12

197 6 2
                                    

iMessage
Today 09:15 PM

Busy ka?

Good evening, Ian.

09:21 PM

Sana mabasa mo ito.

Kailangan ko lang talaga ng kausap HAHA

Yung tipong hindi ako mahihiya. Kaya ikaw naisipan ko. Delete mo nalang ito kung naisturbo kita. Pasensya na rin in advance haha

09:45 PM

Si Mama kasi... lagi nalang pinapamukha sa akin na ampon ako. Alam ko naman na hindi niya gusto ang napili kong strand pero ano bang magagawa ko? Ayaw ko naman pilitin ang sarili ko sa isang bagay na alam kong magpapasakit rin sa akin.

Gusto ko na nga pumunta sa bahay nila Papa kasi alam ko na kahit mahirap ang buhay doon, susuportahan pa rin ako ni Papa sa kung ano man ang gusto ko.

Alam mo naman diba? Na lahat ng problema ko dinadaan ko sa inom.

Kaya rin nagalit si Mama dahil doon. Tumigil na nga ako two years ago. Pero ngayon, gusto ko na naman bumalik sa bisyo kong iyon.

10:32 PM

Ewan ko rin kay Mama kung bakit pa niya akong manatili dito sa bahay nila.

10:40 PM

Pasensya ka na HAHAHA tulog ko nalang 'to.

Gusto kitang yakapin.

Huwag kang umiyak, Elle.

Huwag ka rin mag-inom. Gusto mo ba tawagan kita? Kahit huwag ka na magsalita kagaya ng dati.

Pakinggan mo lang ang mga payo ko.

Akala ko busy ka haha pasensya ka na


Huwag kang humingi ng tawad sa ganyan. Masaya nga ako na sa akin mo nasabi ang mga saloobin mo.

Masaya akong pinagkatiwalaan mo ako, Elle.

Kaya huwag ka mag-sorry.

Tatawag ako ha?

Sige.

IAN DAW SIYA is calling.....

ANSWER // DECLINE

Epistolary: IntersectWhere stories live. Discover now