Kabanata 3: Ang barkada

212 17 4
                                    

Camilla

"We're, here."

Huminto ang sasakyan namin sa isang magarbong bahay. Grabe ang laki. Manghang-mangha ako habang pinagmamasdan ang napakalaking mansyon sa aking harapan. Nanghuhula tuloy ako ngayon kung kanino sa mga barkada ni kuya ang bahay na ito. At ito rin ang unang beses na makikilala ko ang mga kaibigan ni kuya. Bukod kasi kay Storm ay wala na akong kilalang mga kaibigan ni Kuya Flin. Madalas kasi kapag na sa bahay sila tumatambay lagi lang akong nagkukulong sa kwarto ko at lalabas lang ako kapag nakauwi na silang lahat. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit ngayon ko lang nakilala ang gwapo na si Storm.

Inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan nang lugar. May nakita akong sobrang lawak na garden na punong-puno nang ibat-ibang bulaklak. May fountain sa gitna nito at bukod sa kotse ni kuya Flin ay may mga nakaparada ding ibat-ibang mamahaling sasakyan sa tapat.

"Let's go inside for sure we're waiting for us." Kuya Flin said at nauna na sa akin maglakad.

Malawak ang ngiti kong sumunod kay kuya Flin. He was about to push the door bell when he suddenly stopped. Humarap si kuya Flin sa akin na naka kunot ang kaniyang noo.

"Bakit kuya may problema ba?" Tanong ko kay kuya Flin, na ngayo'y kumakamot na sa kaniyang ulo.

"Oo bunso. Nakalimutan ko 'yung ipinabili sa akin ni Storm kagabi." Sagot ni kuya.

I shrugged. "Anong plano mo kuya? At teka gaano ba ka-importante 'yong ipinabili ni Storm?" Tanong ko ulit kay kuya.

"Basta bunso hindi na importante kung mahalaga 'yon o hindi. Babalik ako sa bahay para kunin 'yon." Sabi ni kuya Flin sabay abot sa akin nang gitara niya. "Iyan ipasok mo na'yan sa may loob. Mauna ka na doon at pakisabi sa kanila na umuwi lang ako saglit. Babalik din ako agad." Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi ni Kuya.

Ako papasok mag isa sa loob nang napakalaking mansyon na ito. Ayako nga! Baka mamaya mapagkamalan pa akong kawatan o sindikato. Masyado akong maganda para mapagkamalang kriminal.

"K-kuya ayokong pumasok mag-isa at isa pa hindi ko naman sila kilala." Nakanguso kong sabi kay kuya Flin.

"Don't worry bunso, kahit mga tarantado ang mga kaibigan ko mababait naman sila. At isa pa kilala ka nila." Sabi ni Kuya Flin habang nakahawak sa pareho kong pisnge. "Sige na aalis na ako, babalik kaagad ako. Okay?" Sabi ni kuya Flin at kumaripas na nang takbo. Aangal pa sa na ako pero sobrang layo na nito sa akin.

Isinukbit ko sa aking balikat ang gitara ni kuya Flin. Kailangan kong mag doble ingat sa paghawak nito dahil world war ang aabutin ko kapag nagasgasan itong bago niyang gitara.

Humarap ako sa dambuhalang pintuan na nasa harapan ko. bumuntong hininga ako nang malalim. Sure na ba? Papasok na ba akong mag-isa sa loob? Napaisip ako. Ano kayang mayroon sa loob. Maabutan ko kaya silang nagwawala o baka mayroon silang ginagawa na hindi ko dapat makita?

Napasapo ako sa aking noo. Ghad! Camilla kailan ka pa naging manyakis?

"Nandito ka na pala?"

"Ayy, mukhang puwet nang kalabaw!" Halos nagulat kong nasabi. Muntikan pa akong ma-out of balance kung hindi lang agad ako naagapan.

Dahan-dahan akong nag angat nang tingin sa kung sino man ang gumulat sa akin. Halos kumalabog nang malakas ang puso ko nang masilayan ko ang gwapo nitong mukha. Gosh! na sa langit ba ako? Bakit may anghel sa harapan ko?

"Are you okay?"

Gosh! kahit ang boses niya ang gwapo.

"Hey, are you okay?" Tanong niya ulit.

Bumalik ako sa katinuan at umayos ako nang tayo. Inayos ko ang nagulo kong damit. At nahihiya akong tumingin sa kaniya.

"Ikaw ang kapatid ni Flin, right?"

Until I Make You Mine (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon