Una

44 3 0
                                    


Greg is sitting on his swivel chair, checking the papers that was delivered on his office table last week. Kakabalik pa lang nito sa kaniyang opisina dahil umattend siya nang kasal ng kaibigan na si Andrey.

Maaga pa lamang ay umiinit na ang kaniyang ulo. Parang ayaw niyang tapusin ang bawat papeles na pinipirmahan.

" Oh fuck!" he cursed.

Malulutong na mura ang kaniyang sinasambit sa bawat papeles na tsinitsek nito. Napahilot siya sa kaniyang sentido at isinandal ang ulo nito sa kaniyang upuan.

Ilang segundo pa ang lumipas ay mabilis siyang umayos ng upo at binuksan ang kaniyang kompyuter. He hacked the woman na gumugulo sa kaniyang isipan.

" You're in my building, huh?" he smirked.

Sinubaybayan niya ang bawat galaw nito.

Naihilamos ni Greg ang kaniyang palad sa kaniyang mukha nang mapansin ang pakikipag-usap ng dalaga sa ibang employee nito. Kumuyom ang kamao niya sa bawat pag-ngiti ni Maecel sa ibang lalaki.

“ That motherfucker would leave this building immediately!” inis na sambit nito sa loob ng kaniyang opisina. “ You shouldn’t smile to that man, Grazie. It’s only me,”

Mabilis niyang pinatay ang kompyuter at inayos ang sarili bago bumaba sa lobby. Naabutan pa rin niya ang babae na nakikipag-usap sa lalaki kanina kaya umigting na naman ang kaniyang panga. Madilim ang mukha nito at seryosong lumapit sa dalawa na kanilang ikinabigla.

“ Nariyan po pala kayo, Sir Greg.” usal ng lalaki sa kaniyang amo.

Tumaas lang ang kilay ni Greg nang hindi mawala ang ngiti sa labi ni Maecel. “ What the hell are you two doing? Oras ng trabaho, narito kayo at nagkwekwentuhan,” malamig na sermon nito sa dalawa.

Napayuko na lamang ang dalawa. “ P-pasensya na po, S-sir… may pinag-uusapan lang tungkol sa trabaho.” mahinang usal ni Maecel ngunit sapat na iyon para marinig ng amo.

Namulsa si Greg, “ In my office. NOW!” he said before walking out in front of them.

Samantala, napaisip naman si Maecel kung bakit ganon ang asta ng kaniyang amo. Hindi naman ganoon ito noong kasal ng kanilang kaibigan. She just shrugged her shoulder at tumingin sa lalaking kausap bago magpaalam.

Sumunod siya sa kaniyang amo sa opisina nito. Nang makarating sa pinto ng harap ng opisina ni Greg ay kumatok si Maecel rito.

“ Come in,” baritonong sambit ni Greg.

Pumasok si Maecel at nalanghap ng kaniyang ilong ang panlalaking amoy sa opisina ng kaniyang amo. Isinara niya ang pinto bago lumakad patungo sa harapa ng table ni Greg.

“ Ano ang kailangan niyo, Sir?” matatag na tanong ni Maecel.

Nanatili lang ang tingin ni Greg sa dalaga tila ino-obserbahan ang bawat pagbuntong hininga nito.

“ Kinakabahan ka ba?”

Nabigla si Maecel. “ H-hah?”

Ngumiwi lang si Greg at biglang sumeryoso ang mukha nito na siyang ikinataka ni Maecel. Walang nagsalita sa paglipas ng ilang minuto. Nanatili lang nakatayo ang dalaga kahit ang totoo ay gusto na niyang sigawan ang kaniyang amo.

“ Get out,” bulalas ng kaniyang amo.

Napalabi naman si Maecel at kinunutan ng noo ang binata. “ What the hell?” inis na bulyaw niya sa mismong amo.

“ What?”

Umirap lamang ang dalaga sa binata. “ Pinapunta mo lang ako rito para palabasin? Napakawalang hiya mo naman, Sir.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaire's Possession (on-going)Where stories live. Discover now