Chapter 5: Application

3.3K 165 21
                                    

Lei's POV

Tinutulungan ko si Rina sa pag hahanda ng hapunan dito sa dining area. Isa sya sa mga kasambahay dito sa bahay ni Jennie. Mabait silang lahat, pero mas kasundo ko si Rina kasi halos magkasing edad lang kami.

Isang linggo na halos nung dito ako tumira sa bahay ni Jennie. Hindi na rin ako nakarinig ng kahit na ano tungkol kay Tatay.

Madalang kong makita si Jennie dito sa bahay, sobrang busy'ng tao daw nun sabi ni Yaya Nimfa. Sa pananatili ko dito ng isang linggo, medyo nasasanay na rin ako. Tumutulong ako minsan sa mga gawaing bahay pero madalas ayaw nila akong payagan dahil baka sisantihen daw sila ni Jennie. Hindi ko gets kung bakit pero sumusunod na lang ako kesa naman mawalan silang trabaho.

"Pero pangarap ko talagang makapag aral. Yun nga lang, hindi kaya ni Nana na pag aralin ako." Sabi ni Rina habang naglalagay ng baso. 

"Bakit hindi mo sinubukan mag working student?" balik tanong ko sakanya habang inihahain ko naman ang mga ulam. Kare-kare at adobong manok na maraming patatas. Request daw ni Jennie.

"gusto ko sana kas~~"

"Oh, tapos na kayo Rina?" pagputol ni Yaya Nimfa sa sinasabi ni Rina.

"Patapos na din po, ya." sagot ko sakanya.

"Naku, hija, hindi kana dapat tumulong dyan. Baka makita ka ni Summer at tyak na magagalit yun."

"Hindi naman po siguro. Tsaka bakit naman ho sya magagalit? Tumutulong lang naman ho ako kasi wala din naman akong ginagawa."

"Basta, sumunod na lang tayo." Sagot sakin ng matanda at kinuha sakin yung hawak kong mangkok na may lamang ulam.

Sya namang pag pasok ni Jennie dito sa dining area.

Mukhang kararating lang din nya galing trabaho dahil nakasuot pa sya ng pang opisina. Hindi ko maiwasan na pag masdan sya.

Maputi ang mga balat nya. Mukhang malambot kahit hindi mo mahawakan.Yung mukha nyang sobrang kinis, na mismong tigyawat na ata ang mahihiya na tumubo sakanya. Ang mga mata nyang parang mata ng mga pusa at mga labi nyang mapupula kahit walang lipstick. Mukhang masarap din halika~~~ ayst ano ba tong iniisip ko. Nakakahiya ka Lei.

"Earth to you, lisa." doon lang ako parang natauhan nung nag snap sya sa harap ko. "h-ha?" jusko. Parang gusto kong batukan yung ulo ko sa nasagot ko sakanya. Nahuli nya ata akong nakatulala sakanya. Sya at ang magulang ko lang ang tumatawag sakin ng 'Lisa'. Kahit sabihin kong 'Lei' na lang ang itawag nya sakin ay hindi naman nya ako sinusunod. Pag gusto nya, gusto nya. Kaya naman Jennie din ang tawag ko sakanya. Mas bagay yun sakanya kesa sa 'Summer', mainitin na nga ulo nya, mainit pa pangalan nya.

"You're zoning out again. Are you ok?"

"a-ah oo, o-ok lang ako."

Wala na syang sinabi at naupo na sya sa kabisera ng pang labing dalawahang lamesa. "tutunganga ka na lang ba dyan o uupo ka?" parang nauubusan nyang pasensya. Umupo na lang din ako sa bandang kanan nya.

Isa pa 'to, iba ang pakikitungo nya sakin kumpara sa mga kasambahay. Dapat nga ay inuutus utusan nya din ako dahil pinang bayad utang ako sakanya ng tatay ko. Dapat pinapahirapan nya ako pero hindi ganun ang nakikita ko. Masungit ang tingin sakanya ng iba pero hindi ganun ang nakikita ko. Madalas lang syang naka poker face na akala mo ay walang pakielam sa paligid nya.

Kahit sa pagkain ay may postura pa rin sya. Nakakahiya, samantalang ako ay subo lang ng subo minsan.

Patapos na sana kami kumain ng biglang may mga dumating na tatlong mga nag gagandahang nilalang.

Carrying The Billionaire's Baby (GxG) (Completed)Where stories live. Discover now