Chapter 2

7 0 0
                                    

Louisse POV:

"So class, gaya nga ng sabi ko noong nakaraang linggo, kailangan niyong mag-isip ng mga ibebenta niyong products. Food man yan or gamit at kailangan niyong makalikom ng---- blahblahblah" tuloy tuloy lang sa pagsasalita si Mrs. Mariz Melendez, ang teacher namin sa Marketing ng maramdaman ko ang pag-aaway ng mga alaga ko sa tiyan. HUHU:'/ Gutom na gutom nako.

Paano ba naman kasi hindi ako tinirhan ni kuya Yves ng ulam kanina dahil gutom daw siya tapos si kuya Jeiz naman inubos din yung Milkshake. Taena lang! Isusumbong ko sila kay mommy mamayang gabi.

"So Ms. tamayo, ano sa tingin mo ang mabentang product ngayon?"

WHAT?

Sa gulat ko napatayo agad ako saka kinakabahang sumagot. Terror 'tong si Mrs. Melendez eh, balita ko laging may pinapahiyang estudyante. At kung mamalasin ako ngayon, baka ako ang una niyang ipahiya sa section namin. Wag naman sana!

"Since BERmonths naman na po, alam naman nating malamig na ang panahon kaya isa sa mga naiisip kong mabentang produkto ay....."

"Ay ano Ms. Tamayo?"

Owwshit! Kailangan bang lahat ng atensyon nila nasa'kin?

"Ay....."

Ano nga ba? Huhu! Send help!!!!

"Kape po." sana nga bumenta.

"Kape? Why coffee?" ano ba naman 'tong si Mrs. Melendez. Kailangan ba may follow up question pa? Napaka-ewan naman.

Nagtawanan naman yung mga kaklase ko habang naghihintay ng sagot ko. "Simple lang po. Kasi nga po malamig yung panahon." sagot ko tsaka nagtawanan ulit ng malakas yung mga kaklase ko.

Tama naman ako diba?

"Is that so Ms. Tamayo? Bakit pakiramdam ko napakababaw ng sagot mo?"

Aba't! Napaka-demanding naman nitong teacher na to? Malay ko ba sa nararamdaman niya eh ang sabi ng accounting teacher namin na ANSWER WITH ALL YOUR HEART eh sa yun ang nilalaman ng puso kong isagot.

Huminga ako ng malalim tsaka muling hinarap si Mrs. Melendez. "As you can see po (ohaaa! English yan!) Malamig ang panahon ngayon kaya alam kong bebenta ang kape naming ABM student. At para maging mabenta nga ito, hindi naman natin kailangang magpasikat lang ng walang ibubuga. Syempre as an ABM student, mayroon dapat tayong panlaban."

"Then how?"

Eto talagang si Mrs. Melendez pinaiinit ang ulo ko. -____-

"Bakit hindi tayo gumawa ng pakulo?" sagot ko.

"Straight to the point Ms. Tamayo."

HAY NAKO! Buti pa tong mga kaklase ko. Pumasok lang ata para may maiambag na TAWA eh.

"Bakit hindi tayo gumawa ng inspirational message. Or something na pwedeng magpagaan ng loob ng bawat customer natin? Na sa bawat kapeng bibilhin nila ay may pwedeng ilagay na inspirational message sa baso nila? Hindi sa minamaliit ko ang ibang estudyante, alam kong magagaling sila at may ibubuga pero sa tingin ko meron ding mga stress sakanila kaya kung nakaka-inspired man yung message na ilalagay natin sa baway baso, maaring mapagaan manlang natin yung loob nila."

Ohaaaa!

Mukha tuloy silang nakikinig ng sermon. Hmmm!

"O di kaya pwede namang gamitin din ang baso ng kape natin bilang tulay ng mga mensahe sa dalawang tao na hindi makapag-usap ng personal? Tapos yung mga customer natin ay pwede rin nating gawan ng personalized mug para ibigay o iregalo sa mga mahal nila sa buhay. Pwede rin sa atin na bilang graduating student. Malapit na tayong magtapos kaya pwede rin tayong gumawa ng souvenir natin tapos kung buhay pa yung mga basong gagawin natin in the near future, pwede natin itong dalhin sa reunion natin. Ika nga, the memories will always remain, magdaan man ang ilang taon. Malay niyo 10 years or 20years from now pagkukwentuhan nalang natin tong ganap na to sa reunion natin eh while drinking coffee with our personalized mug."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She Was An AssetWhere stories live. Discover now