Chapter 3

294 21 2
                                    

Gulat akong napatingin sa harap nang tawagin ako ni ma'am.

"Kindly solve this problem Ms. Saavedra"  Sabi ni ma'am.

Napipilitan akong tumayo at pumunta sa harap.

I hate math!

Bakit kase hindi ka nakikinig Avi?!

Nakailang ulit na ako ng basa sa problem pero wala talaga. Ni hindi ko nga maintindihan yung mismomg sentence.

Bakit ba naman kase ang problema ni George ay dapat problemahin ko rin?

It's not like tutulungan niya rin ako sa mga problema ko!

"Just find the value of 'x'. It's as simple as that" Sabi ni ma'am nang hanggang ngayon ay wala pa rin akong sinusulat.

Kinakalimutan ko na nga si ex, pinapaalala mo pa po.

The answer is number 75.

Napatingin sa buong classroom ng may bumulong sakin. 

Minumulto na ata ako!

It's me,Tyler.

Bulong ulit niya kaya napatingin agad ako kay Tyler. 

Napangiti ako when he winked at me at confident na sinulat ang sagot at ang solution na siinasabi niya.

Magaling Tyler!

"At dahil diyan, ipag luluto kita" Bulong ko sakaniya pagkabalik ko sa upuan ko.

Nginitian niya lang ako at hindi na ako sinagot.

Pinigilan ko ang pagtawa nang makita ang reaksyon ni ma'am. 

Parang may isang 'miracle' ang nangyare. She looks so proud dahil ang akala niya ata ay may natutunan na rin ako sa wakas.

It's so funny pero nakaka-guilty rin.

Naaawa ako sa mga teachers ko, bakit kase ang bobo ko, tamad pa.

Pero sa totoo lang, sinasadya ko iyon. As what I've said earlier, masyado akong perpekto.

Kailangan ko ring magka bad quality!

Pasado naman ako. Okay na yun.

Ako na ang mag papaubaya.


"Ayan" I said nang inilapag ko ang plato sa harap ni Tyler.

Ito na yung niluto ko, proud ako diyan!

"Hotdog at itlog lang naman pala yung niluto mo, nagyayabang ka pa" Nakasimangot na sabi ni Tyler. 

Excited kase talaga siya kanina, ngayon naman ya muka siyang disappointed.

"Hoy ikaw nga kauna-unahan kong nilutuan eh! Yung parents ko nga hindi ko napapakain ng luto ko. You should feel honored, hindi yung nagrereklamo ka pa" Sabi ko habang naka-crossed arms.

Hindi siya sumagot at kumain nalang.

"Anong lasa?" Tanong ko.

"Lasang itlog at hotdog malamang" Masungit niyang sagot.

Magagalit sana ako pero na-realize ko na tama naman siya.

Ano pa ba ang ine-expect kong lasa?

Binuksan ko yung pinto nang may kumatok.

Andito na yung order ko!

Binigay ko na kay kuya yung bayad at umupo sa harap ni Tyler para kumain na.

Lalo siyang napasimangot nang makitang umorder ako ng sarili kong pagkain.

"Is it really a reward? Why do I feel like it's a punishment?" 

My Soulmate is the DevilWhere stories live. Discover now