Chapter 28

5K 102 20
                                    

Sorry sa matagal na update.

Simula po ngayon, I will not be posting "Iris's POV" or "Edge's POV" anymore. I will employ a new system na naisip ko a few days ago. Ang system na ito ay hindi ko alam kung may gumagamit na ngayon sa Wattpad, kaya I can't claim na ako pa lang ang gumagamit nito.

Sa tabi ng Chapter Count, you will find a gender symbol. Since si Edge at Iris lang ang may karapatan mag POV, aside from 3rd Person, you will know kung sino ang nagp-POV sa chapter na iyon. Kapag nagkaroon ng POV change within the Chapter, tsaka ko na lang isusulat yung "X's POV" na mga salita.

Showing is better than explaining kaya gagamitin ko na tong system na ito sa Chapter na ito.


ALSO, sana po magparamdam yung mga readers ulit sa chapter na ito para makita ko kung meron pang willing magbasa ng story nila Edge at Iris. Kung wala na po, edi sa Zombie Apocalypse na lang po ako magfofocus sa paguupdate.

Thank you sa mga readers na hanggang ngayon sumusuporta sa story na ito. Sana po hanggang sa pinaka huli eh nandito parin kayo. =)


Chapter 28

Nagulat ako sa mga salitang sinabi ni Edge sa akin. 'Would you like to run away with me?'. Muntik ko nang isigaw pasagot sa kanya na 'Yes Edge, I would like to run away with you' kaya lang napakadaming bagay na pumipigil sa akin sabihin ang gusto kong isagot.

Unang una, ang katapatan ko sa pamilya ko. Kahit na gustong gusto kong gawin ang itinatanong ni Edge, ang pagmamahal ko para sa mga kapatid ko na Famiglia Leone ang pumipigil sa akin para sumama sa isang anak ng Lupo.

Pangalawa, ang konting kaalaman ko tungkol sa kanyang tatay na si Terrence Romano. Napaka daming masama na bagay ang ginawa, ginagawa, at maaaring gawin ni Terrence Romano sa aking pamilya.

Pinaka huli, dahil... dahil mismong kay Edge... hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin kapag kasama ko siya. Sino nga ba si Edge Xavier Romano? Siya ba yung minsan mabait, minsan malambing, minsan snob na kaklase ko sa FDL Univ? O siya ba yung nanloko sa akin, nagpakita nang ugali na hindi ako sigurado kung totoo, at kinidnap ako?

Sino ka ba talaga Edge? Kaibigan ba kita o kaaway? Dapat ba kitang patayin, o dapat ba kitang maha-,

"Kung ayaw mo, hindi naman kita pinipilit." sabi niya sa akin. Bakas siguro sa mukha ko yung pagaalinlangan. Oo, inaamin ko, uncertain ako tungkol sa kung ano ang dapat kong gawin, pero na misinterpret ata ito ni Edge.

"Sandali lang Edge!" at tumalon ako pababa ng airplane at sinubukang habulin si Edge. Naglalakad na si Edge palayo, pero nakita ko... kitang kita ko... nasaktan siya nang hindi ako sumagot sa tanong niya.

Kinakain ako ng guilt sa loob ko. Sinaktan ko ba siya nung hindi ako sumagot? O nagfe-feeling lang ako?

"Uhm... Edge bakit ka nga pala nandito?" sinubukan ko siyang kausapin, habang tahimik akong nagdadasal sa loob ko na sana pansinin niya ako.

"Diba ikaw dapat ang tinatanong ko niyan?" sagot niya sa akin. Well, hindi naman niya sinagot kasi sinagot niya ang tanong ko ng isa pang tanong.

Mafia Boss LoverOnde histórias criam vida. Descubra agora