Chapter 16

1K 59 24
                                    

Louise Averille

Pinapanood ko lang na tumakbo sa masikip na lansangan ang isang lalaki habang sumisigaw ito ng tulong.

That's right. Cry and scream for help. Naisip ko habang nagliliyab ang mga mata kong nakatingin lang sa direksyong pinuntahan nito.

It was broad daylight pero wala namang nakakakita sa akin. I am invisible right now kaya parang sira ulong humihingi ng tulong ang lalaking alam ng iba na walang nakasunod.

He's one of the men na pumatay sa kambal kong kapatid.

Bigla akong lumitaw sa harapan nito at binalibag sa pader dahilan para mabali ang balikat nito. He was screaming in pain and crying for help but I am deaf. Parang nakikita ko pa ang mukha nitong tuwang tuwa dati habang pinapahirapan ang dalawa kong kapatid.

I kicked him hard at tumilapon ulit ito sa pader. Too bad he's stuck in a dead end.

Nakita kong nagsuka ito ng dugo. He couldn't speak anymore. Lumapit ako rito bago ulit sipain ng mas malakas at papatilapon pa lang ng salubongin ko ito sa taas at biglang tadyakan hanggang sa bumagsak kaming dalawa at nakaapak pa rin ako sa dibdib nito. Pati ang sementong daanan ay nawasak.

He was lifeless already habang umaagos ang dugo sa bibig, mga tainga, at ilong nito.

Walang puwang sa mundong ito ang taong katulad mong walang puso.

Nakapamulsa akong naglakad paalis doon. Kakalabas ko lang sa highway ng makita ko si Maurix kasama ang Mommy Margaux nito.

Lumingon ito sa akin kahit hindi ako nito nakikita bago ngumisi.

I know what you did Louise. I could smell you. I heard you. I heard everything.

Papaalis na sana ako ng marinig kong nagpaalam ito sa Mommy nito bago mabilis na nakalapit sa akin.

"Ok, now I'm here. Show your self."

And I did.

"What's up?" I asked at tumawa lang ito.

"After you silenced someone else tapos ganyan ka makatanong? But anyways it's not my business. Wanna come with me?"

"Nah, I have to go-"

"And protect Cohen?" Nakikita ko ang naglalarong kalokohan sa mga mata nito.

"Iyon dapat ang ginagawa ko ngayon pero nandito ako. Naniningil ng pautang ko."

"Tara!" Hatak nito sa akin at mabilis akong napasama rito. But I wont let anyone control me so I teleported us to Cohen's house.

"That's fast!" Maurix exclaimed. Sa gulat ni Cohen ay nabitawan nito ang baso at muntik ng mabasag pero mabilis kumilos ang kamay ko at lumutang iyon sa ere bago ko ibinalik sa lamesa.

"Nice move." Sumipol pa si Maurix. Hindi ko alam kung bakit ko pa sinama ang babaeng ito. Halatang boring lang ito sa buhay nito.

"What are you two doing here?" Masungit na tanong ni Cohen. Itinigil nito ang pagkain habang magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa aming dalawa ni Maurix ngayon.

Someone's pissed. I heard Maurix said.

That's because I kidnapped her last time and stole a kiss.

Oh you're a pervert.

I'm just curious.

Shush!

Napasuklay si Cohen sa buhok nito gamit ang mga daliri nito.

"We are here to protect you." Si Maurix ang sumagot pero hindi natinag si Cohen sa pagtitig sa amin.

"If you're still pissed because I kissed you last time without your permission then I'm sorry."

Nakita ko ang unti unting pamumula ng mukha nito bago umirap. Tumayo ito at iniwan ang pagkain saka nagpunta sa labas sa may gilid ng pool.

"Type ka ng dalaga mo." Bulong ni Maurix sa akin kaya tinignan ko ito ng malamig.

"Alam mo ang daldal mo Demitriach."

"I'll prove you na tama ako."

Hinila ako nito papunta sa labas kung nasaan si Cohen.

"Damn it's so nice in here." Wika ni Maurix bago nito tignan ng makahulogan si Cohen habang ang isa ay walang emosyong nakatingin sa amin bago sa kamay ni Maurix na nakahawak sa pulsohan ko.

Binitawan ni Maurix ang kamay ko bago ako nito palihim na kindatan. Sira ulo ang bampirang ito.

Saglit lang ay nahubad na nito ang suot na damit at ang natira lang ay ang two piece nito. Palibhasa ay mabilis talaga ang galaw nito.

"How do I look Louise?" Talagang nilakasan pa nito ang boses nito.

I looked at her body. She's so flawless and fair skin. Maganda pala talaga ang complexion kapag half vampire at half human ang nabuo. Pero mas maganda pa rin kay Cohen. I had seen her already before with her two piece as well.

"You look ok."

Gustong sumama ng mukha nito. Gago ka ba? Makisakay ka. Tell me something nicer you stupid. She mind linked me.

Kumunot ang noo ko rito. Ngumiti ka, tanga neto.

Iyong ngiti ko naging alanganin. Ano ba kasing ginagawa nito or pinapagawa sa akin?

"You're fabulous actually. Ang ganda ganda mo-"

"Pwede ba? Lumayas kayong dalawa sa pamamahay ko!" Si Cohen na ang sungit sungit.

"Nah ah. Makikiligo pa ako sa pool mo." Asar ni Maurix dito.

"No, go home!" Saka na ito tumayo at tuloyan ng pumasok sa bahay nito. Naiwan kami ni Maurix dito.

What just happened?

Tawang tawa si Maurix.

"Baliw." Sabi ko rito.

"Manhid." Ganti nito. "Nagseselos iyon. Sabi ko nga type ka diba?"

"Sira ulo ka nga Maurix." Pero natawa lang ulit ito. "Umuwi ka na."

Umiling ito. "Go to her. Sasabog na iyon sa selos. Maliligo lang ako bago ako uuwi saka ako mang-i stalk kay Miss Czinski."

"Ang creepy mo."

"Who says vampires are normal? We are creeps, idiot." Agad ako nitong tinangkang sabuyan ng tubig.

Oh geez. Ang bilis nito pero mas mabilis ang galaw kong umilag rito. Nasa tubig na nga ito at relax na relax magbabad.

"Maurix kapag dika tumigil lulunorin kita diyan." Banta ko rito pero ngumisi lang ito sa akin.

"Go to her dumb ass."

I forgot, she's really rude.

Bigla akong nawala sa harapan nito at kapagdaka ay nakatayo na ako sa likuran ni Cohen habang nakatunghay ito sa baba na parang may hinahanap. Sa may pool area kung saan makikita si Maurix na ine-enjoy ang sarili nito.

"Hinahanap mo?"

"Shit!" Halos lumundag ito sa gulat habang hawak hawak ang dibdib nito. "Louise Averille!"

Napangiti ako ng bahagya rito. "Ang cute mo pa lang magulat."

Without further ado. She came closer and slap me. Strike two.



What the heck!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Sold Passion (On Hold)Where stories live. Discover now