Chapter 22

269 30 11
                                    

Thalia Pov

             "Love is love, pag ang mahal mo ay iba ang gusto hindi mo naman sila pwedeng pilitin na mahalin ka nila pabalik ang mahalaga masaya sya sa taong pinili nya"

Gulong gulo ang isip ko ngayon dahil sa nangyare nung isang araw, tama ba na magulo ang isip ko ng ganito hindi naman tama kung tatlong tao ang nag papagulo sa buhay ko ngayon, dahil simula nung nangyare dun sa bar at sa pag alis namin ni Tricia papunta sa rest house nila ay dun din pala mag uumpisa na kulitin ako ng babaeng yun..

Kasalukuyan akong nag xexerox ngayon at mukang wala na nga sa ayos ang ginagawa ko.

Ayos ka lang dyan gurl?..

Tanong ni Ron na ngayon ay naka pamewang na sa harapan ko hindi ko eto inimik at nag patuloy na lang sa ginagawa ko.

Hoy babae nakakaloka ka ang dami naman nyan para saan mo gagamitin yan?.

Tinignan ko ng maayos ang ginagawa ko at totoo nga mukang napa dami ko nga ang pag xerox sa sampong ixexerox ko.

Iniisip mo na naman ba sya? .

Lumingon ako kay ron upang tignan kung anong magiging reaction nya sa sasabihin ko.

Actually Ron na guguluhan na ko, alam mo yung feeling na anytime nandyan lang sya sa tabi tabi pero kahit anong gawin kung iwas etong traydor na puso ko at nararamdaman ko hindi sya maka limutan.

Thalia isip mo na lang may iba syang gusto kesa naman nag kakaganyan ka at look Si Miss Tricia diba nang liligaw na yun sayo how about Seah na matyaga din nag hihintay sayo, So walang dahilan para matulaley ka dyan  at mag mukmok dahil in the first place maraming nag hahabol sayo..

Totoo naman ang sinabi ni Ron wala akong problema dahil marami talagang nag hahabol sakin pero tama ba na hayaan ko sila kahit ibang tao ang nasa isip at puso ko.

Thalia wag mong masyadong saktan yang puso mo pag bigyan mo yan dahil hindi lang naman iisa ang tao sa mundo, ikaw din.

Tama si Ron dapat ko na bang buksan ang puso ko sa iba?, ang hirap mag decide dahil ayuko na muling masaktan .

Ano na naman bang problema?.

Nagulat pa ako ng bigla na lang may umakbay sakin at basta basta na lang papasok sa topic namin ni Ron wala talaga akong ligtas sa mga kaibigan ko.

Pag sabihan mo nga yang kaibigan mo iniisip na naman yung maling tao.

Pag katapos ni Ron sabihin yun ay agad din etong umalis sa harapan namin at pumunta na sa kanyang table.

Totoo ba?.

Hindi ako agad lumingon kay Ana dahil hind ko alam kung san ako huhugot ng lakas para sabihin yun sa kanya.

Kaya pala kanina kapa tahimik, move on na Thalia may mahal syang iba at kahit san pa natin tignan mas mahal nya yun at wala kang laban dun.

Nanatili parin akong naka tulala at nakikinig sa sinasabi ni Ana totoo naman yung sinabi nya ih wala naman talaga akong magagawa.

Maya maya pa ay biglang nag bukas ang main door at iniluwa nun ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang buksan ang puso ko sa iba ang taong dahilan ng pag kalito ko.

See masaya sya sa pinili nya halata naman sa muka nya.

Kitang kita ko kung pano gumuhit ang masayang awra sa muka nya habang papasok ng Agency kasama si Miss Avery, naramdaman nya siguro na parang may naka tingin sa kanya kaya hindi eto nag atubili na tumingin sa dereksyon ko .

Be my Fake GirlfriendWhere stories live. Discover now