Chapter 1

9 1 0
                                    

"Tatiana! Magpakatino ka naman. Act like a lady. At pwede ba, habang maaga pa ay iwasan mo na iyang mga kaibigan mong lalaki. Hindi mo ba alam kung ano ang mga ginagawa nilang kalokohan?" Sermon nito sa kanya.

Ang aga-aga yun na agad ang inalmusal niya. Well, wala rin namang bago. Iiyak siguro ang araw kapag hindi siya na sermonan nito.

"Ma, ito po talaga ako. At saka mas mapagkakatiwalaan naman po sila kesa sa ibang lalaki diyan na maporma pero nasa loob naman ang kulo. Take note, wala silang bisyo kaya safe na safe ako sa kanila,pero basagolero nga lang. Atleast yun lang ang ginagawa nila. At saka anung gusto mo ma? Makipag kaibigan ako sa mga kababaihan dito sa atin?" Sagot niya dito saka umupo sa hapag kainan at sumandok ng fried rice.

"Natural! Babae ka kaya dapat babae din ang mga kaibigan mo hindi mga lalaki. At tingnan mo nga iyang suot mo. Jersey pa iyan ng papa mo at t-shirt niya." Parang nalokang saad nito.

"Don't you know that this is the new trend? At saka mas comfortable ako sa ganitong damit. Anung gusto mo? Gayahin ko rin ang mga suot nila na halos kita na ang singit sa ikli ng shorts? Di bale nang ganito ang suot ko, ma."Giit niya.

"Kung buhay lang ang papa mo ngayon, siguradong naliligo ka na sa kurot sa singit mo. At hindi ko sinabing magsuot ka ng maikling shorts. Ang akin lang 'yun normal na damit pambabae o di kaya ay magbistida ka." Pagdidiin nito.

"Ma, maiintindihan ako ni papa for sure."  Mayabang niyang saad. Which is partly true, papa's girl kasi siya. "At saka, nakakangilo ang magsuot ng bestida ma. Parang tingin ko laging may nakasunod sa akin. At aalis nga pala ako ngayon ng maaga kasi may practice pa kami." Paalam niya pagkatapos.

"Maghanap ka kaya ng matinong trabaho at nang hindi ang pag ba-basketball ang inaatupag mo." Mungkahi nito. Nakapagtapos kasi siya ng kolehiyo sa kursong Education. Pero wala pa kasi sa plano niya ang humarap sa mga bata. Parang hindi pa niya kayang mag handle ng grade school.

"Don't worry, ma. Darating din tayo diyan pero sa ngayon pag ba-basketball muna ang aatupagin ko. Sayang din 'yun malapit na ang pa-liga ni Mayor dito sa atin at malaki ang premyo ma." Saad nito saka nagmamadaling tumayo at umalis bago pa siya mapalo nito sa pwet. Napailing nalang ang naiwan niyang ina. Hiling nalang niya para dito ay makatagpo ito ng taong makakapagpatino dito.

'
"Hulaan ko? Nagtalo na naman kayo ng mama mo, noh? Pero kailangan pa ba naming hulaan, kung kita naman talaga sa nakabusangot mong mukha. Nagmukha ka tuloy matanda." Pang aalaska ni Bogz sa kanya pagdating niya sa gym.

"Sige, asarin niyo ako at talagang iiwan ko kayo dito." Banta niya.
"Hindi naman sa inaasar ka namin, Tat. Baka nga tama ang mama mo. Maybe you should act like a lady. Baka hindi kana makapag asawa niyan." Dagdag na saad ni Rafael.

"Nagsalita ang mga taken. Mas matanda pa nga kayo kaysa sa akin e. At hanggang ngayon wala akong nabalitaan na may nobya kayo." Biro niya sa mga ito.

"Alam mo kasi Tat, kaming mga lalaki kahit kailan kami mag-aasawa ay okay lang. Pwera sa inyong mga babae kapag nalipasan na kayo ng tagsibol ay tagtuyot ang kahahantungan." Natatawang saad ni Jack.

"Hindi ako nagmamadali at one more thing, i'm still young to be in a relationship. Gusto ko pang e enjoy ang pagiging single." Giit niya. Pero napangiwi rin sa huling sinabi.

"Anong bata? 23 ka na uy! Napag iiwanan kana nga sa mga kaedad mo dito sa atin." Ani Bogz.

"Teka nga muna! Nandito ba tayo para pag-usapan ang buhay ko?" Sansala niya.

"Hindi! Pero minsan kasi kailangan mo ang mga words of wisdom na galing sa mga gwapong tulad namin." Saad ni Britz nang nakangiti.

Oo nga, mga gwapo silang lahat. Si Bogz, Rafael, Jack, Benjie at si Britz. Kaya minsan rin akong napatanong noon kung bakit wala silang mga nobya. Na baka nga closet queen ang mga ito at hindi pa handang lumantad. Ngunit ang ganoong pagdududa ay nawala rin kalaunan nang makilala ko pa sila ng husto. Sadyang pihikan lang talaga ang iba sa kanila at ang ilan naman ay may mga personal reasons.

T A T I A N AWhere stories live. Discover now