Chapter 17

633 40 13
                                    

Thalia Pov

Everytime na kasama ko sya pakiramdam ko buong buo ako hindi ko ma explain yung pakiramdam ko sa tuwing kasama ko sya yung mga bagay na nag papalito at nag papagulo sa buhay ko ngayon pakiramdam ko sya na yung solution kung pano ako mabubuo at makukuntento.

Are you alright?.

Sibyl ikaw pala, Anong ginagawa mo dito?.

Visiting my girlfriend namimiss ko na kasi sya. Naka ngiting sabi nya sana totoo na lang talaga ang lahat ng to hindi ko din alam kung pano ko sasabihin sa kanya na kinausap ako ni Miss Avery natatakot ako sa point na kapag umamin na sila sa isat isa malalayo na sakin si Sibyl, natatakot aKo na baka hindi na muli kaming mag kasama ni Sibyl.

Hey babe ok ka lang ba?. Sinapo nya ang noo ko kaya naman natigilan ako sa pag iiisip isip ko.

Ok lang ako Sibyl, bakit ka pala nandito tapos na ba ang trabaho mo?.

Don't mind my work babe tapos na lahat ng yun bago pa ko pumunta dito. Kindat ngiti nyang sabi.

Good so wala ka ng gagawin ngayon?.

Actually meron... kasoo...Ouchhhh..

Hindi ko na sya pinatapos mag salita dahil kinurot ko sya sa tagiliran nya pano may gagawin pa pala sya tapos pinuntahan pa ko dito.

Ang sakit naman nun babe huhu.

Anong ginagawa mo dito kung may gagawin ka pa pala.

Inirapan ko na lamang sya at pasimpleng umakting na may kinakalikot sa laptop ko.

Hindi mo kasi ako pinatapos mag salita ih huhu ang sakit tuloy ng tagiliran ko.

Umakto pa syang sumasakit yung tagiliran nya kaya naman napa lingon na ko sa kanya dahil mukang napa lakas nga yung pag kurot ko.

Sorry masakit ba?.

Tinaas ko bahagya yung tshirt nya para makita yung kinurot ko sa kanya at namumula nga yun.

Sorry ikaw kasi ih.

Tumingala ako sa kanya para makita sya dahil hindi sya umiimik, dun ko lang napansin na naka tingin na din pala sya sakin hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naka titig sa isat isa dahil ako mismo ay ayuko na din mag bawi ng tingin dahil sa mga oras na to ang gusto ko lang gawin ay titigan ang mga mata nyang yun at tanungin kung bakit ganto ang nararamdaman ko sa kanya dahil ako mismo ay hindi ko na maitago ang saya at pananabik dito sa puso ko sa tuwing nandito sya sa tabi ko.

What are you doing?.

Natauhan na lamang ako ng may mag salita sa likuran ni Sibyl dahilan para tanggalin ko ang kamay ko sa laylayan ng tshirt nya.

Miss Avery ikaw pa..___

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang hinawakan ni Sibyl ang kamay ko hindi ko alam kung anong dahilan nya kung bakit nya ginawa yun tumingin naman ako sa kinatatayuan ni Miss Avery na ngayon ay naka tingin na rin sa mga kamay naming ni Sibyl na mag kahawak.

Avery... ikaw pala may problema ba?

Tanong ni Sibyl ewan ko kung san sya nakakakuha ng lakas na loob para mag salita pa at take note ha bakit nya pa kaylangang hawakan ang kamay ko.

Nothing, dinaanan ko lang si Ana and wala sya dun sa office nya kaya pumunta ako dito kay Thalia kung nandito ba sya.

Habang sinasabi ni Miss Avery yun ay hindi parin nya inalis ang tingin nya sa mga kamay namin ni Sibyl na mag kahawak.

Be my Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now