Chapter 30

53 5 0
                                    

Notes...

Parehas lang kami ni Archer na walang imik habang nasa loob ng sasakyan. Malakas pa rin ang ulan hanggang ngayon at nanginginig na ang buong katawan ko sa sobrang lamig.

Matapos ng sinabi niya kanina ay hindi ko na nagawa pang magsalita. Hindi ko naman alam kung may dapat ba akong sabihin. Pakiramdam ko ay nabingi ako at napipe kanina dahil sa sinabi niya.

Hearing those words from him is like hearing such an amazing music to my ears. Pakiramdam ko ay binigyan ako ng mga salitang 'yon ng mas maraming dahilan para manatili sa tabi niya.

Saglit ko siyang nilingon. Tutok na tutok ang pansin niya sa daan at parang may malalim na iniisip. Just by looking at him right now, i already know that there's something bothering him.

Alam kong sincere ang mga emosyong ipinakita niya kanina. Kilala ko siya at alam kong totoo siya pero ngayong tinitignan ko siya, alam kong mas okupado ng ibang tao ang isipan niya.

Kung hindi ako nagkakamali ay alam kong si Celine ang iniisip niya. Siguro nga ay tungkol kay Celine ang balitang hatid ni Brandon. I saw disappointment in his eyes.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa labas. Pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan. Ramdam ko na ang panginginig ko lalo na ng mga kamay ko. Kung ako ay nilalamig, siguro ay si Archer din! Basang basa rin kaya siya ng ulan!

Pero napatigil ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong mainit.

Ibinaba ko sa kamay ko ang tingin ko at nakita ang kamay niyang nakahawak doon. Sa liit ng kamay ko ay kayang kaya niyang sakupin 'yon!

Nag-angat ako ng tingin kay Archer. Wala siyang emosyong ipinapakita at patuloy lang sa pagmamaneho ng sasakyan. While my heart is beating like crazy, he's just acting like it's nothing!

I didn't move. I didn't speak. I don't know what to do. Subukan ko mang magsalita ay umaatras din ang dila ko. All that is left for me is confusion. Why does he have to confuse me everytime that we're together?!

"It's cold..."

Nagulat ako nang marinig siyang magsalita. Muling bumaba ang tingin ko sa kamay naming dalawa saka marahang napatango.

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya naman mas nag-iwas pa ako ng tingin. Nakakahiyang ang simpleng hawak niya ay binibigyan ko ng mga malisya!

But i am also thinking that somehow, this is his playboy side. I heard some things about him that before Celine, he was a notorious playboy.

Well, he don't do relationships but just pure relationshits. No strings attached, as it is.

Dahil sa haba ng byahe ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama ko. Madilim na sa buong kwarto ko at wala na rin akong naririnig na ulan.

I didn't open the light. Kinapa ko na lang kung nasaan ang phone ko at tinignan ang oras. It's already one in the morning at siguro ay si Archer na ang naghatid sa'kin rito sa kwarto.

Nakakahiya dahil pwede naman niya akong gisingin na lang. Pumasok ako ng banyo at nanlaki ang dalawang mata ko ng makitang iba na ang suot kong damit!

I am now wearing my pajamas pero wala akong matandaan na nagpalit ako ng damit ko! If my memory was right, i'm wearing my soaking wet clothes in Archer's car! And now, i'm wearing my pajamas! Sinong nagdamit sa'kin?!

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko pero naisip kong baka si Manang Flor ang nagpalit sa'kin. Alangan namang si Archer? Napakalawak ng imagination ko kapag nagkataon. At bakit naman niya gugustuhing siya ang magbihis sa'kin?!

SerendipityWhere stories live. Discover now