Chapter 1

12 0 0
                                    

Louisse POV:

ANAK NG PATING! Kung minamalas ka nga naman oo. Late na nga ako pumasok ng school kaninang umaga dahil sa napaka-epal kong kuya, late pa akong uuwi ngayon dahil sa napaka GRRRRRR kong adviser.

Kung bakit kasi napaka-peyborit akong utusan tapos pagalitan eh.. Dahil ba nerd ako? Nakaka-ewan! HAYSSSSSSSSSSSS!

Oh by the way, ako nga pala si Aiah Louisse Tamayo. Isang napakagandang nerd na nagmula sa planetang Saksakan ng katangahan, SakTurn.
Happy kana? Welengye! Yun kasi ang laging sinasabi ng mga bashers ko eh.

At oo, may bashers talaga ako. Diba? Sikat nga eh, duh!! 18years old, Grade 12 ABM student. Ohaaa!~ Call me nerd but I'm brainy... Char!! Di hamak namang mas magaling yung kaklase kong 82 ang average kesa sa aking sagad sa 80 eh. Tapos nag ABM pa. BWAHAHAHAHA!!! Taenang yan!

Sabi nga ni mommy, 'at least pasado'.

"Just let me go kuya. You can have it all. My money, my phone, my cards, pakawelan niyo lang ako."

"Pakawelan? Baka pakawalan. Tatanga tanga naman to, oo."

"Hahaha! Baka half half pare."

Wait, sino ba yon? Ang weird ng tawa eh, kasing weird ng buhok kong sabog gaya ng sabi ni 'Ashley the beauty' na gandang ganda sa sarili. Uhmm--- masilip nga.

Omooo! Ang pogi ^_^ Yum!!!

LOUISSE ang UTAK!!! Kahit wala ka nun wag kang greeeen! Kutis mo nga black eh. >-< Oyyy wag kayo. Morena

Pero teka, mukhang hinoholdap ata. Nakatutok kasi sakanya yung kutsilyo nung si kuyang babsy eh. Ay napakatanga naman pala netong holdaper na 'to. Makakatakbo ba to kung may pulis? Ang taba taba eh. Tapos yung isa namang kuya, sobrang payat niya na ewan, basta siya yung nangangalkal sa bag ni kuyang pogiii.

Owhmooo!~~~]

Tulungan ko kaya siya ng magkasilbi naman ako????

Uhm~~~ pag-isipan ko muna kasi baka naman pag tinulungan ko to eh hindi maniniwalang I have a golden heart na gaya ng sabi ni mommy. Siya lang kasi nagsasabi sakin nun eh. Huhu!

Pag di ko naman siya tinulungan, baka magkatotoo yung sinabi ni Akira na isa lang akong pabigat sa lipunan. Huhu!!! Hindi naman ako mabigat eh. Sa totoo nga sexy daw ako sabi ni mommy.

Uhm~~~

"Sige na nga, tutulungan ko nalang siya."

"Huh?! Pare may nakakita sa akin."

Halaaaa!!!

"Nakita niyo din po ako? Oh my gosh!!"

Nang mapatingin ako kay kuyang pogi eh hindi ko maintindihan yung ekspresyon ng mukha niya at yung sinesenyas niya, diko gets. Hanubayan! Parang gusto niya kasi akong paalisin eh.

"Takte miss! Sang lupalop ka ba ng mundo galing? Bat ganyan ang itsura mo? Sabog ka ba?" tanong ni kuyang piggy na babsy. Napaka judgemental naman nito, parang si Akira at Ashley lang.

"Wag mo ng tanungin pare, saksakin mo na yan at baka tumakbo pa."

"Ano? Ako sasaksakin niyo?"

Si kuyang pogi dumudugo pala yung labi, mukhang kanina pa binugbog ng dalawang to. Kusot kusot na rin kasi yung suot na damit tapos ang dumi dumi pa. Kawawa naman :'/

"At bakit hindi?" sabi ni kuyang payat na mukhang ewan habang papalapit sa akin. Kung may malakas lang na hangin for sure tatangayin 'to.

"Hallah! Mommy!! Tulong!!!"

She Was An Assetحيث تعيش القصص. اكتشف الآن