3.Restaurant

1 1 0
                                    

Napapatingin sa ulunan ko kung nasaan ang vulpid ang ilang taong nakakasalubong namin sa daan pero hanggang ngayon tulog pa rin siya. Napapansin ko rin ang mga antennae ng ibang dumadaan, some are gray and some are colorful. Hindi ko maintindihan pero btw, nagugutom na ulit ako dahil sa pagikot-ikot sa lugar kaya napagpasyahan kong pumasok sa kainang malapit sa'min hoping na magpakain sila ng taong walang pera. Inalis ko muna ang mask at binuhat sa isang kamay si Raye the vulpid.

"Hi." Ngumiti ako ng alanganin sa ginang na nasa entrance na nakadamit ng lumang apron wari'y naghihintay ng costumer niya. Kulay gray din ang antennae nito.

"Magandang hapon iha. Aba't magdidilim na bakit naglalakad kang mag isa sa kalsada. Halika't pasok." Maalumanay ang pananalita ng Ginang kaya pumasok na rin ako. Ginaya niya ako sa isang upuan malapit sulok na pader at tsaka may inabot na papel kung saan naroon ang mga listahan ng mga pagkain. Umorder ako ng adobo dahil hindi naman siya humingi ng bayad muna that everyone normally does naman HAHAHAHA. Ipinatong ko ulit sa ulunan ko ang tulog pa ring Vulpid.

Naaamoy sa buong tindahan ang adobong naluluto but I don't find it that tasty. Don't get me wrong, it really doesn't smell that good. I wonder kung dahil masama ba silang magluto kaya wala silang kahit isa man lang costumer ngayon.

Nilibot ko ang kabuuan ng kainan at may mga sapot sa kahit anong sulok. Maraming maliliit na bitak sa pader at nagtutuklap ang mga pintura, it's also fading. Walang kabuhay buhay. Medyo malawak naman ang lugar kaya't nagkasya ang sampung square table with four chairs each. Basag ang salamin sa lower part ng hindi kalawakang lumang bintana. Dalawang bintana ang narito na nagbibigay ng ilaw sa paligid pero wala silang bulb. May pangkakabitan naman pero walang nakakabit na bulb. I wonder kung malinis ba ang mga kalderong ginagamit nila pangluto sa kakainin ko fowta.

"Heto iha kumain kang mabuti." napalingon ako sa ginang na nakatayo na pala sa gilid ng upuan na nasa harapan ko. Napatingin ako sa tray na hawak niya at inaabot sa'kin. It really doesn't smell good but I heard my stomach groaned again. Nagpasalamat ako kaya akmang aalis na siya pero pinigilan ko muna.

"Uh, pwede po ba muna kayong umupo sandali? May itatanong po sana ako." Ngumiti ako sa kaniya at ngumiti rin naman siya tsaka umupo sa harapan ko. Sinimulan ko nang kumain not minding kung magmukha man akong rude but I'm really hungry at sigurado namang hindi siya gutom kasi may ari siya ng kainan.

"Tungkol saan ang itatanong mo iha?" Nilunok ko muna ang kinakain ko tsaka siya binalingan.

"Anong pangalan po ng lungsod na 'to?"

"Lungsod ito ng Ginoria."

"Bakit po gray ang antennae niyo wala po kasi akong nababalitaan na ganitong city at ganiyang kulay ng antenna." Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o talagang nagkulay pula ng biglaan ang mata niya tapos bumalik ulit sa pagiging itim. Ah whatever.

"Mukhang bago ka pa rito. Kung iniisip mong nasa Pluton ka pa wala ka na roon iha. Nangggaling ka sa Pluton hindi ba? Ito ang kambal na planeta ng Platon kung saan karaniwang napupunta ang mga nilalang galing sa Pluton dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagsimulang mapunta ang mga nilalang dito isang daang taon na ang nakararaan. Normal na lahat ng taong unang natapon dito ay may mga makukulay na antennae pero nang manganak sila ay kulay gray na ito. Matagal nang naninirahan dito ang angkan namin kaya kulay gray na ang sa 'kin pero ikaw, naipanganak ka sa Pluton kaya makulay ang sa'yo." Mahabang litanya nito at naintindihan ko naman lahat kaya lang hindi muna ako makapaniwala para maging utak alien pa rin tayo.

