Chapter 9

358 31 1
                                    

Louise Averille

"Hi Louise. Pwedeng tumabi sayo?"

Tinignan ko si Rikki na nakatunghay sa akin habang nakatingala ako rito. Mabait naman ito at matalino hindi kagaya ng ibang lalaking wala na ngang utak. Sila pa ang mayabang. Iyon nga lang ay palagi itong nasisita dahil sa kadaldalan nito.

"Sure." I answered habang hinihintay namin ang aming professor.

"Ah, Rikki Cuevos nga pala." Inilahad pa nito sa akin ang kanyang kamay upang pormal na magpakilala kaya napangiti ako ng makitang bahagyang nanginginig ang kamay ito. I know he's nervous. Dinig na dinig ko kasi ang malakas at mabilis na tibok ng puso nito.

"I'm Louise Averille. I know you. Matagal na tayong magkaklase." Binitawan ko rin ang kamay nito matapos kong makipag-handshake. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pamumula nito.

First time lang din kasing may lumapit na lalaki sa akin para magpakilala. Hindi kasi ako palaimik kaya akala siguro ng karamihan ay mataray ako idagdag pang sinasagot sagot ko dati sina Kinsley at Charlotte. Walang modo rin kasi talaga ang dalawang iyon.

Tumikhim si Rikki bago naupo sa tabi ko. Nasa dulo kasi ako malapit sa bintana at wala talaga akong katabi sa kaliwa pero may ekstrang upuan naman.

"Nagawa mo na ba iyong research natin?" Kapagdakay tanong nito sa akin.

"Basta lagyan mo ng drugs ang inumin niya tapos ibigay mo mamaya bago tayo umalis ng room. Kami ng bahalang mag-abang sa kanya sa labas."

"Sige pare, huwag lang papalpak ha kundi mapapatalsik talaga tayo rito. Ang gago naman kasi ni Martin. Siya itong may gusto pero tayo ang inuutosang gumawa."

Kumunot ang noo ko ng marinig ko ang bulongan ni Samuel at Yael. Sinong lalagyan nila ng drugs ang inumin? Naka-shabu yata ang dalawang ito at may binabalak na hindi maganda sa kapwa naming estudyante.

At si Martin ay isa sa mga varsity player. I don't know pero hindi maganda sa pandinig ko ang sinabi ng mga ito.

Tumikhim si Rikki sa tabi ko dahilan para mapabaling ako rito.

"Louise ayos ka lang?" Takang tanong nito sa akin.

"I'm ok at oo natapos ko na lahat ng research natin." I said as I averted my gaze sa ibang direksyon pero napadako naman ito sa gawi ni Cohen.

Si Cohen na tahimik lang na nagbabasa. Naka-side view ito. Naramdaman yata nitong may nakatingin rito kaya agad kong ibinaling ang pansin ko sa ibang direksyon bago pa ako nito mahuli.

Lumipas ang ilan pang sandali ng biglang may kumatok. Isa itong professor base sa suot nitong uniporme.

"You're all excuse since wala ang professor niyo ngayon. Wala ring magte-take over sa klase niya so it's up to you kung anong gusto niyong gawin basta makabulohan at huwag kayong pakalat kalat sa campus habang nagka-klase ang ibang mga departamento." Iyon lang at umalis na ito dahilan para matuwa ng husto ang mga tamad kong mga kamag-aral.

"Saan ka na ngayon Louise?" Tanong ulit ni Rikki ng kunin ko ang bag ko.

"Sa labas magpapahangin lang muna ako. Sige ha. Maiwan na kita Rikki."

Alam kong gusto nitong samahan ako pero hindi pwede. May mga bagay akong dapat gawin idagdag pang kailangan kong bantayan si Cohen.

Lalabas na sana ako ng-

"Cohen para sa iyo." Natigil ako ng marinig ang boses ni Samuel kaya hindi ko maiwasang mapatingin rito. Nasa tabi nito si Yael then it hit me.

May inilagay na droga sa loob ng inumin na iyon.

"No." Masungit at walang emosyong tanggi ni Cohen rito.

