Prolouge

16 0 0
                                    

****

"Pansin ko sa'yo, Roy. Panay ang tingin mo kay Tatin? May gusto ka ba sa kanya?" Prankang tanong ni Bogz dito.

Agad napahinto si Tatin sa pagbukas ng gate nila Roy. Kaarawan ni Marie nang araw na iyon at may kaunting salu-salo. Sobrang excited pa naman niyang erampa ang damit na bagong bili nilang dalawa ni Marie. Medyo lumapit pa siya ng kaunti sa gate para marinig niya ang sagot nito.

"Oo nga, Roy. Pansin din namin 'yun. Kapag hindi nakatingin si Tatin ay nakatitig ka sa kanya." Pahabol namang saad ni Benz.

"Tama." Pag sang- ayon naman ng tatlong sina Rafael, Brizon, at Jack. Napangiti siya sa sinabi ng mga kaibigan. Sulit pala ang ginawa niyang effort, naisip niya.

"Ako? Pwede ba guys. You knew me very well. Ayoko sa maarte at kung kumilos ay katulad ng kapatid kong si Marie. Gusto ko ay 'yung katulad ko rin ang hilig. Ayoko nang dumagdag pa ng isang Marie na maarte rin na katulad niya. Ang sakit sa ulo. Tama na ang isa, noh?" Mahabang saad nito.

Ang matamis niyang ngiti ay unti-unting nawala. Hindi na niya narinig kung ano ang sinabi ng kanyang mga kaibigan. Iniimagine niya ang hirap na pinagdaanan para lang magustuhan nito. Pero ang ending, balewala lang pala lahat iyon dito. Napahawak siya sa kanyang bagong gupit na bangs na pinasadya pa niya talaga para lang dito. Uso kasi ito sa kanilang barangay. 'Wa epek rin pala.

Ang sakit sa BANGS!!!

T A T I A N AWhere stories live. Discover now