Kabanata 6

6 1 0
                                    

Cigarette

Nang magising ako, puting kisame at amoy antiseptic agad ang bumungad sa akin. White walls, white blanket, and wherever I look is all white, alam ko agad na nasa ospital ako. Naka dextrose na ang kanang kamay ko at may benda naman ang kaliwa. Medyo masakit parin ang katawan ko. Was that a really bad fall?

I guess so...

Nang sinubukan kong bumangon, agad namang dumalo si Papa.

"Huwag ka munang gumalaw, Av. Eileen, tawagin mo si Doc Pizaro." saad niya. Agad namang sumunod ang kapatid ko.

"Ayos naman na ako."

"Masama ang bagsak mo, pinag-alala mo ako... Hinahanap ka namin 'nun, dahil umaga pa lang ay nawala ka na. Akala namin..."

"Akala niyo, ano? Akala niyo lumayas ako? Heck, No. Hindi ako aalis sa mansyon na 'yun dahil mas may karapatan ako roon kesa kay Tita. At tsaka, hindi ka parin ba sanay na umaalis ako, Pa? There's a time that I didn't go home for three straight days. Hindi niyo naman ako hinanap, ah? ni isang text mo nga, wala, eh. Weird, ngayong hindi pa nag iisang-araw na nawala ako, nag-alala na kayo?" saad ko. 

"Pinagtataksilan mo naman talaga kami, Papa..." yumuko siya at nakikinig lang sa sasabihin ko, tila handang harapin ang galit ko. "Nagawa mong umibig kay Tita, na kapatid ng Mama! At sa mansyon pa talaga? Kung saan tayo naging masayang pamilya? Kung saan kayo nagmahalan ni Mama? I can't believe you!" tutulo na sana ang luha ko nang biglang bumukas ang pintuan, iniluwa nito sina Eileen at Doc Pizaro na matagal nang Kaibigan ni Mama.

"Good day..." bati ni Doc.

"Allan, kumusta ang kalagayan ng anak ko?" kausap ni Papa kay Doc.

"Base sa x-ray, hindi naman napuruhan ang ulo at leeg mo dahil naituko mo ang braso mo, kaya iyan ang napilayan. Ayos lang din naman ang mga buto mo, specially your lower back. Maliban nalang sa braso mo." paliwanag niya sa'kin.
Tumango lamang ako at tipid na ngumiti. "May ituturok lang akong painkiller para maibsan ang sakit mo sa katawan, and by tomorrow pwede ka nang umuwi. Alam kong magaling ka na pagdating sa pangangabayo Avril, pero mas makabubuting mag doble ingat ka."

Ngumiti ako at bahagyang tumango "Yes Doc." tinanguan lang din niya ako at umalis na.

Nang umalis si Doc, medyo naging awkward ang atmosphere ng kwarto dahil nakatitig ang Papa sa akin, tila may gustong sabihin pero pinipigilan lamang ang sarili. Si Eileen, tahimik lang sa gilid at malalim ang iniisip.

"I... I'm sorry mga anak." basag ni Papa sa katahimikan. Nag-angat ng tingin ang kapatid ko sa kanya, hinihintay ang kung ano mang sasabihin,habang ako ay nanatili lamang naka baba ang tingin.

"P-pasensya na kung... kung sa ganoong paraan niyo pa nalaman." nanatili parin kaming tahimik.

"Ayaw kong magsalita, baka kung ano pa ang masabi ko." malamig na sabi ng kapatid ko.

"I'm sorry, It's just that--" naputol ang sasabihin ni Papa nang tumunog ang cellphone niya. "Hello... Yes, okay... I'm on my way." napairap na lamang ako, it's probably Tita.

"Pasensya na anak, I need to go."

"Just go, Papa. Bukas ang pinto." ani ko. Nagdadalawang isip pa siya, tumuloy din naman kalaunan.

Nang tuluyan nang umalis si Papa, Bumuntonghininga si Eileen at nilapitan ako.

"You good?" tanong niya.

"Yeah... Anyway, I like your gift. Thank you." she smiled. She gave me a silver horseshoe necklace, half of it is full of diamonds, and there's a one stone in the other side. Binuksan ko 'yun kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tramples In Serenity(Equestrian Series #1) Where stories live. Discover now