Chapter 5: Alexander Family

24 11 0
                                    

Sa pagpapatuloy ng kasalukuyan

Ashlie POV

It's been a 1 month nung inalok niya akong maging girlfriend niya pero nung araw na ding iyon ay agad siyang bumalik ng America para ayusin ang bussiness niya.

Kaya ko nalaman dahil sa kaibigan kong si Elamae at nalaman ko din totoo lahat ng sinabi niya sakin na ultimate billioner siya , ang mas nakakagulat ay kapatid ni Elamae ang mokong iyon este lalaki yon,
siya pala yung palaging kinukwento niyang successful brother niya sakin,

Ang tanga ko nga sa part na di ko namalayang parehas sila ng apelido ng lalaking yon.

Kung tinatanong niyo kung sino yung lalaki? siya lang naman ang antipatikong lalaki nasa parking area, siya din ang lalaki nung gabing umuulan, walang iba kung di si
King Draven Emperial or King Alexander Draven Emperial. Diba haba ng pangalan?

Dahil sa kwento ko sa kanya ng mga nangyari, ayun doon na nagumpisang ikwento ang magulo niyang pamilya.

Ang kwento niya sakin ang mommy at daddy nila ang nangunguna sa pinakamayaman sa bussiness world, lalo itong lumakas ng magpakasal ang dalawa, ang grandfather nila ang pinaka nangunguna sa bussiness world so it's mean that may tatlong company sa story ang sa dad, mom and lolo nila.Sa hindi malamang dahilan naghiwalay at nagkasiraan ang dalawang mag-asawa dahil baka daw sa mortal enemy nila, hindi na daw nagkaroon ng pagkakataon magkausap at magkaayos ang dalawa, kaya si Draven ay kinuha ng mommy niya at si Elamae ay sa Daddy niya, dahil panganay si Draven siya ang magmamana ng sa lolo nila at ang kay Elamae ay sa Daddy niya.

Sorry napakwento na ko back to reality na tayo

Btw si Ellamae Emperial ay nag iisang pinaka totoong kaibigan ko, siya din tagapagligtas ko, napakatapang nga non kaysa sakin, kung ako ay palaban at matapang ibahin mo siya dahil triple sa kanya.

Saturday ngayon tinatamad akong lumabas ng kwarto dahil sa sinabi sakin ni mama kahapon na ipapakasal daw ako sa Billioner hysssss, utak ko sasabog na Uhhhh!!!
Nung nakaraang buwan yung lalaking umuulan tapos ngayon yung kasal. Akala ko tahimik na buhay ko pero hindi pala, Iniwan lang ako ni kamalasan saglit tapos bumalik naman, hindi sa totally na kamalasan ang bigyan ng trabaho pero yung kasal huhuhu bata ko para ikasal.

Kwinokwento ko na din kay mama ang nangyari nung isang buwan at nalaman na din niyang di ko bf yung lalaking kumausap sa kanya.

*kring* *kring*

Caling bhess

("Hello bhess lee samahan moko shopping tayo bukass pleaseee") saad niya sa phone

"Cge may kwekwento din ako sayo kase na istress na ko" tungon ko

("Cge bukas 7am sunduin kita sa inyo") sambit niya saka ako binabaan ng phone

*tok* *tok*

"Lee anak kakain na tayo bumaba kana" pa-anyaya sakin ni mama

"Cge ma magaayos lang ako at maliligo" tugon ko kay mama

"Bilisan mo" sabi sakin ni mama at ngumiti lang ako bilang sagot.

1 hour past

"Tagal mo maligo Lee" reklamo ni mama na mayroong pang asar.

"Ma syempre kaylangan alagaan skin heheheh" sabi ko sabay tawa kaming dalawa,

Sa gitna ng kwentuhan ay may siningit si mama na bagay na dahilan ng pag ka istress ko.

"Anak pinapatawag ka ng kaibigan ng lolo mo may paguusapan daw kayo" sambit ni mama sakin

"Cge ma anong oras at saan?" tanong ko kay mama, gusto ko ding itanong sa kaibigan ng lolo ko kung bakit may kasal pa kaya di na ako tumutol.

Kapag tapos naming mag almusal ni mama ay nagpaalam na ko dahil mamaya na iyon sa isang restaurant..

forward.....

Nandito na ako pinto ng restaurant at may sumalubong saking babaeng staff

"This way ma'am" sabay turo ng daan, pumasok ako sa isang private room at bumungad sakin ang isang matandang lalaking may kasamang apat na boyguard at isang secretary.

"Nice to meet you sir I am Ashlie kim Alvarie po" magalang na bati ko sa matanda

"Have a sit" alok ng matanda. agad ko naman itong sinunod.

"Alam mo na siguro ang pinunta mo dito ija?" tanong niya sakin

"I'm not sure po, sabi kasi ni mom gusto mo po ako makausap" magalang at nakangiting tugon ko.

"By the way, you can call me tito Emman" sambit niya habang nakangiti.

Umorder na muna kami bago ulit magusap

"Nandito ka dahil gusto kong bumawi sa kababatang kaibigan ko at dahil wala na siya, ikaw na lang ang bibigyan ko ng trabaho." paliwanag sakin ni tito Emman

"Tito Emman ano po bang trabaho ang gusto niyong ibigay sakin?" tanong ko dahil baka kasi kung ano na.

"P.A" simpleng sagot ni tito Emman

Hindi na ako sumagot at nagsimula na kaming kumain.

"Information form yan basahin mo bago pirmahan kung gusto mong may idagdag sabihin mo lang" sabay lapag ng secretay ni tito Emman ng papel sa harapan ko.

"Owh MY 500 THOUSAND Per WEEK?" di ko maiwasan magulat dahil sa nabasa ko sa form

"Is anything problem iha?" tanong sakin ni tito Emman.

"Gusto mo bang gawin kong 1 million pero week?" tanong ulit niya sakin na agad nagpabalik sa aking sarili

"Hindi po sobra sobra po kasi ang 500 Thousand per week, ayos naman po sakin ang 40k per week kahit po per month pa po" saad ko sa kanya.

Tinawanan lang ako ni tito Emman kaya nahiya tuloy ako.

"Ano ka ba ija, janitor lang ang sumusweldo ng 40k per month" nataatawang saad niya sakin, pero ako gulat na gulat sa sinabi niya sakin.

"Kung ganon po mag janitor na lang po ako" nahihiyang saad ko.

"Silly girl, ija magiging fiance mo ang apo ko tapos mag jajanitor ka?" nabigla naman ako sa sinabi ni Tito Emman buti na lang na alala ko yung tunay na pakay ko.

"Tito pwede po bang wala ng kasal?" nahihiyang sambit ko.

"Ija kapag nagpakasal ka sa apo ko kalahati ng mamanahin niya ay sayo mapupunta" Pagkumbinsi sakin ni tito Emman.

"Pero tito di ko po kaylangan ng kayamanan, gusto ko pong magpakasal sa taong mahal ko at mahal din ako" Pagpapaliwanag ko ng mahinahon.

"Wala kang pinagkaiba sa granpa mo, pero dahil sa sinabi mo mas lalong kitang na gustuhan para sa Apo ko" saad ni tito Emman

"Pero bakit po ako? pwede naman pong iba na lang?" tanong ko ulit.

huminga ng malalim si tito at saka nag salita.

"Wala akong mapagkakatiwalaang iba kundi ikaw lang at ang lolo mo, pinabackground check kita, nalaman kong interesado ka din sa bussiness kaya alam kong magiging succesful ka someday, matalino ka. maganda, mabait, nasa iyo na lahat ng hinahanap ko para sa apo ko at gusto ko din iligtas ang apo ko sa walang kwentang girlfirnd niya" mahabang salaysay ni tito sakin.

"Kaya please para sakin pumayag ka" pagmamakaawa ni tito sakin, ramdam ko ang lungkot niya sa mga salitang binitawan niya.

"Cge po para sa inyo gagawin ko, pakiramdam ko po kasing may malalim ka pong dahilan na ayaw mo pong sabiihin" deretsong sagot ko, napawi naman ang lungkot ni tito Emman

"Salamat sa pagintindi ija" seryosong sambit ni tito.

"Walang anuman po" saad ko

Nagsimula na kaming mag kwentuhan ni tito ng kung ano ano at dahil don ay mas lalo pa namin nakilala ang isat isa.

💗💗💗💗💗

THANKS FOR READING
God bless

 Greatest Love Reward (On Going)Where stories live. Discover now