02

77 6 2
                                    

02


So . . . ganoon pala ang nararamdaman ni KC kapag kinukuha ang number niya ng boys na may crush sa kan'ya.

I hugged my teddy bear tight as I giggled. It's making me feel beautiful and appreciated. That was the first time that someone noticed me. Sana mayroon ulit kumuha ng number ko sa mga susunod na araw.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog habang yakap nang mahigpit ang teddy bear na bigay sa akin ni Kuya Gio noong 16th birthday ko.

The following days, I started making my makeup better so I won't look like a kid to anyone anymore. Sa summer nga, try kong magpa-tan para mag-mature naman kahit kaonti ang mukha ko.

"Bakit ka nakasimangot?" Deli asked when she sat beside me.

It's the last subject for today and it's been almost a week since the day that someone asked for my number.

"Bakit wala nang kumukuha ulit ng number ko?" I asked.

Humagalpak siya ng tawa. Tumingin ako nang masama sa kan'ya nang dahil doon.

"Why?" I asked, pouting my lips.

"Kaya pala araw-araw kang maganda, ah?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Araw-araw naman talaga akong maganda, ah?"

"Tangina mo, natututo ka na, ah?!" Sinakal ako ni Deli dahil sa sinabi ko. Ilang sandali pa, tumikhim siya bago umayos ng upo. "Huwag ka ngang malungkot! Akala ko ba strict 'yung family mo? Bakit ngayon, gusto mong may kumukuha ng number mo?"

I sighed. "Wala lang. Feeling ko lang na ang ganda ko no'ng may nanghingi ng number ko."

"Kasasabi mo lang na araw-araw kang maganda, ah?" she asked, raising her left eyebrows.

Nag-iwas ako ng tingin, kasabay ng pagnguso at pagbuntonghininga.

"Ewan ko."

"Tsk! Huwag ka ngang humingi ng validations sa mga lalaki! Mga walang kwenta 'yan! Hindi mo kailangan ng lalaki para maramdaman mong maganda ka. Okay? You can be pretty without their validations. Kahit sarili mo, p'wedeng mag-validate niyan. Or friends mo. Kuya mo. O kahit nga sino d'yan, eh. But never, ever, wait for a man's validation. Maganda ka. Maganda tayo. Okay?!"

Tumango na lang ako bago mapalingon sa pintuan. Nakita kong pumasok si Karlo, dahilan para Mapaayos ako ng upo. Nagpaalam na si Deli na babalik sa upuam niya.

Naupo na si Karlo sa tabi ko dahil seatmate kami. Reyes siya, Romualdo ako.

"Hello, Aika," he greeted me.

I smiled at him. "H-Hello."

My face immediately heated when he smiled back. Nag-iwas ako ng tingin bago muling napangiti. I bit my lower lip before I took a glance at him again. Napasimangot ako nang makita na may tinitingnan siya sa labas. Tumingin din ako ro'n at nakita si Brianna na nakikipag-usap sa boyfriend niya.

Ang ganda niya. If she's taller than her height now, she'll really look better. Eh mas matangkad lang siya sa akin nang kaonti. Siguro, nasa 5'3" ang height niya. 5'1" lang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncontrolled [Baguio Series #6]Where stories live. Discover now