"Kunin mo na para hindi na kami mangulit pa. It's for you talaga." Si Yael. "Sige na Cohen at minsan lang mag-effort si Samuel." Solsol pa ulit nito dahilan para mapataas ang isang kilay ni Cohen habang nakatayo na lang ako malapit sa pintuan at nakatingin sa mga ito.

Ang ibang mga kaklase namin ay tuwang tuwa ng lumabas ng classroom habang si Charlotte ay parang kinikilig sa mga nangyayari samantalang si Kinsley ay tahimik lang na nakatingin sa akin.

"If I said no. Then it's a no." Akma ng aalis si Cohen ng hawakan ni Samuel ang braso nito. Agad naman itong binawi ni Cohen at sinamaan ng tingin ang dalawang lalaki.

"Ako na ang kukuha." Mabilis na kinuha ni Charlotte ang inumin kay Samuel. Ngiting ngiti ang dalawang lalaki. Iyong klase ng ngiting alanganin.

Naglakad ako palapit sa mga ito kaya ang pansin nilang lahat ay nabaling sa akin. Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang bottled energy drink kay Charlotte.

"Hey! Hindi sa iyo iyan-"

"Alam ko." Malamig kong putol sa sasabihin nito.

"Aba't bastos ka talaga e ano?-"

"Alam ko ulit."

"At pilosopo ka pa! Alam mo Louise?!-"

"Shut up!" Binuksan ko ang inumin at walang pakundangang ibinuhos ito kay Samuel bago ibato kay Yael ang plastik nitong lalagyan.

Napasinghap si Charlotte at Yael. Si Cohen na walang emosyon ang mukha at si Kinsley na biglang napatayo para lumayo. Si Samuel na galit na galit habang nakatingin sa akin.

"Bakit mo ginawa iyon ha?!" Galit na tanong nito sa akin habang nagbabaga ang mga mata nito.

"Watch out your tongue Samuel." Tinitigan ko sila ni Yael. "Kayong dalawang mga sira ulo kayo. Sa susunod, mamimili kayo ng taong bibiktimahin niyo. Aalis kayo sa school na ito o gusto niyo ng pahirapan?"

"Ang tapang mo talaga Louise pero wala ka sa lugar-"

"Shut up Yael." Malamig ko ulit na putol rito. "Baka gusto mong ipaliwanag kung bakit may droga ang inumin na iyan?" Mataray kong hamon rito.

Nakita kong natigilan si Samuel habang si Yael ay namutla ang mukha.

"And please." I said full of sarcasm. "Huwag na tayong maglokohan rito. Gasgas na ang linyang 'wala akong alam' dahil kapag ako ang kumilos ngayon. Bukas burado na kayong dalawa rito."

Dinuro ako ni Samuel. "Maswerte ka pa rin."

Agad kong hinawakan ang daliri nito at mabilis na binali iyon kaya napasigaw ito. I heard them gasped.

"Tang-ina pare!" Mura ni Yael at saka ito humakbang paatras sa akin.

"There. Now you learned your lesson. Sigurado akong magtatanda ka na. Hindi ka tinuroang masama ang manuro, bastos."

Iyon lang at saka na ako tumalikod sa mga ito.

"Oh, before I forgot." Pumihit ulit ako paharap sa mga ito. Hindi maipinta ang mukha ni Samuel habang nakahawak ito sa daliri nito. "Pakisabi kay Martin, nice try pero kapag may nangyari sa kahit sinong dalagang estudyante. Itaga mo sa ulo mong papakalbo. May kalalagyan kayo."

At tuloyan na akong nag-walked out. Nakaka-stress talaga ang mga tao.

Naglalakad lang ako ng may pumigil sa braso ko. I face her. Yep, I know it was her, Cohen.

May pag-aalanganin sa mukha nito pero malamig pa rin ang tingin.

"Thank you." Iyon lang at akma na itong aalis ng hawakan ko rin ito sa braso para pigilan. Marunong itong magpasalamat?

Nagulat ito ng ilapit ko ang mukha ko rito.

"You're welcome." I mind linked her at nakita ko itong natigilan habang nakakunot ang noo.

How can she manage to be this gorgeous, adorable and charming at the same time?

I smiled at her before I totally let go of her arm.

"Cuidar preciosa.Then I walked away.

The Sold Passion (On Hold)Where stories live. Discover now