"So, bumulusok po ako papunta rito? Narinig ko na ang Platon sa mga libro at malapit na malapit lamang sila ng Pluton pero hindi nabanggit na magkaiba pala dito sa Platon. At ibig mong sabihin, hindi rin taga rito ang mga may makukulay na antennae at katulad ko sila na napunta lang rin dito?" Tuloy tuloy ako sa pagkain dahil na-e-stress ako sa naririnig ko.

"Oo, maaaring noong bata sila napunta rito o katulad mo lang na kararating at wala pang kaalam alam tungkol sa lugar na ito. Walang batas sa kahit anong sulok ng lungsod at ito lang ang lugar kung saan may mga buhay pang naninirahan. Wala pang nahahanap na paraan para makabalik sa planetang pinagmulan niyo kaya namuhay na sila bilang taga-rito at nakibagay nalang sa pamumuhay dito." Tinapos ko na ang kinakain ko kahit hindi ganun kasarap dahil sa hindi magandang narinig. "At ngayon bayaran mo na ang kinain mo ng 250 cherries." Hala ang panget ng lasa pero mahal. Wow naman makademand si ale ng pera. Cherries ang currency dito so magkapareho lang din ang currency sa Pluton.

"Ah wala po kasi akong pera pero salamat po sa pagkain." Tumayo ako at akmang dadaanan siya pero may iba ako naamoy sa kaniya kaya napatingin ulit ako at tama nga ang hinala kong ghoul ang isang 'to. Nag iba ang katawan niya at naging kulay pula ang mga mata, humaba na rin ang mga kuko niya parang katulad nung sa mga witch.

"Sayang, pero diretso kain nalang ang gagawin ko sa'yo. hibihi hibihi hibihi." Ang weird naman ng tawa nito. Winasiwas nito ang mahabang kuko niya diretso sa leeg ko at buti naka atras agad ako. Baka pag dumaba ako si Raye ang matusok mahirap na.

"Kaya pala ang pangit mong magluto eh. Hindi mo naman pala matikman iyang niluluto mo." Mas nagalit pa ito sa sinabi ko kaya gumapang siya papunta sa'kin nang medyo lumayo ako rito. Hindi ako nakaiwas agad dahil sa liksi niya kaya nagasgasan ako ng dulo ng kuko niya sa tiyan. Nabutas pa ang jumpsuit at nagkaroon ng mantsa ng dugo ang damit ko. Dinilaan niya ang kuko niyang may bakas ng dugo ko kaya na ikinalukot ng aking mukha.

"Ang dugyot!" Patakbo ko rin siyang hinarap tsaka tinadyakan sa mukha. Mabilis na nawalay sa katawan nito ang ulo niyang napugot at lumipad sa masapot na pader.

"Rawr!" Bumagsak ang katawan niya pero nagsasalita pa rin at napapagalaw niya ang facial features niya. Aba matinde.

"Di ka mamatay matay?!" Nilakad ko ang distansiya sa pagitan namin ng ulo at sakto namang may nakita akong lumang fire extinguisher sa gilid na nakalapag sa sahig. Dahan dahan ko itong pinulot at nakangisi pang pinuntahan ang ginang na ghoul.

"Hayop ka! Huwag na huwag mong gagalawin ang kayamanan ko sa basement ng kainan ko!" Ngumisi pa ako lalo dahil sa sinabi niya.

"Salamat. Dito na muna ako pansamantala habang wala ka at 'di pa ako nakakabalik sa Pluton. Rest in Peace." Nag bow pa ako tsaka walang pasabing hinampas sa bungo niya ang hawak kong extinguisher. Hindi na ako mahihirapang linisin ang katawan niya dahil naglaho lang ito.

Hindi ko makikita si Lolo, wala akong proproblemahing pulis kasi walang batas. Walang pinuno. Nagkaroon ako ng demonyong antukin na pet. Makakapaglaban ako sa mga arena ng walang Lolo na magbabawal. Natupad na yata ang hiling ko in an unexpected way. O to the M to the G. This is it!

PlatonWhere stories live. Discover now