Chapter 27

36 5 0
                                    

Home...


Tahimik kong hinihintay na magbukas ang elevator pero nangangawit na ang paa ko kakahintay, hindi pa rin 'yon nagbubukas. Inis kong nilingon ang paa ko at nakita ang nakakamatay na taas ng heels ko. Why do i even have to wear these?

"Ah, Ma'am, sasakay ka po ng elevator?"

Nilingon ko ang utility man na tumawag sa'kin. I smiled at him and nodded. Nagtaka naman ako dahil napakamot siya bigla sa ulo niya.

"Opo, eh kaso ang tagal bumukas."

"Ay, nako, Ma'am! Sira ho kasi 'yan."

Kumunot ang noo ko. Sira? E, kaninang pagpasok ko, nagamit ko pa 'to, ah?

"Paanong sira po? Kaninang umaga ay ayos pa naman po 'to?"

"Kani-kanina lang din po 'yan nasira, Ma'am. Dalawang oras pa raw ho bago makarating ang tinawagang mag-aayos." paliwanag niya.

I guess, i have no other choice.

"I'll just take the stairs po. Thank you!"

Habang naglalakad ay hindi ko inaasahang makasalubong si Keifer. Ilang araw na rin simula noong huli kaming mag-usap at dahil parehong abala sa trabaho ay hindi kami nagkaroon ng time na magkita. Actually, ngayon lang talaga kami nagkasalubong.

But i was shocked when he didn't even say hi to me. Nagulat ako nang dire-diretso lang siyang maglakad na parang hindi ako nakita. Usually, tuwing makikita niya ako kahit sa malayo pa lang ay ngingiti na siya at minsan ay kumakaway pa, but today's different. We were so close, but he acted as if he didn't see me or he didn't know me at all.

Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Nagtatakang iniisip kung bakit naging gano'n ang trato niya. Ilang araw na simula nung hindi kami magkita at ngayon ay parang nag-iba siya bigla.

Lumingon ako patalikod para lang makita ang likod niya. And he didn't even dare to look back at me!

I dont know what's with Keifer. Why does he acted that way? Is he mad at me?

Pilit kong inalala ang naging huling pag-uusap namin at nagkasagutan kami no'n kaya siguro ganito ang trato niya sakin ngayon. After all, ilang araw na ang nakalipas. Maybe, after our conversation that day, he was really upset with me, but i didn't even apologize. I think, he has all the rights to be mad at me for what i've done.

"Thank you, Miss!"

Wala sa sariling tumango na lang ako sa babaeng kumuha ng inabot ko at saka dire-diretsong naglakad pabalik. Iniisip ko kung ano bang dapat na gawin. Should i just let Keifer treat me that way so that he can finally move on from me? But he's my friend! What if this will lead him to getting mad at me? I don't think kakayanin ko pang pakisamahan siya.

What should i do? The best way to do is to apologize. Kahit pa advantage yung galit niya para layuan niya ako at tuluyan niyang makalimutan ang feelings niya for me ay hindi ko kakayaning isipin ang sama ng loob niya sa'kin. For all the good things he did for me, hindi ko hahayaang ito ang maisusukli ko.

When i went to my table ay nabalutan ng labis na pagtataka ang isip ko. Malayo pa lang ay kapansin-pansin na ito dahil sa pulang-pulang ribbon nito, but hindi ko naman inaasahan na ganito ang madadatnan kom

"What's this?" Nagtatakang tanong ko kay Rica.

"Are you blind?" Maarteng tanong niya kaya naman lihim na lang akong napangiwi.

Muli kong sinipat ang bastket sa table ko. Medyo may kalakihan 'yon pero hindi naman OA sa laki. Gaya ng sabi ko, may malaking ribbon din 'yon na hanep sa pula kaya naman kahit nasa malayo ay mapapansin na talaga. Ang laman ng basket ay puro sweets. Hindi ko naman hilig ang mga 'to kaya imposibleng para sa'kin 'to. Aside from the fact that no one would buy something like this for me, wala naman talagang rason para bilhan ako ng ganito.

SerendipityWhere stories live. Discover now