayo," sagot ni Claire sa akin.

"Tama ka iha. Syanga pala, gusto kong ipakilala sa iyo si Barbara," ang sabi ko upang ipakilala si Barbara kay Claire.

"Good evening, Barbara. It is nice to meet you," ang sabi Claire matapos iabot ang kamya nya kay Barbara upang makipagkamay.

"It is my pleasure to meet you, Mayora Claire," ang sagot ni Barbara na sinserong nakangiti habang nakipagkamay kay Claire.

"Siya ang asawa ni Joseph," ang dagdag kong pakilala at nakita ko kung gaano nagulat at natuwa si Claire sa sinabi ko.

"Oh my goodness, Mrs. Apostol, I am very happy to meet you. Ang daming kwento ni Joseph tungkol sa iyo when we were in the mayor's convention," excited na sabi ni Claire.

"Same here, Mayora. I have been dying to meet you. Maraming ring kwento si Joseph sa akin tungkol sa iyo," makahulugang sagot ni Barbara.

"Mukhang masayang kwentuhan yan. Pero mamaya na yan, kumain ka muna, Donna Claire. Gusto mo bang ikuha kita ng pagkain?" tanong ko.

"Ako na po ang bahalang kumuha ng pagkain ko, Mama Len. Pero pwede po bang mag CR muna ako, medyo malayo yung byahe namin, need ko po munang gumamit ng CR," sabi ni Claire.

"O sige, magCR ka muna. Yung CR na lang sa opisina ko ang gamitin mo, halika at sasamahan na kita. Hindi ako sigurado kung nakalock ang office ko eh," sabi ko.

"Sige po, Mama Len," nahihiyang sagot sa akin ni Claire. "Excuse me, Mrs. Apostol," ang sabi ni Barbara at isang matamis na ngiti at tango ang isinagot ni Barbara.

"Sandali lang, Barbara, sasamahan ko lang si Claire," ang sabi ko kay Barbara.

"Okay lang, Mama Len, puntahan ko lang rin si Red sa playground," sagot ni Barbara bago kami lumakad ni Claire papuntang opisina ko.

Masaya kaming nagkwentuhan ni Claire habang papunta kami sa opisina ko. Ngunit ganon na lang ang gulat namin ni Claire nang makita namin sa loob ng opisina ko si Joseph na tanging underwear lang ang suot habang nagpapantalon. Dali-dali kaming tumalikod ni Claire upang tuluyang maisuot ni Joseph ang damit nya. "Susmaryosep, Joseph, bakit ka nandito sa opisina ko?" sambit ko.

***************
Oo nga Mayor, ano ba kasi ang ginagawa mo dyan sa office ni Mama Len? 😁😜

Pagpasensyahan nyo na ang wrong spelling at grammar, maitatama ko rin yan kapag may panahon na ako. 😁😙😜.

Let me know what you think of the update guys and thank you for the reads andvotes. 😘😊😘😊😘😊.

When I See You AgainWhere stories live. Discover now