Chapter 19

6.9K 163 9
                                    

SAFFY's Point Of View

Grabe,sa tuwing naaalala ko ang gabing pinagsaluhan namin noon ni Mavy ay nakakaramdam ako ng hiya sa sarili ko.Ako ba talaga iyon?Grabe,sa susunod ay hindi na ako iinom ng alak.Bukod sa masama ang lasa noon ay nagkapagdudulot pala ng masamang gawain,yung mawawala ka sa katinuan tapos hindi mo na alam na gumagawa ka na pala ng kababalaghan.Tsk tsk,kahiyahiya.

"Hey,baby "nabalik ako sa ulirat mula sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan nang tapikin ni Mavy ng mahina ang pisngi ko.Inilibot ko ang paningin at nakitang nasa tapat kami ng isang malaki at mukhang mamahaling pinto,ngayon ko lamang naalala na nasa mansyon pala kami ng mga Parker.Masyado yatang naaliw ang isipan ko sa pagbabalik tanaw sa nakaraan na iyon.

"What are you thinking?"tanong ni Mavy kaya't muli ko siyang tiningnan at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngisi.Tila may iba siyang iniisip at mukhang alam ko na kung ano iyon.

"Wala wala,tara na.Papasok na ba tayo?"sabi ko na lamang matapos mag iwas ng tingin.

"Seems like you're thinking about something and seems like I know what it is."kaagad ko siyang nilingon ngunut deretso lamang ang tingin niya sa pinto habang may ngisi sa mga labi.Akmang magsasalita sana ako nang buksan niya iyong pinto at hinila ako papasok.At muli na namang bumalik ang kavang nararamdaman ko.Nakita ko na ang mga magulang niya at nakilala ngunit kinakabahan pa rin ako lalo't ipakikilala ako nitong si Mavy sa kanila sa ibang paraan.

"Axvelle dear,you're here.Oh,who's with you?Waut you look familiar"sunod sunod na sambit ng ina ni Mavy nang makapasok kami.Nakaupo ito kanina sa mamahalin nilang sifa ngunit nang mapansin kaming pumasok ay dagli siyang tumayo at sinalubong kami.Ngayon ay tila nag iisip na ito kung sino nga ba ako,kung bakit nga va pamilyar ako sa kaniya.Susko,mukhang naalala niya nga ako.Alam ko naman na mabait siya ngunit hindi ko alam kung tanggap ba niya ako para sa anak niya.Hays,bakit ba ako nag iisip ng ganito?

"Ahm-"pagsisimula ko sa sasabihin ko ngunut natigil ako nang magsalita na si Mavy.

"She's Saffira,my girlfriend"sinamaan ko agad siya ng tingin at pasimpleng pinisil ang kamay niya kaya't nabaling ang tingin niya sakin.Napaiwas naman siya ng tingin at muling hinarap ang ina bago sinabing:

"...in future"nakahinga ako ng maluwag at nahihiyang tiningnan ang ina niya na tila nagulat sa sinabi ng anak.

"Girlfriend?In future?Are you saying na you're courtung her son?!"gulat na aniya pa ng ina kaya't napayuko na lamang ako.Mukhang ayaw niya sa ideya na nililigawan ako ng anak niya.Hays,alam ko naman na mangyayari ito.Sino ba namang ina ang gugustuhing mag karoon ng kasintahan ang anak niya ng isang mahirap na gaya ko gayong napakayaman nila?

"Yes,mom.You heard it right"sagot ni Mavy sa ina kaya't lalo akong napayuko at mariing napapikit.Natatakot ako na sa kaniyang bibig na mismo manggaling ang kung anong naiisip ko.Naramdaman kong lumapit sa akin ang ina ni Mavy at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Iha...."oanimula niya kaya't humugot ako ng malalim na hininga bago muling napapikit ng mariin saka ko siya tinunghayan at pilit na nginitian.Sige,handa na ako sa sasabihin niya.

"Why are you looking down?Are you alright?"natanong nito sa akin kaya't ngumiti ulit ako ngunut hindi iyon umabot sa mga mata ko.Sabi ko sa isipan ko ay handa na ako sa sasabihin niya ngunit tila hindi ang puso ko.

"A-Ayos lamang po ako,m-madame"nauutal kong sambit na ikinakunot ng noo niya.May nasabi ba akong hindi niya nagustuhan?

"Madame?Why are you calling me Madame?You should call me tita or I think it's better if you call me Mommy."ako naman ngayon ang nangunit ang noo sa sinabi niya.Hindi ba siya galit sa akin?

One Night With The Campus King | COMPLETEDWhere stories live. Discover now