CHAPTER 19

60 4 2
                                    

MINA POV.

Nang lumabas na ako sa kwarto namin ni chaeyong agad na akong nagtungo sa lugar na kung saan nandon silang lahat

Nang nakarating na ako sa kanila nakita kong nakatayo lang ang mga kaibigan ko habang tumakbo naman sina chaeyong papunta sa dalawang sasakyan na tumigil sa harapan nila

At nakita ko kung gaano sila kasaya nung nakita nila ang mga kaibigan nilang nalayo sa kanila ng mahabang panahon ..Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon

Nang matapos na sila magusap ..pumunta na sila sa amin kaya agad na akong pumunta sa tabi ni chaeyong at sabay sabay na bumalik sa lugar na kung saan san kami naghihintay sa mga kaibigan nila

Pagkaupo namin.. agad na tumayo si dahyun at ipinakilala niya kami isat isa sa mga kaibigan nila

Pagkatapos nila kami pinakilala ..kumain na kami agad dahil mukang pagod sila sa biyahe kaya naisipan narin namin makisabay sa kanila dahil maya maya iinom daw sila kaya ayon kumakain kaming lahat at syempre hindi mawala wala ang kulitan at asaran kaya napakasaya ko ngayon kasama ang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko

Pagkatapos namin kumain tumulong na ako sa kanila sa paghuhugas ng pinagkainan naming lahat

Samantala sina chaeyong bc sa paghahanda ng maiinom namin mamaya

Pagkatapos naming gawin ang lahat ..umupo na kami at umalis sina dahyun at lisa para kunin na ang aming maiinom na inihanda nila kanina

Maya maya pay napatigil kami sa paguusap ng biglang nagsalita si dahyun

"Mga bro inuman na!!"..sabi nito ng malakas

Nagtawanan at ngumiti lang sila kaya napangiti narin ako

Hindi ko alam kung anong meron sakin dahil kanina pa ako napapangiti ng husto na parang ewan

Nang maihanda na ang lahat nagsimula na silang uminom at syempre hindi mawawala ang asaran at kulitan nilang lahat

Samantala ako eto nakangiti lang sa kanila at umiinom rin minsan

"Guys mas maganda siguro kung maglaro tayo"..Sabi naman ni lisa

Kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Ano namang laro?"...tanong naman ni ryujin sa kanya

Nagiisip lang siya kaya napangiti ako at ganon din silang lahat

"Alam mo lisa kung wala kang maisip na laro mas magandang wag na-"...

Hindi na natapos ang sasabihin ni tzuyu ng magsalita si lisa

"Truth or Dare!!"...Sabi naman nito ng malakas

"Abahh maganda yan"..Sabi naman ni chaeryeong at dahyun

Kaya kumuha si lisa ng isang bote ng coke at umupo sabay paikot ikot gamit ang boteng kinuha nito

"So ano game na bah mga bro?"... Sabi naman nito na nakangiti

"Game!!"...sabi naming lahat

Kaya umayos na kami sa pagkakaupo at nagsalita na si Lisa

"Guys ganito dapat gawin hah"...Sabi naman ulit

"Kung sino man ang hindi sumunod or gawin ang pinauutos namin dapat uminom siya ng alak bilang isang parusa at kung sumunod naman siya edi maganda"..Sabi naman nito

"Ano guys nakuha niyo bah"...Sabi naman nito ulit samin

Tumango lang kaming lahat at sinumulan na ang laro

Default Title - ONLY YOU (Michaeng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon