Chapter 1

1.5K 63 3
                                    

Louise Averille

Dahan dahan akong naglakad papunta sa lugar kung saan kasamang nawala ang mga pangarap ko. Para sa akin, ito ang lugar na sumira sa aking kahapon na pinagdurusahan ko ngayon. Ang rason kung bakit sobra akong nasaktan at nalungkot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaahon sa ala-ala ng kahapon at sa sakit na idinulot nito sa akin.

Ilang sandali pa ng marating ko ang kanilang kinahihimlayan ay napatingala ako sa langit.

Are you guys up there and looking down at me?

I close my eyes as memories started to flash back. Lahat ng ala alang meron sila sa akin puro masasaya hanggang sa mangyari ang isang malagim na trahedya.

Ako lang ang nakaligtas sa araw na iyon dahil nakatakbo ako. Ang dalawa kong kambal na kapatid ay namatay din. Si Jasper at Jaxon kasama ang mga magulang namin.

Hinaplos ko ang aking dibdib at dinama ang markang nakatatak dito. Nakalimutan ko na ang hapdi ng masaksak ako pero ang sakit ay naiwan sa puso ko. Isang pilat ng kahapon na siyang gusto kong ipaghiganti. Gusto kong maranasan ng mga taong may gawa sa amin nito ang naranasan kong sakit, pangungulila, trauma at higit sa lahat ay ang kawalan ng minamahal sa buhay.

Hindi ko mapigilang mapaiyak at tinakpan ko ang aking mga tenga. Bumabalik sa akin ang ala-ala ng paghingi ng mga kapatid ko ng tulong pero wala akong nagawa. Gabi gabing napapanaginipan ko ang bangungot na iyon. Kadalasan ay naririnig ko pa rin ang hinagpis nila. Ang mga sigaw at pagmamakaawa.

My whole family was murdered. We were massacre that night. Swerte lang talagang nakaligtas ako pero hindi ang buong pamilya ko.

Napaluhod ako sa harapan ng kanilang mga puntod at umiiyak na pinasadahan ng tingin ang kanilang mga pangalang nakaukit sa marmol.

"Kung may paraan ay maghihiganti ako. Gusto ko ng hustisya kahit na anong mangyari. Pinapangako kong magbabayad sila ng mahal. Kung pwede lang humiling na sana mabigyan ko agad ng katarungan ang pagkamatay niyo bakit hindi?"

Ilang sandali akong nanatili sa aking posisyon habang tahimik na tumatangis. Halos magdadalawang buwan na silang wala sa buhay ko at sa bawat araw na nagdaraan ay parang hindi ko kinakaya ang sakit at pangungulila. Kakasimula pa lang ng summer vacation namin ng mamatay ang aking buong pamilya.

Magpapasukan na. Wala na akong isasabay papuntang school. I used to drive my car and dropped my twin brother sa school nila pero ngayon. Wala na. They're gone in my life and out of my sight.

Natigilan ako ng makita ko ang isang anino sa harapan ko. Hindi ko alam kung anino ng isang taong nakatayo sa likuran ko since hapon na. Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran pero walang tao.

Nagsalubong ang mga kilay ko pero diko maiwasang pagtaasan ng mga balahibo. Hindi naman siguro ako minumulto kahit nasa sementeryo pa ako diba?

Ibinalik ko ang aking paningin sa aking harapan pero nagulat ako ng makitang nandoon pa rin ang anino. Humangin ng malakas.

Napalunok ako.

"I am King Arthur at nandito ako dahil narinig ko ang hiling mo."

Malalim ang boses nito at parang tinatangay ng hangin. Biglang naging tahimik ang aking kapaligiran pati hangin ay humupa din.

"M-Multo ka ba?"

Narinig ko itong tumawa. "Hindi mo ako makakausap ng ganito kung isa akong multo."

Napatayo ako't tumitig sa aninong mayabang na nakatayo sa harapan ko.

"Anong gusto mo?" Tanong ko pero itong puso ko ay para ng lalabas sa sobrang lakas ng tibok. Hindi naman ako natatakot. Nangangamba lang dahil mag-isa ako rito.

"I heard you. Sa ating dalawa ikaw ang may kailangan. Nandito ako para gawan ka ng pabor. It's a win-win situation."

"Are you proposing something?"

Biglang nawala ang anino kaya mabilis akong umikot. Wala pa rin.

"I can see you but you can't see me. Isa sa kapangyarihang kaya kong ibigay sayo kapag pumayag ka sa gusto ko."

Nagsitaasan ang mga balahibo ko ng maramdaman ko siya sa aking tabi.

"What do you want in return?"

"Hmm." Ilang sandali itong walang imik. "Kapangyarihan para sa paghihiganti mo kapalit ng puso mo."

Napaatras ako't umiling dito. "I can't love you."

"Interesting pero hindi ang pagmamahal mo ang kailangan ko. Ang puso mo na sentro ng emosyon mo. That passion in exchange of power."

"Pero bakit ang damdamin ko? Pwede naman maging utosan mo na lang-"

"Have you forgotten that I am a King? I have lots of servants. I don't need one."

"Spill." Bakit pa ako magpapaligoy-ligoy. Gusto kong maghiganti diba? Heto na iyon.

"I have a daughter. Po-protektahan mo siya."

"Anong kinalaman ng damdamin ko doon?" Takang tanong ko sa kanya. Bakit pa diba?

"Hindi mo kayang pangalagahan ang kapakanan niya kapag may nararamdaman kang awa, pagmamahal at simpatya. You're gonna work for me then serve my daughter. Protect her at any cost."

Para na akong tangang nakikipag-usap rito dahil mag-isa lang ako. Kung may makakakita lang sa akin ngayon. Iisipin nilang nasiraan na ako ng ulo at hindi malayong dalhin sa isang mental hospital para doon gamotin.

"Paano ko malalaman na hindi mo ako lolokohin?"

"I am King Arthur. You have my word. Just say yes and we're done."

Hindi kaya nakakatakot iyon? Isang taong walang pakiramdam na may kapangyarihan? Pero paano ang pinangako kong hustisya para sa aking pamilya?

Napalunok ako bago tumango. "Tinatanggap ko."

Para akong tinamaan ng kidlat sa lakas at bilis ng aking pagkakatilapon. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatayo mismo sa harapan ko. Oo, nakikita ko siya ngayon at para itong isang pantasya.

"From now on. You are mine Louise and you will serve my daughter. Akin ang buong pagkatao mo at walang makakasira sa usapan nating ito. You will soon come to know my daughter. Take care of her."

Iyon lang at tuloyan na itong nawala. Tumayo ako't parang may nabago. Kinapa ko ang aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Tumitibok pa rin kaya ito? Nawala na ang aking pakiramdam. Limot ko na rin ang sakit ng pagkawala ng aking buong pamilya. Isa lang ang tumatak sa isipan ko.

Wala na akong emosyon.

Nakita kong parang may nagmumulang liwanag sa aking mga palad. Nagtataka man, nagmadali akong umalis doon at sumakay sa aking sasakyan pero pagkahawak ko sa manibela ay bigla nalang itong nabuhay. Mabilis kong tinanggal doon ang aking mga kamay.





Emosyon mo kapalit ng kapangyarihang taglay ko.

The Sold Passion (On Hold)Where stories live. Discover now